Chapter 42

9.7K 228 48
                                    

Nica's POV

"What?!"

"Allen ---"

"Sigurado ka ba diyan sa plano mo? Sigurado ka bang kayang-kaya mong talikuran ang buhay mo para kay Ejercito?"

"I can and I will."

"Nica. Paano ung lolo at mama mo?"

"Kaya ko sila.  Hindi ako magiging katulad nila." Napa-buntong hininga siya ng pagkalalim-lalim. Nagpalinga-linga ako sa paligid, dahil 30 minutes na kaming naghihintay pero wala pa rin si Jake. 

Nasa ganuon akong posisyon ng makarinig ako ng malakas na pag-putok. Lahat ng tao ay napa-upo sa sahig habang naka-takip ang mga tenga nila. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa labas kung saan humarurot ang isang itim na SUV kasabay naman noon ang pag-kumpulan ng mga tao sa labas. Nang wala kaming marinig na isa pang putok, napatayo ang lahat ng nasa coffee shop at lumabas gayon din ang security ng shop. Napalingon sa akin si Allen at sumunod na rin siya palabas. 

Tumayo na rin ako at sumunod palabas pero pagkalabas ko parang nag-iba ang ihip ng hangin. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko ito ininda at sumunod nalans papunta sa mga nagkukumpulang tao, nang malapit na ako nakita ko si Allen na walang ekspresyon ang mukha at nakatitig lang sa ibaba. Napa-kunot ang noo ko kaya hinawi ko na ang mga tao kahit pa masaktan sila. 

Pagkarating ko roon parang nagiba ang mundo ko. 

Sa sahig ay naka-handusay si Jake, duguan at walang malay. Napa-awang ang labi ko habang nakatingin sakanya. Siya ang binaril?! Yung putok na narinig ko kanina, siya ang pinuruhan!?

"Puta yung kotse!" Malakas na sigaw ko kay Allen. Mula sa pagkagulat, napatingin ito sa akin at agad-agad na umalis. Lumuhod ako at hinubad ang jacket ko tska ito inilagay sa duguan niyang tagiliran. Itinapat ko ang dalawang daliri ko sa pulsohan niya upang pakiramdaman kung may pulso siya pero mahina at mabagal, hindi siya normal. Napatitig ako sa mukha niya at nanginginig ang buo kong katawan. 

"Jake." Pagtatawag ko sa pangalan niya pero wala siyang response. Hanggang sa narinig ko nalang ang busina ng kotse at nakita nang naka-luhod na rin si Allen para buhatin si Jake na maayos niyang nagawa, paalis na sana kami pero naka-harang pa rin ang mga tao at parang walang balak gumilid.

Tinignan ko ang babang nanunuod lang at parang hindi alam na aalis na kami. Nag-init ang ulo ko sa inaasta niya, puta bakit hindi pa siya tumatabi! Nilapitan ko siya at tinulak ng pagka-lakas lakas dahilan para matumba siya at masalo ng mga nasa likod.

"Putangina! Kapag alam mong may dadaan tumabi ka gago!" Malakas na sigaw ko sakanya na ikinagulat niya, maski si Allen ay alam kong nagulat. Tumabi na silang lahat kaya agad naming isinakay si Jake sa kotse. 

Hinawakan ko ang kamay ni Jake at hinalikan ito. 


BINUKSAN ni Allen ang pinto tska ako pumasok sa loob. Nanigas ako sa dahil sa nakikita kong kalagayan niya ngayon, dalawang bala pala ang naka-pasok sa katawan niya, isa sa tagiliran at isa sa likod. Maayos na naalis ang mga bala ng baril sa katawan niya at walang naging komplikasyon noong nasa operasyon siya. 

Naramdaman ko nalang ang kamay ni Allen na pumisil sa balikat ko. Lumapit ako kay at hinawakan ang kamay niya, hinaplos ang pisngi niya. 

Dahan-dahan akong lumapit at hinalikan siya sa pisngi niya.

"Anong nangyari?!" Napalayo ako kay Jake at napalingon sa taong sumigaw mula sa aking likuran. Napa-ayos na ako ng tayo ng makitang pamilya ni Jake ang nakatayo at puno ng pag-alala ang bawat mukha. Si Allen ay lumabas na ng kwarto. Tumabi ako para makalapit sila pero nang maka-hakbang ako, dumapo sa pisngi ko ang palad ng mama niya.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon