Chapter 62

4.6K 207 6
                                    

Chapter 62

Habang hinahanap namin si Brent dahil hindi talaga namin siya makita kahit saan. Napaupo na lang kami  nila Sowie sa  bench na lagi niyang pinagtatambayan.

"Nasaan na ba yun?" Tanong ni Sowie, napaact na lang ako ng ewan habang nakatayo si Xyrus sa tabi niya.

"Baka may pinuntahan lang." Ani ni Xyrus, ganito ba siya dahil umamin ako. Gagong yun, patayin ko siya.

"AYUN SIYA!! SI BRENT!!" Sigaw ni Sowie na ikinagulat ko, pero mas nabigla ako nang makitang may kasama siyang iba. Bigla na lang kumunot ang noo ko, dahil sino na naman ba yung babaeng yun. Babaero na naman ba siya?

"Errr.. sino yung kasama niya?" Tanong ko, nang napakagat lang sa kuko si Sowie sabay iling. Tinignan ko rin si Xyrus at nag act lang din siya na di niya alam. "Pengeng isa!" Singhal ko sabay kura.

"Nang alin?" Naguguluhang si Sowie.

"Nang goodbye linta."

"Wala tayo nun." Ani niya, nasapo ko na lang ang noo ko.

"Goodbye yabang na lang, patayin ko na'to para wala nang landiang ganito! Ang sakit sa mata!" Pero deep inside ang sakit sa puso. Ano ka ba Brent, matapos kong umamin, nambababae ka lang. Awts lang ah. Awts lang.

"Wala rin."

"Eeehhh...kahit ano!!" Singhal ko nang ibigay niya yung labintador. Agad akong lumapit kila Brent, pero malayo layo pa sa kanila at saka di ako nagpapansin. Agad akong nagtago sa may puno, nang makita kong hinawakan siya nung babae sa leeg at nagkatitigan sila. Gusto kong kagatin yung hawak ko pero mamamatay naman ako dahil paputok 'to. Grabe ka Brent. It hurts you know.

Wala nang patumpik-tumpik pa, sinindihan ko na yung paputok at agad na inihagis sa kanila. Napangisi na nga ako at inintay sumabog yun, pero bakit wala. Tuluyan silang nagkiss. Fvck! Ang sakit!

Umalis na sila kaya agad kong tinapaktapakan yung paputok nang may magbuhos sa paa ko ng tubig. Napatingala na lang ako at nakita ko si Kurt.

"Paano kung pumutok pa yan! Sasabog yang paa mo! Di ka na makakalakad!" Singhal niya, napatungo na lang ako. Tama naman siya, kapag may pumutok na hindi pumutok, huwag basta hahawakan o kung ano man dahil baka biglang pumutok. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sorry." Nasabi ko na lang.

"Nabasa tuloy yung paa mo, sorry ah."

"Paa lang yan, hindi buong katawan. Natawa ka ba sa frank namin kanina?" Nakita ko siyang sumimangot.

"Hindi! Sinong matutuwa non, mga sira lang ulo nang gagawa non!"

"Hindi pa sira ulo namin. Grabe ka naman.." ngumiti siya sabay bigay ng sili.

"Kumain ka na lang nito, makakalimutan mo ang pait na nararamdaman mo ngayon."

"Kahit huwag na!" Sabi ko, nang lumapit na sa amin sila Sowie.

"Hahaha.. Sorry Kurt kanina ah." Ani ni Sowie.

"Hindi pwede, pasuntok ng isa kay Xyrus."

"Huwag naman ganon." Sabi ni Sowie, "mahal ko ang Vam ko.."

"Edi wow!" Sabi ko. Pero hindi ko pa rin mapigilang mapatingin sa direksyong pinuntahan nung mayabang na yon. Ganyan na, playboy na naman siya. Ayaw niya kaya talaga sa akin, dahil isang tao lang ako. Akala ko ba gusto niya rin ako.

"Lexie.." akala ko ba mahal niya na ako. Asumera ka kasi Lexie e, alam mo namang panget ka! Feel mo pang magkakagsuto sa'yo yung yabang na yun. Pft.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon