Chapter 56
"Ikaw ulit?" Bumusangot yung mukha ko nang makita na naman siya. Bakit ba lagi ko siyang nabubunggo dito sa mall. "Lexie, lalo ka atang gumaganda?" Lihim naman akong napangiti, minsan totoo ka rin pala magsalita.
"Bakit ngayon mo lang nakita?" Biro ko nang makita ko siyang ngumiti.
"Gab?" Narinig ko mula sa likuran ko.
"Brent, Dude, ikaw ba yan?" Kukurap-kurap ko silang tinignan parehas.
"Magkakilala kayo?" Naguguluhan kong tanong nang makita ko silang nag-umpugan ng balikat. Napapangiwi na lang ako dahil hindi ko talaga magets, tao si Gab di ba? Vampire si Brent. Paano?
"Ano, kamusta ka na ba?" Tanong ni Gab, habang nakangiti sila sa isa't isa.
"Eto, gwapo pa rin." Napangiwi ako, gwapo daw ang kapal talaga, nang marinig kong tumawa si Gab.
"Hahaha. Pero aminin mo, mas gwapo pa rin ako." Isa pang makapal ang mukha. Grabe na, sasabog na ang earth sa di makawalang hangin na lumalabas sa kanila.
"Haha, nangarap ka na naman." Ani ni Brent, "nga pala, magkakilala kayo ni Panget?" Sabay turo niya sa akin ng tignan ako ni Gab.
"Panget?" Sabay tawa niya, "ibig sabihin, gusto mo siya Brent, dahil pagkakaalam ko sa'yo, panget ang tawag mo sa nagugustuhan mo.."
"Hala! Hindi ah." Suway niya pero di ko mapigilang mamula. Kung ganon, waaahh..di nga.
"Hahaha. Lexie, mukhang nabingwit mo ang puso ng kaibigan ko ah."
"Hoy Bunganga mo!" Sigaw ulit ni Brent nang makita ko siyang nahihiyang tumingin sa akin. Nahihiya na rin ako, sira ulo talaga 'tong si Gab.
"Hay naku Gab, huwag mo nga sabihin yan, di naman niya talaga ako gusto. Di ba Brent?" Tanong ko saka siya tinignan, napatingin pa siya sa akin at tila nag-isip pa hanggang sa tumango. "Sabi na sa'yo e." Sabi ko nang makita ko siyang tumungo.
"Hahaha. Kung ganon, bumalik ka na sa school natin, ako na lang manliligaw sa'yo."
"Huh?" Nganga ko.
"Nahuli ka na Gab, may minamahal na siya." Sabi ni Brent nang hawakan ako sa kamay ni Sowie.
"Ganon ,sayang pala." Sabay tapik kay Brent.
"Hi?" Bati ni.Sowie, "di ba ikaw yung bully na umaaway sa best friend ko dati, ang laki naman ng earth ba't nagkita pa rin kayo? Tadhana nga naman hindi maiiwasan." Tumawa lang si Gab sa litanya ni Sowie.
"Tadhana? Oo nga tadhana, pero sana kami na lang ang tadhana.."
"Boom! kay Claude na siya." Napahawak pa ito sa baba sa sinabi ni Sowie.
"Ah yung dati niyang kasama, nasaan na yun bakit si Brent ang kasama niya?"
"Hiw--"
"Pssstt.." sabat takip ko sa bibig ni Sowie. Di talaga mapigilan ang bibig niya.
"HONEY!!" sigaw na narinig namin mula sa likuran namin, unti-unti kaming napatingin doon at nakita ko ang babaeng sobrang sexy sa suot niyang black dress.
"Oh honey.." bumusangot ang tingin namin kay Gab.
"May Girl friend ka na pala, ang lakas mo!" Sabi ko nang kumamot siya sa batok.
"Hahaha. Pinagseselos ko lang kasi yung isa d'yan pero mukhang totoo namang di ka niya gusto kaya Dude, alis na ako.." sabay tapik niya kay Brent. "Alis na rin ako Lexie," nang lumapit ang mukha niya sa may tenga ko. "Kung ako sa'yo, huwag kang manhid, type ka niyan talagang torpe lang. "Bulong niya saka pumunta dun sa babae niya.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampiroWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...