Chapter 26

6.6K 255 12
                                    


Chapter 26

"Huh? Anong sinasabi mo?" Sabi sa akin ni Lexie, umiling ako sabay tumalikod na sa kanya. "Huwag ka na nga umiyak! Naiyak ba ang mga bampira?"

"Oo naman.. Dahil may puso rin kami kaya kung gusto mo kaming patayin? Tarakan mo lang ng sibat o patalim ang aming kaliwang dibdib tagos sa puso. Mamamatay na kami." Sabay pahid ng mga luha ko.

"Hala! Diyos ko! Grabe ka naman, hindi ko gagawin yun san'yo ano.." sabi niya kaya bahagya akong napangiti.

"Testing mo!!" Sabay taas ko ng damit ko.

"Hala grabe ka! Ibaba mo yan!!" Sabi niya sabay takip sa mata, pero kitang-kita namang sumisilip.

"Naglalaway ka na.." biro ko. Pero lumunok lang siya sabay pahid sa bibig niya.

"Huh? Hindi ah.  Sira ulo ka talaga.." natawa na ako, na kanina lang ang sakit ng pakiramdam ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Okay ka lang ba?" seryoso niyang tanong.

"Oo naman, ayos na ko. Nandito ka na e." Umiwas siya ng tingin pero maya-maya muling tumingin sa akin saka tumawa. "Ang kulit mo.."

"Sabihin mo ang kyut ko.."

"Hindi, maganda ka.." namula yung pisngi niya kaya pinisil ko siya sa ilong, "ang ganda mo talaga.."

"Aray.." sabay hipo niya sa ilong niya, "si Fionna, sigurado naman akong masaya na siya kung saan man siya nandon, nakakaguilty nga lang dahil wala akong nagawa."

"Ako yung walang nagawa, huli nang nalaman ko. Basta nakita na lang kitang kasama ni Brent, tanging abo na lang nung bampirang sumugod dito ang nakita ko, ngunit wala ang kay Fionna. Sana maipaghiganti ko siya."

"Sasamahan kita.." sabi pa niya, napatingin ako sa kanya na parang gustong gusto talaga. Pinindot ko yung ilong niya kaya agad siyang lumayo. "Masakit na.." sabi niya kaya natawa ako.

"Sige samahan mo ako! Saka mahalin mo ako.." napanganga siya.

"Huh? Loko 'to.." sabay baling niya ng paningin sa ibang direksyon. Biglang lumungkot ang mga mata niya kaya agad kong tinignan kung sinong tinitignan niya.

"May gusto ka kay Brent?" Tanong ko nang bigla siyang humarap sa akin.

"Ano? Wala ah.. Ano ba yang sinasabi mo?" Saka siya tumawa pero halatang pilit. Napaismid ako.

"Bakit siya pa? Nandito naman ako.." tumingin siya sa akin na halatang nagulat na naman. Akala niya ba nagloloko ako, gusto ko talaga siya simula nung makita ko siya. Naattract ako, ewan ko kung bakit.

Hinampas niya ako sa likod saka tumawa ng tumawa.

"Hahaha.. palabiro ka talaga! Alam ko namang gusto mo si Fionna e."

"Kapatid lang ang turing ko sa kanya, pero malabo yun kaya kaibigan na lang." Sabi ko pa.

"Eehhh.. niloloko mo talaga ako.."

"Gusto nga kita, ba't ayaw mo bang maniwala?" Napaisip ako, "siguro maniniwala ka lang kapag may ginawa na ako.."

"Aahh.. Eeeehh.. Iiiihhh.. ohhhh... uhhh.." sabay hinalkan ko siya sa tip ng ilong niya. Namula buong katawan niya.

"Nasaktan kasi yang ilong mo, kaya isang kiss ko lang d'yan.. tanggal na. Thanks Lexie.. "saka ko siya tinalikuran habang di pa rin makagalaw. Kung gusto mo si Brent, di ko hahayaang mas magkagusto ka pa sa kanya. Hindi ako susuko, mamahalin mo rin ako.

Lexie POV

DUGDUGDUGDUG..

"Aaaahhhhhhh!!" Sigaw ko kaya nakatingin lahat sa akin, hinalkan ako ni Claude sa ilong. Paano na lang kung may sipon ako, echos. Pero shit! Yung puso ko ang bilis ng tibok, saan ba may tubig? Ang init! Letse oh.

Natameme na lang ako dito habang siya naglalakad na palayo sa akin.

"Kissnapper ka!!" Sigaw ko.. "nakakainis ka Claude.." sumulyap pa siya sa akin saka nagbigay ng flying kiss nang may mga ilang babaeng humarang. "Tabi! Akin yan.." tulak ko dun sa ilang babae sabay kunwaring sambot dun sa kiss. Di ko siya gusto pero sayang yung kiss haha.

Para akong robot na pabalik dun sa kwarto ni Brent, hindi maalis sa isip ko yung mukha ni Claude habang kiniss niya ako sa nose ko. Eeehh.. Kinikilig ako.

"Aw.." nabunggo kasi ako sa katawan, unti-unti akong napatingala nang makita si Brent sa harapan ko. Nakasimangot siya at halatang inis.

"Di kasi natingin sa dinaraanan e. Kung ano-anong kalandiang iniisip.." nainis ako sa sinabi niya kaya dinuro ko siya.

"Hoy! Anong malandi? Hindi ako malandi.." sabay tungo, "pero medyo, konti lang.. E ano naman sa'yo?" Sigaw ko, nang inirapan niya ako saka siya pumasok sa loob ng kwarto niya.

Anong problema nun, baka naman di siya nakahalik dun sa Maureen niya. Di kasi siya katulad ni Claude at Kurt na kissnapper haha. Bubuksan ko na sana yung pinto, pero di ko mabuksan.

"Hoy! Hoy Yabang! Na pinaglihi sa hangin!!" Sigaw ko, nang marinig kong binuksan niya.

"Anong kailangan mo? Maid ka ba dito?" tumirik na ata mata ko sa inis.

"Hoy! Anong maid, sabi mo roommate tayo?" Sigaw ko nang bigla niya na lang hawakan yung kamay ko saka hilahin niya paloob.

"Oo nga pala, nakalimutan ko.." sabay bitaw niya sa akin, tinalikuran niya ako saka siya muling lumabas ng pinto.  Anong problema nun?

"Maglinis ka d'yan Maid.." sulyap niya pa sa akin saka padabog na isinarado yung pinto.

"Aba!!" Napabuntong hininga na lang ako sabay tingin sa buong kwarto niya. Bakit ang kalat? Kanina naman wala? Ano ba siya, nananadya lang ata yung gagong yun e. Sasapakin ko siya pagbalik.

Nagsimula na lang akong maglinis, gumagabi na pala. Nagugutom na ako, buset na yun. Lumabas na muna ako ng makita kong nakasandal siya sa may gilid ng pinto.

"Saan ka pupunta panget?"

"Gutom na ako.."

"Saan nga?"

"Edi sa Canteen.."

"Sarado.."

"Huh? E di dun kay Alex, manghihingi ako.." tumama ang tingin niya sa akin.

"Wala si Alex, pinatay ko na.."

"Ano?? Baliw!!" Singhal ko nang hawakan niya ako sa kamay, "o bakit na naman?"

"Papakainin kita.."

"Nang ano?"  Napapangiwi ako ng bigla niya akong pitikin sa noo.

"Huwag kang ano!!" Singhal niya saka hinila na naman ako kung saan. Loko nito, lagi akong hinihila. Pero type ko naman hahaha.

Napapadaan kami dun sa dinaanan naming papuntang kubo, pupunta kami dun ng ganitong gabi na. Anong gagawin namin dun? Baka may gawin siya sa aking masama, Oh My G.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko nang huminto kami sa harapan ng pinto. Bigla na lang nagbukas yun at nanlaki na lang ang mata ko sa nakita ko.

"Wow.. Nandito na pala si Lexie, yung new friend niyong lahat.." sabi nung babae. Kumirot na kaagad yung puso ko, napatingin na lang ako kay Brent na parang wala lang. "Buti sinunod mo yung gusto ko Babe na dalhin siya dito.." nanikip yung dibdib ko, parang hindi ako makahinga sa sakit. Letse.

"Sabi mo e. Ayoko nga sana." Sabi niya na lalong nagpalubha ng sakit na nararamdaman ko. Letse kang gago ka! Hindi ko na kaya 'to.

"H-hello.." napatungo na lang ako dahil unti-unting pumatak yung mga luha ko saka ako tumakbo palabas.

"Lexie.." sigaw ni Maureen pero siya di ko narinig na tinawag akong panget. Grabe siya, ang sakit..


A/N

Comment na.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon