Chapter 43
Third PERSON POV
"Ito yung nararapat, ang layuan ko siya at maging masaya sa totoong nagpapasaya sa kanya. Di ba tama ako?" si Brent kaharap ang isang malaking garden sa lugar na kanyang pinuntahan.
"Engot! Paano naging tama yun? Hays!!" Sabi nang kalalapit lang na dalaga sa kanyang tabi, hindi nakikita ang mukha nito dahil isa lang itong kaluluwa.
"Masasaktan na naman siya sa akin kapag ako lang ang pinili niya?" Sinapok siya ng multong kausap niya.
"Hays! Sira ka talaga, kung mahal mo ipaglaban mo, hindi yung susuko ka kaagad. Wala pang nangyayaring maganda. Pft."
"Hindi ko alam, ayoko lang siyang masaktan."
"Bahala ka.." sabay tayo nito at layo sa binatang nakaupo lang at nakamasid sa malawak na halamanan ng mga bulaklak, "may mangyayaring hindi maganda, kailan ka pa ba babalik dun?" Huling sabi nung babaeng multo na hindi niya pinansin. Nakapangalumbaba siya habang iniisip si Lexie
-----
Samantala, hindi maipinta ang mukha ni Maureen habang pabalik-balik sa loob ng kwarto nila ni Sowie. Habang hawak-hawak niya ang litrato nilang dalawa ni Brent.
"Akin ka lang e, pero dahil sa malanding babaeng yun. Hiniwalayan mo ako! Di ko siya mapapatawad, makakaganti rin ako.." sabay gasumot niya rito at tapon sa may basurahan sa tabi ng pintuan nang biglang bumukas ang pinto.
"Anong problema mo?" Singhal ni Sowie matapos siyang tamaan ng gusumot na litrato. Napangiwi lang si Maureen dito, sabay ang pag-upo sa malambot niyang kama. Inirapan niya si Sowie pero agad din niya itong tinignan ng seryoso. Napangiti siya na parang may binabalak na masama.
"Anong klaseng tingin yan?" nagtatakang tanong ni Sowie nang makita niyang tumayo si Maureen at unti-unting lumapit sa kanya. "Ano bang kailangan mo?" Nang haklitin nito ang braso niya at hinawakan ng napakadiin. "Aray, nasasaktan ako! Ano ba?" Lumapit ang mukha ng dalaga sa may tenga ni Sowie.
"I know your secret.. Kung saan ka nanggaling at kung bakit ka napunta rito?"bulong ni Maureen na ikinabigla ni Sowie.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Nauutal niyang sabi ng bitawan siya ni Maureen at nagkibit balikat ito. Nakangisi lang si Maureen.
"Mukhang nakalimutan mo na ang dapat mo talagang ginagawa sa lugar na ito.."
"Ano bang pinagsasabi m--"
"Huwag ka nang mag-akila! Huwag ka nang magsinungaling! Gusto mo bang malaman ng lahat na isa kang sugo ng mga hexenors? Gusto mo bang malaman nila, para pagpiyestahan ka nila lahat dito at patayin, at higit sa lahat, ang mas masakit ang di ka na mahalin nang bampirang minamahal mo ngayon?" Natakot si Sowie sa mga sinabi nito pero mas natakot siyang mawala ang pinakamamahal niya.
"Paano mo nalaman?" Ngumisi lang si Maureen sabay ang pagtaas ng palda niya. Nanlaki ang mata ni Sowie nang makita ang markang katulad na katulad sa kanya. "Kung ganon kapag nalaman nila, sasabihin ko ring isa ka sa mga kalaban. Bahagyang natawa lang si Maureen, nang nagtaka na lang si Sowie na unti-unting naglalaho yung marka sa hita nito.
"Paano nangyari yun?" Tanong ni Sowie.
"Dahil meron akong abilidad na itago ang pagkakakilanlan ko, e ikaw may kakayahan ka ba? Normal ka lang, wala kang kwenta!! Saka sa tingin mo ba, papaniwalaan ka nilang hindi ka isang kalaban, kamumuhian ka lang nila hahaha.. Wala kang abilidad katulad ko.."
"Dahil ayokong maging isang katulad nila, gusto ko lang makasama ang mga kaibigan ko kaya please, huwag mo sanang sasabihin! Gusto ko pang manatili rito.." sabay ang pagluhod niya.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampiroWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...