Chapter 58
Ilang ulit akong umiling sabay tapik sa magkabila kong pisngi.
"Panaginip lang iyon, hindi yun mangyayari!" Sabi ko sa sarili. Nang may kumatok sa pintuan, kinakabahan ako dahil ganito yung unang nangyari sa panaginip ko. Nasaan na ba kasi si Brent?
Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung bubuksan ko ba o ano? Habang yung nakatok, di man lang ba siya napapagod. Kanina pa siya nandon ah. Ano ba, itigil mo na yan. Gumagalaw pa yung doorknob na halatang bubuksan niya na kaya agad ko yung pinindot para malock.
"Ayoko! Please, huwag!" Paranoid na nga siguro ako pero natatakot akong mangyari ang panaginip ko. Ni isa sa kanila, ayaw kong mawala.
Lumakas na ang pagkatok na ikinagulat ko, halatang sinisipa niya na yung pinto. Ayaw kong pakinggan, ayaw ko. Sabay takip ng tenga ko at saka ko nahiga sa kama at nagtalukbong.
Brent POV
Sinisipa ko na ngayon 'tong pinto, bakit di ko mabuksan. Ano bang ginagawa nung panget na yun sa loob. Sinigaw niya lang na mahal ako, nahiya naman ng sobra.
"Kanina ka pa ba kumakatok dito?" Tanong ko kay Sowie, tumango naman siya kaya napasipa na lang ako muli sa pinto. Hindi kasi basta nasisira ang mga gamit dito, pati nanghihina na rin ako.
"Ano bang nangyari kay Best, baka naman tulog?" Tanong niya, nasapo ko na lang ang noo ko sa inis.
"Bakit kaya ayaw niyang buksan, baka nababaliw na yung kaibigan mo, di kaya?"
"Hoy! Hindi ganon yun." Napangiwi na lang ako.
"E ba't ayaw niyang buksan?" Umarte na lang siya ng hindi niya alam. "Bahala siya.." singhal ko saka umalis nang kumatok muli si Sowie.
Habang naglalakad ako palabas papunta sa open area. Agad kong nasalubong si Claude.
"Kamusta?" Seryoso siyang nakatingin.
"Pwede ka bang makausap?" Tumango na lang ako sabay patong ng magkabila kong kamay sa batok ko.
"Saan ba? Dito na ba?"
"Hindi, halika.." tumalikod na siya sa akin saka lumakad, nakasunod na lang ako habang pasipol-sipol pa. Napapatingin lang ako sa kanya nang makarating kami sa may auditorium. Humarap siya sa akin habang seryosong nakatingin.
"Ano bang pag-uusapan natin?" Huminga pa siya ng malalim.
"Aminin mo nga sa akin, may gusto ka kay Lexie di ba?" Nagulat naman ako sa nasambit niya.
"A-Ano?" Nauutal kong saad, nang umiwas ako ng tingin. "Bakit ako magkakagusto sa panget na yon."
"Nagdedeny ka na, samantalang sinabi mo dati na the best man win. Ibig sabihin mahal mo nga siya."
"E ano naman kung oo, masama ba?" Singhal ko nang nakita ko siyang ngumiti sabay seryoso ulit.
"Ikaw yung humalik sa kanya dun sa C.R nung royal party, hindi ba?"
"Huh?" Hindi ko na alam kung anong isasagot ko, Bakit ba kung ano-anong tinatanong sa akin nitong gago na'to?
"Umamin ka na kasi, hahayaan ko na siya sa'yo basta huwag mo lang siyang saktan gaya ng ginawa ko na ginawa mo rin dati." Napapout ako.
"Ano bang ginawa ko dati?" Tanong ko nang tumawa siya.
"Bukod na sa torpe ka, manhid ka pa."
"Claude!!" Singhal ko nang ngumiti siya sabay tapik sa akin.
"Dalian mo na kasi habang pinagbibigyan pa kita, baka maagaw ko siya sa'yo ulit kasi malapit niya na akong mapatawad." Saka siya umalis. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Bakit niya alam na ako yung humalik kay panget nung sa C.R, buti nga pinagtakpan ako ni Kurt pero bakit alam niya? Sh*t ka talaga Claude, huwag mong sasabihin yan kay Panget.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...