Chapter 30"Siguro kung hindi kayo nagkahiwalay ng mahal mo, di mo sasabihing gusto mo ako.." tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Gusto kita pero siguro nga mas matimbang talaga siya." Medyo nahurts naman ako dun, sabi na e, trip niya lang akong gustuhin. "Pero gusto talaga kita bilang kaibigan.." sabi niya, ngumiti naman ako at tumango.
"Oo naman, kaibigan." Natahimik siya saka tumingin muli sa akin.
"Si Ria, kaparehas mo siya, mabait, maamo kapag ngumiti pero nagbago yun simula nung maobsessed na siya at di na mapigilan sa mga ginagawa niya." Tumungo siya at ipinatong sa mga tuhod ang ulo. "Ang babaeng pinakamamahal ko, binago ko siya sa simpleng pagsabi ko lang ng mahal ko siya.." nagtataka ako.
"Paano nangyari yun." Tanong ko.
----Flashback----
Jules POV
Ang daming babae talaga sa academy na'to. Buti na lang dito ako lumipat, buti na lang dito kami lumipat ng mga tropa ko. Hindi ko naman kailangang magsalita, lahat naman sila mahuhumaling sa kagwapuhan ko.
"Hoy tabi!! Tabi sabi.." napatingin ako sa sumisigaw sa bandang unahan ko, babaeng nagbabike at malapit nang bumangga sa akin. "Tabi! T*nga!!" Sigaw niya na ikinainis ko kaya hinarang ko yung bike niya at nabigla siya nang napatigil ko ito.
Gusto ko sanang sabihan siya, pero di ko magawa. Unti-unti siyang tumingin sa akin sabay ang pag peace sign.
"Bampira ka dude?" Tanong niya, hindi ko siya pinansin bagkos iniwan ko na siya. Wala akong time sa mga babaeng walang isip. Nakita nang napigilan ko yung pagbangga niya sa akin, sa alam ko walang tao ang makakagawa nun.
"ASTIG!!" narinig kong sigaw mula sa likuran ko, napatingin ako sa kanya nang makita ko siyang kumakaway sa akin. "Pwede ba kitang kaibigan, Vampi.." ano daw? Vampi?
"Tsss.." saka ako dumeretsong lumakad, at di na siya muling sinulyapan. Habang naglalakad ako sa hallway, daming nakatingin sa aking mga babae. Ang hirap ng ganitong powers, ni hindi ka man lang makapagsalita dahil baka magkagulo.
"Hi Jules?" Bati sa akin nung isang babae nang hawakan ko ang kamay niya at hilahin siya dun sa walang tao. Alam kong walang tao dito, kaya siya lang makakarinig sa akin.
"Kamusta?" Napahawak siya sa dibdib at nagsimula na siyang magayuma.
"Mahal kita Jules.."
"Pft.. mahal kaagad? Punta tayo sa kwarto ko?" Para pa siyang kinilig.
"Okay.. I'm excited." Dahil sa magandang boses kong ito, mabilis ko silang napapayag. Hinawakan ko na siya sa kamay nang bigla niya na lang akong hilahin at halikan sa labi.
"You'se so naughty babe." Sabi ko, matapos niya akong halikan. Ngumiti siya sabay ang pagpulupot ng kamay sa braso ko.
Naglalakad kaming magkasama papunta sa kwarto ko nang makasalubong ko ulit yung babaeng kaninang makakabangga sa akin. Nakita ko ang inis sa mukha niya.
"Babaero pala ang loko! Hays.." bulong niya na narinig ko, napangiti na lang ako nang lagpasan niya kami. Sinulyapan ko pa siya at natawa na lang ako nang muntik na siyang madapa.
"What happen babe?" Tanong nung babaeng nakapulupot ang kamay sa akin.
"No babe.. Tara, pasok na tayo.." sabi ko sabay pasok namin sa kwarto.
----
"Waaaahhhhhhh!!" Narinig kong sigaw mula sa labas ng pintuan ko. "One two three.." bilang pa, kaya agad akong napabalikwas ng gising.
"Sino ba kasi 'to?" Sabi ko sabay bukas ng pinto, nabigla na lang ako ng makita yung babae kahapon na nagpupush up sa tapat ng kwarto ko. Tumaas kaagad ang kilay ko, pero nang unti-unti niya akong mapansin ay nagpanic siya kaya nawalan siya ng balanse at napasubsob ang mukha. Pinilit kong pigilan ang pagtawa ko.
"Aray.." sabi niya sabay turo sa akin, "kasalanan mo 'to!!" Sabi niya nang tinuro ko lang yung sarili ko. "Hindi ka ba nagsasalita, pipi ka ba?" Tanong niya, nang sinarado ko na lang yung pinto ko. Pero kinatok niya ng kinatok iyon.
"Tsss...Ang kulit pala ng babaeng ito, di pa naririnig ang boses ko, obsessed na sa akin." Saka ako kumuha ng papel at ballpen. Sinulat ko ang gusto kong sabihin saka binuksan ko yung pinto sabay pinabasa ko sa kanya.
"Anong problema mo?" Pagbasa niya, "problema ko, wala!" Sagotbniya. Nagsulat muli ako. "E bakit ka nandito?" Pagbasa niya ulit. "Kasi gusto ko lang malaman ang pangalan mo?" Sabi niya kaya sinulat ko na lang para wala nang makulit.
"Jules, I am Jules! Masaya ka na.." sulat ko nang makita ko siyang tumango habang ngumiti.
"Jules pala, now I know, kung sino ang iinstalk ko.." bulong niya ulit na narinig ko. Magiging stalker ko siya, baliw na ata tong babaeng to. "I'm Ria nga pala, Ria Sandoval.. nice to meet you.."
----
Sa araw-araw nakikita niya akong may kasamang babae, nakikita ko siyang nakasimangot sa tuwing makikita niya ako habang nakikipag-usap siya sa mga kaibigan niya. Yung mga babaeng nakakasama ko, nakikita kong tinatanong niya pero sigurado akong wala silang maalala dahil pagkatapos nilang marinig ang boses ko. Buburahin ko rin ang alaalang nakasama nila ako.
"Dude.." sabi ni Kurt, matapos nilang magtanim ni Alyana ng kung ano-anong gulay.
"Problema Jules baby?" Sabi ni Yana, nakita kong nainis si Kurt dahil may baby pa ang sabi sa akin ni Yana. Bakit sila na ba?
"Wala 'to.." sabi ko, hindi ko maintindihan pero siya lang ang babaeng pwede kong makausap nang matino na hindi nahihypnotize nang boses ko.
"May nagugustuhan yan, pero di niya masabi.." sabi ni Kurt.
"Hay naku, gusto mo tulungan kita.." napangiti ako sa sinabi niya.
"Sige pwede ba?" Tumango siya kaya nahawakan ko siya sa kamay na agad namang inalis ni Kurt. "Hindi ko siya aagawin sa'yo, may Ria na ako.." sabi ko nang ngumiti lang si Yana habang siya pilit na ngumiti na rin.
----
Tinulungan nga ako ni Yana, lagi ko siyang kasama para lang makausap si Ria. Binubulong ko kay Yana lahat ng sasabihin ko sa kanya, pero dun pala mas lumala ang lahat. Selosa pala talaga siya, hinarap niya ako sa tapat ng kwarto ko na umiiyak.
"Bakit ang damot mo? Bakit sa kanya ka lang nagsasalita? Bakit hindi ko pwedeng marinig ang boses mo?" Sigaw niya sa akin, nang may ilang nagtitinginan sa amin. Hinila ko siya sa kwarto. Pinaupo ko siya sa kama at pinahid ang mga luha niya.
"Sorry.." sabi ko, naramdaman kong nag-iba na ang pagtingin niya. Nalungkot na lang ako, "pero mahal talaga kita.." sabi ko pa. Nakita ko siyang ngumiti.
"Mahal din kita.." sabi niya, hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi niya. Hindi ko binura ang mga alaala niya nung gabing iyon.
Kinaumagahan, may kumatok sa pintuan kaya agad kong pinagbuksan. May dala-dala siyang shades at coat.
"Labas tayo Bampi ko.." sabi niya pero umiling ako nang sumimangot siya kaya pumasok na lang ako sa loob ng kwarto ko habang nasa likod ko siya. Kukunin ko sana yung coat ko nang bigla niya na lang akong yakapin.
"Ria?"
"Tapos bili tayo ng hamtaro, mga hamster ah.." sabi niya pa, tumango na lang ako nang parang batang nagtutumalon siya. "I love you.."
"I love you too.."
Lumabas kami ng academy, pumunta kami sa mall pero di maiwasang maraming tumingin sa aming mga tao. Mga babae na sadyang nahuhumaling sa kagwapuhan ko. Nararamdaman ko ang galit ni Ria sa paghawak niya sa akin, pero tinignan ko na lang siya at nginitian.
"Hi.." bati nung babae nang magulat na lang ako nang buhusan siya ni Ria nang kapeng iniinom niya. "Awwtss.. Awttss." Sigaw nung babae dahil alam kong mainit yun, nakita kong nakangisi lang si Ria saka niya ako hinila.
Iba na talaga ang ugali niya ngayon, nagiging masama na ang ugali niya. Dahil ba sa paglahumaling niya sa akin, totoo kaya yung nararamdaman niya o nahypnotize ko lang siya? Naguguluhan ako.
A/N comment na
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...