Chapter 42
"Ano bang iniisip mo?" Nagulat ako ng biglang hawakan niya ang balikat ko, "mukhang ang lalim nang iniisip mo?" Tanong ni Sowie habang nakaupo ako rito sa bench na inuupuan at hinihigaan ni Brent. Tinaas ko yung magkabilang paa ko sabay patong ng ulo ko sa mga tuhod ko.
"Natatakot ako." Sabi ko na lang, nang bumuntong hininga si Sowie sa tabi ko.
"Saan ka naman natatakot? Natatakot ka dahil nagmamahal ko o natatakot ka dahil may nagmamahal sa'yo?" Tumingin ako sa kanya sabay pout.
"Kasi hindi ako sigurado kay Claude sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Alyana.." naguluhan siya sa sinabi ko.
"Sinong Alyana?" Tanong niya, umiling lang ako dahil di ko naman din alam kung sino ba yung babaeng yun. "Hays! Kung ako sa'yo, huwag kang nega! Naririnig mo lang naman, mukhang wala naman siya dito kaya ano pang ikinatatakot mo?"
"Paano kung bumalik siya?" Inakbayan ako ni Sowie sabay buntong hininga.
"Hays.. Think positive best.." sabi niya kaya napabuntong hininga na lang din ako.
"Hindi na babalik si Alyana.." narinig namin mula sa likod, nakita namin si Ania na nakapamaywang habang nakatingin sa amin.
"Paano mo naman nalaman?" Napatingin siya sa ibang direksyon.
"Because I know.. Yun yun, bakit hindi ka ba naniniwala?" Tanong niya sabay pinandilatan kami.
"Kasi meron akong pakiramdam na magbabalik na siya.."
"What??? Hahhh!!" Singhap niya, "isipin mo na nga lang kung anong gusto mong isipin. Bahala ka, utak mo yan.." saka siya tumalikod at naglakad na palayo.
"Hindi ko talaga maintindihan si Ania, kung mabait ba siya o masama ang ugali.." sabay pout ni Sowie, napangiti na lang ako na isiping di na nga babalik si Yana.
"Di siya babalik.." sabi ko, nang tumingin sa akin si Sowie. Ngumisi siya nang makita naming papalapit si Claude, nakangiti siyang nakatingin sa amin sabay pagtitig sa akin.
"Halika, may pupuntahan tayo.." sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Pumamaywang si Sowie, sabay buntong hininga.
"Kayo na ang sweet! Nasaan ba yung Xyrus na yun??" Sabay ang paglibot niya ng paningin sa paligid. "O siya sige, alis na!!" Pagpaalis niya sa amin, nakangiti ako habang magkahawak kamay kami ni Claude na pumunta kung saan daw kami pupunta.
"Saan ba tayo pupunta?" Ngumiti siya sa akin.
"Sa langit.."
"Huh? Anong sa langit?" Bigla siyang tumawa, kaya napangiwi ako. Oo ako na, green minded. Berde mo Lexie..
"Hahaha.. Joke lang, may ipapakita lang ako sa'yo.." sabi niya kaya maluwag akong nakahinga. Napapangiti ako habang madaming nakakakita sa aming magkahawak ng kamay.
"Ang sweet naman nila.."
"Oo nga kainggit.."
"Sh*t si Claude, ang gwapo niya talaga.." tumingin ako ng masama dun sa babaeng nagsabi nun. Kumunot ang noo niya sabay bulong dun sa katabi niya.
"Yah.. sayang si Yana.." nang marinig ko yun, kumurot na naman yun sa puso ko. Letse kayo, mga negatron kayo. Di ako makikinig, basta kay Claude lang ako makikinig. Tumigil si Claude kaya nabunggo ako sa likod niya.
"O, ayos ka lang?" Sabi niya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. Humawak ako sa ilong ko.
"Bakit ka ba huminto?" Tanong ko, nang tumingin siya ulit sa harapan at parang may hinahanap.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampirosWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...