Chapter 1

17.2K 505 15
                                    

Chapter 1

Naglalakad ako sa hallway ng Saint Michael High school nang hinarang ako ng mga teacher. Medyo nagulat ako at nagtataka sa nangyayari.

"Ano pong nangyayari?" Tanong ko, sabay tumungo.

"Tumunghay ka Miss Lexie Rizon.." unti-unti akong tumunghay at nakita ang mga nakangiti nilang labi. Medyo awkward, ano ba talagang nangyayari. Pero mas nagulat ako ng yakapin ako ng terror teacher ko. Si Sir Yuzon.

"Congratulations Lexie.." Huh? Napanganga ako ng di oras. Bakit? Di naman ako valedictorian o ano, bakit ako icocongrats.

"You're expelled.." napahiwalay ako sabay nganga ulit.

"Ano po? Pakiulit nga po?" Namintig ang tenga ko nun, shete! Ang sakit naman nang narinig ko, paano ko na lang sasabihin may Mama na naexpell ako, letse! Anong nangyayari sa earth? Dahil ba sa kakulitan ko? O sa pagiging pasaway ko, engot ka kasi e. Engot! Sabay pukpok sa mapurol kong utak nang pigilan ako ni Sir.

"Anong ginagawa mo Lexie?" Napatingin ako sa kanya, di na napigilan ng mga mata ko ang luhang papatak na talaga. Lagot ako kay Mama. "Bakit ka umiiyak?" Napaupo na lang ako at nag-uumatungal.

"Waaahhh.. Sir, paano hindi ako iiyak.. Natanggal na ako sa school, lagot ako may Mama nito.." atungal ko nang inalalayan niya akong tumayo, habang siya ngiting-ngiti at lahat ng teacher. Para bang gustong gusto na nilang mawala ako, ang saya nila. AWTSUU..

"Huwag ka umiyak, kasi may good news.." Good news? Sabay abot sa akin ni Mrs. Reas nang isang puting envelope, sobrang saya din ng mga ngiti niya.

"Ano 'to?" Sumenyas sila na para bang ibig sabihin ay buksan ko. May seal pa na parang seal ng isang school. At nabasa ko sa likod ang.

To Miss Lexie Rizon.
From: The head of twilight academy.

Medyo nagtataka ako pero binuksan ko na. Parang mas excited pa lahat ng mga guro ko. Sila na kaya bumasa.

Dear Ms. Rizon.

Congratulations. Ikaw ang napili. Wala ka nang gagastusin sa eskwelahan dahil scholar ka nang bago mong school. Ang twilight academy.
Maligayang pagbati ang nais naming ipaabot sa'yo.
Sincerely yours
Head of the academy.

What? Totoo ba 'tong nabasa ko, at saan naman yang twilight academy na yan. Parang Edward at Bella lang. Nakangiti lang ang mga teacher sa akin sabay makipagshake hand sa akin.

"Congratulation Lexie." Sabi ni Sir. Kumunot ang noo ko, sabay nguso.

"Sabihin niyo ang totoo Sir, gusto niyo lang akong umalis dito di ba?" Napasipol pa sila sabay tingin sa ibang direksyon.

"Sabi na ba e.. Saan ba 'tong school na'to?" Ngumiti sila.

"Kung gusto mo, kunin mo na ang mga gamit mo at ihahatid ka namin dyan kaagad." Sabi niya, sabay tulak sa akin papunta sa may dorm. Hindi naman sila excited na paalisin ako. Pft.

---

Naayos ko na lahat ng gamit ko, kumakaway na lahat ng mga kaibigan ko. Pero echos lang yun, wala naman talaga. Panget kasi ako, mga nambubully pa, Madami pa. Hahaha..

Tumapat sa akin ang isang mahabang kulay puting kotse. Agad akong napangiti, para lang akong prinsesa, prinsesa ng mga tasa. Pinasakay na ako ng Driver, mangiyak-ngiyak pa kunwari ang mga guro ko. Ang paplastik talaga ng mga tao dito. Sumakay na ako kasabay ang pagkaway ng mala pang Miss Universe. Nainis naman ako sa reaksyon nila na animo'y nasusuka.

Umandar na ang kotse, hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito pero ang alam ko. Magiging masaya si Mama dahil, fully scholar na ako. Sa talambuhay ko hindi ko akalain mangyayari sa akin ito.

"Nandito na po tayo Miss." Napatingin ako sa labas ng bintana, nakikita ko ang mga nakaputing estudyante na pumapasok sa loob. Mukhang pang mayaman, lumabas na ako at napanganga ng tumambad sa akin ang malamansyong paaralan.

"Paaralan ba 'to?" Sabay pahid sa laway ko, tumango lang si Manong Driver at ngumiti. Napangiti na lang ako sabay ngiti at pag-ikot kasabay ang malakas na pag-ihip ng hangin.

"Ahhh.." nabangga ako sa isang katawan, napahawak ako sa braso niya.

"argh.. Huwag ka ngang umikot-ikot dyan.. di bagay tsk!" napatingala ako sa nagsalita at nakita ko ang isang gwapong nilalang sa harapan ko. Hinila niya agad ang kamay niya sabay pagpag nito. "Shit! Panget!!" Nanlaki ang mata ko sa inis.

"Sinong panget?" Sigaw ko. Napatingin ako sa mga nagtawanan sa likod ko. Anim pang lalaki na puro gwapo.

"Ikaw, tinatanong pa ba yun?" Sabi nung lalaking nabangga ko.

"Pft.." sabay nguso at taas ng kilay ko. "Bwiset!!" Saka ako umalis, sumama na ako dun sa driver kung saan niya ako dadalhin. Nasulyapan ko ulit silang mga tumatawa. Kayayabang naman, pero bakit ang puputla? Parang bampira.

-----

"WHAT?????" The F*ck!! "Ano pong sabi niyo ulit?" Halos manlaki na ang mata ko sa pagkabigla.

"This is a vampire academy.. at napili ka namin Miss Lexie para malaman kung sino ba talaga sa pitong ipapakilala ko sa'yo ang tunay na prinsipe. Lubos kaming nahihirapan dahil talagang ayaw niya, kung sino man siya na ipaalam ang tunay niyang katayuan. Kaya kailangan namin ang tulong mo!!"

"Ano po ulit?" Tanong ko nang bubuka na muli ang bibig niya, "never mind! Ayaw ko po! Uuwe na ako.."

"Pero hindi ka na makakabalik sa school na pinanggalingan mo, at di ka na rin tatanggapin pa sa ibang school dahil nalaman mo na ang lihim ng eskwelahang ito." Napanganga ulit ako.

"Ba't di niyo kaagad sinabi?" Sigaw ko.

"Kung sasabihin ba namin, papayag ka ba?" Napailing ako, "Kaya hindi namin sinabi sa'yo."

"Unfair naman.. Bakit ganon?" Napangiti siya at nakita kong sumilip ang mga pangil niya. Waaah.. totoo ba yun, lord help me.

"Wala ka nang magagawa, so dito ka na lang mag-aral.. Pwede ba Miss Lexie.." Muling sumilay ang mga pangil nya.

"Bampira din kayo?"

"obvious ba?" Napapatango na lang ako kahit nanginginig ang buong katawan ko. Ano bang napasukan ko. Is it Reel or Real? Letse oh..

Ano ba 'tong napasukan ko, katapusan ko na ata.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon