Chapter 21

7.1K 276 1
                                    


Chapter 21

Yung pakiramdam na pagkagising mo, ayaw mo nang gumising dahil unang beses kang nagmahal, nasaktan ka lang. Ang drama ko na..

"Hoy Best?" Sigaw ni Sowie matapos niya akong ihatid sa room ko. "Anong problema mo, pagkauwi mo kahapon, ganyan ka na?" Sabi niya. Ngumiti ako bahagya.

"Wala.." bigla namang sulpot ni Brent sa harapan ko.

"Salamat nga pala kahapon." Bigla akong hinawakan ni Sowie sa braso. Sabay lapit ng mukha niya sa tenga ko.

"Oh my, kayo ang magkasama kahapon?" Bulong niya, tumango na lang ako saka nagpilit ng ngiti. Nang biglang lumapit si Xyrus sa amin.

"Hoy babae!" Sigaw niya kay Sowie, "napadalaw ka ata dito? Dinadalaw mo ba ako?" Sumimangot si Sowie sabay duro dito.

"Ang kapal naman ng face mo! Best friend ko hinatid ko rito.." sabi niya.

"Aminin mo na kasi type mo ako?" Ani ni Xyrus.

"Waahh.. Anong aaminin ko, sapakin kita gusto mo?" Tumawa naman si Xyrus, pumasok na lang ako at naupo dun sa upuan ko.

"Kamusta Lex?" Si Claude, "namiss kita, tagal din tayong di magkatabi." Pumangalumbaba ako. "Anong nangyari? Malungkot ka ata ngayon?"

"Namatay kasi yung puso nung baboy kahapon.." sabi ko.

"Joke ba yun?" Saka siya pilit na tumawa.

"Hindi joke yun, totoo yun ano ba?" Pagsusungit ko, nang bigla niya akong hawakan sa kamay.

"Meron kaming gig mamaya, sama ka?" Pero umiling ako, "basta sama ka.." sabi pa niya. Wala naman anong magagawa, hihilahin na naman nila ako. Nagpapadala naman ako, kung malakas lang din ako katulad nila. Ihahambalos ko sa kalsada  si Brent nang pabalik-balik. Hahaha. Nakakatawa yun.

----

Lumipas ang mga oras, medyo hindi ako nilalapitan ni Claude dahil busy siya sa pagpapractice. Nakita ko na lang na papalapit sa akin si Fionna. Medyo ilag tuloy ako, dahil natakot talaga ako sa kanya kanina.

"Hello?" Sabi niya, pilit na ngiti ang nasa mukha ko ngayon.

"Hello rin?" Sabi ko, nakita ko siyang umupo sa tabihan ko. Medyo nanginginig na nga yung mga kalamnan ko. "Ah bakit?" Tanong ko.

"Sorry sa nagawa ko nung isang beses. Pero ngayon, hindi na talaga promise. Gusto kitang maging kaibigan Lexie? Pwede ba?" Sabi niya kaya kumamot na lang ako sa ulo sabay nakipagkamay sa kanya.

"Oo naman." Sabi ko na ikinatuwa niya. May ibinigay siya sa aking panggantsilyo.

"Igawa mo ang taong mahal mo ng scurf o kahit ano, basta galing sa puso mo. Magugustuhan niya yun." Sabi niya sabay ngiti.

"Pero di ako marunong.." sabi ko. Nang hawakan niya yung kanyang panggantsilyo at ituro sa akin. Mabilis ko namang nakuha kaso mabagal ako kaya baka abutin ng summer. "Fionna, may gusto ka ba kay Claude?"

"Huh?" Namumula siya,  pero umiling. "Hindi! Hindi na, ayaw niya na kasi sa akin..Ako na lang yung nagsusumiksik sa kanya.."

"Kung mahal mo siya, gawin mo lahat para mahalin ka niya ulit.." sabi ko.

"Ayaw mo ba kay Claude?" Tanong niya.

"Hindi sa ganon yun, kasi ayaw ko namang agawin sayo yung mahal mo.." sabi ko na lang sabay tingin kay Claude.

"Sapat na sa aking mapunta siya sa tamang babae, kaysa sa akin. Naging pabaya ako, kung hindi rin naman ako naging ganitong immortal di sana patay na ako ngayon." Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Nakita ko na lang na pumapatak na yung mga luha sa mata niya habang nakatungo, "kung wala sana akong sakit! D-di sana ako natuksong gawin yun! Nakakainis!!" Sabi pa niya. Niyakap ko siya at naramdaman ko ang paghikbi niya.

"Mahal mo nga siya."

"O-oo mahal ko siya.." naaawa ako sa mga babaeng nagmamahal. Parang ako, nagmamahal ngayon pero nasasaktan lang din.  Hays buhay.

"Anong pinag-uusapan niyo riyan?" Nagkahiwalay kami ni Fionna, nang nakatungo siyang nagpapahid ng luha.

"Ah wala, tinuruan niya lang ako.." sabay pakita ko nung gantsilyo. Tumingin siya kay Fionna na halatang may pag-aalala.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya dito, unti-unting tumingala si Fionna saka  ngumiti..

"Ah wala! Anong kailangan niyo? Ikukuha ko kayo?" Sabi niya saka dali-daling tumayo at umalis.

"Ano ba talaga Claude?" Sabi ko, saka siya tumingin sa akin. "May gusto ba kayo sa akin o gusto niyo lang tumakas sa past niyo?" Sabi ko ulit nang tignan niya lang ako.

"Gusto kita." Sabi niya ng walang paligoy-ligoy.

"Di nga?"

"Oo nga.."

"Pero paano si Fionna?" Nakita kong nalungkot ang mukha niya, pero nagbigay siya ng pilit na ngiti sa akin.

"She's my best friend, yun lang yun." Sabi niya saka muling pumunta dun sa mga kabanda niya. Ako na lang kaya ang gagawa ng paraan para magkabati sila? Gusto ko kasi silang magkabati.

----

Nagbihis ako ng simpleng dress dahil pinagbihis ako ni Claude. May surprise daw siya sa akin, ano kaya yun? Lumabas na si Sowie suot ang sexy niyang gown.

"Ano tara na??" Tanong niya, tumango na lang ako at sabay kaming lumabas sa kwarto. Nakaabang na pala sila Xyrus sa labas ng pinto. Mga nakaporma pa silang lahat, ang gagwapo. "Dami mong escort Best.." sabay siko niya sa akin.

"Ikaw nga amg escort mo magiging boyfriend mo na e." Nakita ko ang pagkabigla niya.

"Best, huwag ka maingay.. Pft. Secret lang natin yan?" Sabi niya kaya natawa ako pero saglit dahil pinigil ko. Nagkatinginan sila na para silang naiinlove sa isa't isa. Grabe to.

"Hoy matunaw kayong parehas.." sigaw ko matapos naiiwanan na namin sila. Tumabi sa akin si Kurt at hinawakan yung kamay ko.

"Princess Lexie halika na." Sabi niya, ngumiti na lang ako habang sabay sabay kaming pumunta sa auditorium. Ang daming mga nanonood, naupo kami sa pinakaunahan nang biglang namatay yung ilaw. Puro dilim na lang ang nakikita ko nang marinig naming ang chords ng gitara.

Biglang bumukas ang ilaw at nasa stage yung tatlo. Kumaway kaway pa sila C.J. Habang nakatingin sa akin si Claude, nasulyapan ko namang nakatingin lang si Fionna sa may back stage, sa likod ng kurtina.

"Hi Guys.." sigaw ni Mike. Pinukpok na ni C.J ang drums saka sumabay na rin ng gitara yung dalawa. Tumapat na si Claude sa microphone.

"I dedicate this song to Lexie." Sabi niya, nagpalakpakan ang lahat nang makita kong di na nakasilip si Fionna.

"Saying I Love you, is not the words I want to hear from you.." habang kinakanta nila yun, agad na tumayo ako at nagpaalam sa kanila.

"C.R lang ako.." sabi ko, pero pupuntahan ko talaga si Fionna. Titignan ko kung okay lang ba siya. Habang papunta ako sa back stage napakadilim. Nang marinig ko na may nag-uusap.

"Patayin mo na siya." Lalaking boses.

"Ayoko, hindi ko kaya!" Babae naman, nang unti-unti kong hawiin ang kurtinang nagtataklob dun sa magkausap. Nakita ko si Fionna at isang lalaking nakaitim, namumula ang kanyang mga mata sa dilim.

"Wala kang kwenta!" Sabay ang pagsampal niya kay Fionna nang tumakbo ako para alalayan siya. "Sino ka?" Nakita ko ang mga pangil niya at panlilisik ng pulang mata.

"Sino ka rin?" Sigaw ko, nang biglang mawala si Fionna sa tabihan ko. Nakita ko siyang sakal sakal nung lalaki.

"Sayang lang na binuhay kita! Mamatay ka na!!" Sabi nito, kukunin ko sana si Fionna pero unti-unting naglaho ang katawan niya.

"Fionna.." tumingin sa akin yung lalaki, ngumisi siya at pinakita ang mga pangil na nakakapangilabot. "Sino?" unti-unti kong naramdaman ang pagkaantok.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon