Chapter 4Nagising ako sa pagkakatulog, bigla ko na lang naisip na. Bakit pa ipapahanap ang prinsipe e nandito naman ang Papa niya. Niloloko ba ako ni Miss Head, baka naman pinagtitripan niya lang ako.
Agad akong tumayo at tinungo ang pinto nang mapansing nakatalukbong pa nang kumot si Sowie. Baka naman napuyat siya, hindi ko na siya nahintay pa e. Mamaya ko na lang tatanungin, ang mahalaga. Matanong ko muna ang head ng school na'to.
Patakbo akong pumunta sa office niya hanggang sa makarating ako dun. Kinatok ko bahagya nang makarinig ako ng ungol. Ungol na kakaiba, may something ganon.
"Sino yan?" Sigaw niya mula sa loob.
"Ako po, si Lexie.." pinagbuksan niya naman ako kaagad. Nakita kong halos hubad na ang suot niyang sando. Sabay pa kamot niya sa ulo.
"Anong ginagawa mo dito?" Sabay ang paghikab niya. Natutulog pala sila kapag gabi? Akala ko tuwing umaga lang.
"May gusto akong itanong sa inyo?" Sigaw ko, nang hilahin niya ako papasok. "Bakit niyo ipinapahanap ang prinsipe sa akin, e nandito lang naman pala ang papa niya." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"Nakita mo ang Papa niya?" Tanong niya na parang hindi pa naniniwala. Tumango lang ako, "Ang alam ko, patay na ang ama ng prinsipe sabi ng kanyang mga katiwala. Pero nang yang pitong lalaki ang dumating sa amin, di namin alam kung sino nga ang prinsipe."
"Waaahhh.. p-akiulit nga po? P-atay na po sino?" Nangangatal kong sabi.
"Yung ama niya." Napatili na lang ako nang di oras.
"K-kung g-ganon, m-mu-multo n-na y-yung n-nakita k-ko?" Tumango-tango pa siya na nagpapahina ng tuhod ko ngayon. Hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat sabay ang malaking pagngiti.
"Kung ganoon, kilala mo na ang prinsipe?" Umiling-iling ako habang takot pa rin ang nararamdaman. Normal lang siya, kaya namatay siya. Hindi siya katulad ng mga bampirang matagal ang buhay. Kung ganon, patay na nga ba talaga siya?
Waah.. Ano ba 'to may bampira na nga, may multo pa? Ano 'to?----
Hindi ko pa rin kilala ang prinsipe, yun ang masaklap dun. Nakatungo akong tinungo ang kwarto ko. Ni hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon, basta naninindig ang mga buhok ko sa katawan saka nangangatog ang mga tuhod ko. Nabangga na lang ako at napaupo sabay ang dahan-dahang pagtingala sa nabangga ko.
"Bakit ka naglalakad ng tulog?" Hoy, di ako tulog. Gising na gising ako. "Para ka kasing Zombie e." Sabi niya, nababasa niya din ang isip ko. Pwede nang hindi ako magsalita.
"Magsalita ka rin kasi halatang napawis yang laway mo! Wala bang tubig sa comfort room niyo? Gusto mo pasok ka sa kwarto ko?" Nanlaki ang mata ko at nakita ko ang pagngisi niya.
"Gago!" Sigaw ko, "At bakit ako papasok sa kwarto mo?" Halos mamutla na ata ako dito.
"Hahaha.. Joke lang, di ako napatol sa mga flat chested.."
"Ahhh.." napatingin ako sa bandang dibdib ko na pinagkaitan. "Ahhh.. A-ano naman kung flat chested ako!!" Sigaw ko ulit nang inabot niya yung kamay niya. "Ayoko! Kaya ko 'to.." saka ako dali-daling tumayo.
"Jules nga pala.." saka siya unti-unting lumapit sa akin, sabay ang paglapit ng mukha niya sa may bandang tenga ko. "Pag wala ka pasok ka lang sa kwarto ko.."
"BASTOS!!" sigaw ko saka siya tumawa nang may babaeng papalapit sa kanya at bigla yumakap ng mahigpit.
"Babe, saan tayo mamaya?" Tanong nung babae. Kumindat lang siya sa akin sabay ang pagtingin sa babae na ngayon ay nakasimangot sa akin.
"Alam mo na yun, sa dating place.." halos manginig naman sa kilig ang babaeng yun. Nanginig tuloy buong katawan ko, grabe ang bastos ng lokong yun.
---
Nakapag-ayos na ako, papasok na ako sa room nang hindi pa rin gumigising si Sowie kaya tinanggal ko ang nakatalukbong niyang kumot.
"Aaahhhh.." sabay ang papikit-pikit niyang pagmulat. Hinila niya ulit yung kumot niya sabay itinalukbong.
"Wala ka bang pasok Best?" Tanong ko. Tumango ang buong katawan niya. Ano kayang ginawa nitong babaeng 'to kaninang madaling araw. Hinayaan ko na lang siya at lumabas na ako ng kwarto.
Tinatahak ko na ang papuntang classroom nang makita ko si Dylan. Nakasunod lahat ng babae sa kanya pero ni isa, wala siyang pinapansin. Napatingin siya sa gawi ko saka siya tumigil sa paglalakad. Mabilis ko siyang nilampasan.
"Polki.." sinong may sabi nun? "Polkadots girl?" Mahina niyang sabi pero rinig ko pa rin. Agad akong napatingin sa gawi niya na nakataas pa ang kamay. "Hi Polki?"
"Polki?" Tumango-tango pa siya, nilapitan ko siya. "Anong Polki? Sira ulo ka ba?" Ngumisi pa siya.
"Kamusta naman panty mo ngayon, polkadots pa rin ba?" Nag-init ang mukha ko sa hiya.
"Bastos!!" Sabay walk out ko na sana nang hilahin niya ako. Napatingala ako sa kanya dahan-dahan. "Ano bang kailangan mo?" Ngumiti siya.
"Ikaw.." lalo lang namula ang pisngi ko.
"Huwag mo nga ako pagtripan, kayong lahat.." sabi ko, saka niya nilapit ang mukha niya sa may tenga ko.
"Hinding-hindi.." bulong niya, saka niya ako binitawan at iniwang nakatulala dito.
-----
Ayoko na! Masyado na akong namumutla, baka mamaya bampira na rin ako. Huhuhu.. Dahan-dahan kong nilakad ang mga paa ko papunta sa classroom nang may bumunggo sa akin.
"Aray.." sabay tingin ko sa kanya na nagpausok sa ilong ko.
"Ah si Panget pala.." lumapit pa sa kanya ang tatlo niya pang kaibigan.
"Hahaha.. Brent, lagi mo siyang pinagtitripan.." sabi nung isa. "Nga pala, ako si Alex.." sabi niya, inisnab ko lang siya.
"Hahaha.. Wala pala sex appeal mo ngayon Alex e, ako pa kamo..tignan mo! Ako pala si Xyrus.." pero inisnab ko pa rin.
"Anong problema sa mga kamay niyo? May mga dumi ata kaya ayaw makipagkamay sa inyo hahaha.." todo tawa siya nang parehas siyang batukan ng dalawa.
"Tigil tigilan mo ako Kurt.." sabi nung Alex.
"Ako din.." sabi naman nung Xyrus.
"Di na kayo mabiro.." napangiti na lang ako bahagya nang makitang seryosong nakatingin sa akin yung si Yabang.
"Tigilan niyo na nga si Panget.. Bakit ba kayo makikipagkamay sa panget na yan! Baka mamaya may Virus yan, mahirap na.." nainis ako sa mga sinabi niya.
"S-sira n-na na u-lo m-mooo!!" Sigaw ko pero tumawa lang siya sabay ang pagtalikod sa akin at taas, patong ng mga kamay niya sa batok niya.
"Panget.." sabi niya pa. Gusto ko na sanang sapukin. Pero pinigilan ko lang ang nagkukuyom kong mga kamao. Letseng buwiset na lalaking 'to. Buset!!
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampirosWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...