Chapter 61

4.7K 191 6
                                    

Chapter 61

Lexie POV

Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko na siya, si Brent ang prinsipe. Wala ba talagang mangyayaring masama kapag sinabi ko kung sino talaga siya. Pero bakit ngayon pa lang nag-aalangan na ako.

Tumingin ako sa orasan ko matapos kong bumangon sa malambot  niyang kama. Bagong taon na nga pala bukas, umpisa na ng pagbilang ko nang mga nabibilang kong mga araw. Para namang mamamatay ako, mawawalan lang ako nang alaala ano ba? O sasabihin ko na lang para makasama ko siya.

Bigla na lang pumasok si Brent sa kwarto kaya agad akong nagtalukbong ng kumot. Ano ba kasi yung nagawa ko, umamin ba talaga ako sa kanya kagabi.

----Flashback----

"Sino?" Tanong ko, nang tumingin siya sa akin. Napatitig rin ako sa gwapo niyang mukha. Bumibilis kasi ang tibok ng puso ko, parang nag-uunahang mga kabayo.

"Ako.. ako ang prinsipe." Nagulat ako sa sinabi niya. "At pwede mo nang sabihin sa kanila na ako ang prinsipe."

"Hindi ba pwedeng sa iyo na lang manggaling kung wala naman palang masamang mangyayari?"

"H-Hindi.." umiwas siya ng tingin, "sabihin mo na para hindi ka mapaalis sa academy, para makasama mo pa kami ng matagal." Ngumiti lang ako saka ko hinawakan ang kamay niya.

"Ano ba? Matagal pa naman ang isang buwan, kapag kailangan ko na talaga. Doon ko na lang sasabihin. Pwede ba?"

"Tsk. Bahala ka!" Singhal niya kaya napatingin ako sabay tingin muli sa langit.

"Excited ka ba?" Tanong ko sabay tawa, nakita ko siyang nakabusangot. "Bakit ayaw mo bang mawala ako sa'yo?"

"Sinong may sabi sa'yo?" Sarkastiko niya sabi, napangiwi na lang ako. Deny pa 'to, gusto rin naman ako. "Uwi na tayo.."

"Huh? Nag eenjoy pa ako! Saka may sasabihin pa ako sa'yo e."

"Ano namang sasabihin mo?" Parang nagulat pa siya, nang humarap ako sa kanya sabay turo sa puso niya at sa puso ko. "A-anong ibig sabih--"

"Mahal kita Brent.." nabigla siya pero agad din siyang napatungo.

"Uwe na nga tayo.." pero wala pa siyang sagot, di ba niya ako mahal. Ano ba kasi? Ba't ko ba sinabi pa? Hays. Pumunta na siya sa may kotse at sumakay, pinaandar niya na yung makina habang ako nakatunganga pa rin dito. Nang mag busina siya kaya agad na sumakay ako. Nahihiya na tuloy ako ngayon. Nakarating kami sa academy nang walang imik.

---end of flashback---

Hinihintay kong kamustahin niya ako pero wala pa rin siya imik. Galit ba siya sa ginawa kong pag-amin sa kanya, akala ko ba mahal niya rin ako. Nag assume na naman ba ako?

Tatanggalin ko na yung pagtalukbong ko nang marinig kong nakalabas na siya ng pinto. Dahil sa inis ko, naibato ko na lang yung unan sa pinto. Lokong yun.

"Sa susunod, di na talaga ako aamin sa'yo, bwiset!!" Sigaw ko sabay sabunot bahagya sa buhok ko. Tumungo ako at pinipigil ang sariling maluha. Mawawala na ang ako dito, ginaganyan niya pa ako.

Bumaba na ako ng kama nang muntik na akong madapa dahil bumukas ang pinto at nakita ko si Brent na pumasok muli. Tatago sana ako ngunit napansin kong parang hindi niya naman ako nakikita. Anyare sa yabang na'to. Masama na bang umamin, magagalit na kaagad siya. Kainis ah.

Lumabas muli siya ng hindi man lang ako nasulyapan, gusto ko siyang sapakin sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon. Pero hindi ko kaya! Padabog na lang akong naupo muli sa kama.

"Kainis!" Singhal ko, pero di ako susuko. Kung kailangan ko siyang gamitan ng isang daang paraan para mapaamin ko rin siya sa akin. Ako na manliligaw tutal torpe siya, alam ko namang hindi kami maghihiwalay ngayong nalaman ko na na siya pala. Pero hindi ko pa sasabihin, paexcite pa more.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon