Chapter 28
A/N
Mga request niyo nagkatotoo na.
Brent POV.
Hindi na ako mapalagay, sobrang nag-aalala na ako sa panget na yun. Ako nagsama sa kanya dito kaya ako din dapat humanap sa kanya. Nagagalit pa sa akin si Claude, Ba't ba kasi siya tumakbo? Oo, manhid nga siguro ako, di ko alam ang dahilan.
Kapag tinatanong ko naman siya kung gusto niya ako sasabihin niyang hindi. Kaya hindi naman siguro talaga, naiinis lang ako dahil baka sa kagagawan kong ito mapahamak siya.
"Saan ka pupunta?" Sabi ni Maureen nang muling tumayo ako.
"Hindi ko na kaya, hahanapin ko na siya.." sabi ko pa, nang hawakan niya ako sa kamay.
"Ano ba? Umalis siya e di bumalik siya.." nainis ako sa sinabi ni Maureen.
"Ako nagsama sa kanya dito kaya ako din dapat kasama niya pag-uwi saka isa pa, hindi niya alam ang pasikot-sikot at panganib dito.." sigaw ko nang makita ko siyang paiyak na, "sorry, pero di maaatim ng konsensya ko na mapahamak siya dahil din sa kagagawan ko." Saka ko siya tinalikuran.
"Sige! Iwanan mo ako dito!! Kapag umalis ka, break na talaga tayo, di na tayo babalik sa dati.." sigaw niya.
"Tsss.. Bahala ka!!" Pero nasasaktan ako, pero ayaw ko namang pabayaan yung panget, kailangan ko siyang bantayan. Yun ang sabi ko sa kanya.
Tumakbo na ako ng napakabilis, na parang sumasabay lang sa hangin. Naamoy ko ang dugo ng tao, kaya sigurado akong siya yun. Unti-unti akong lumapit nang maramdaman kong may kalaban.
"Bitiwan mo siya!!" Sigaw ko, malapit na siyang kagatin ang panget na yun. Shit! Malapit na pala akong mahuli.
"Ikaw?" Nabanggit pa niya hanggang sa tumalon yung kalaban sa sanga ng puno at tumawa.
"Hindi mo na siya makukuha, akin na siya.."
"Gago!!" Singhal ko nang mabilis at parang nagteleport ako sa harapan nung bampirang yun. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
"Paaanoooonggg? Di mo siya makukuha!!" Sasakmalin niya na yung leeg ni Panget nang pitikin ko siya sa noo. Unti-unti siyang naging abo sa paningin ko. Medyo nabibigla pa siya sa nangyayari pero yun talaga ang kapangyarihan ko.
Nabitawan niya si Panget at pahulog ito sa puno nang sambutin ko siya sa baba.
"Ang tigas kasi ng noo mo.." sabay pitik ko sa noo niya. Napangiti na lang ako dahil kahit anong gawin ko, di tumatalab sa kanya yung powers ko. Sino kaya talaga 'tong babaeng 'to?
Inuwi ko na siya sa academy habang buhat ko siya sa mga bisig ko. Saka ako pumasok sa kwarto ko at hiniga siya dun sa kama. Napasalampak na ako ng upo dahil mukhang hiwalay na talaga kami ni Maureen. Hindi na ba talaga maibabalik yung dati.
Narinig ko na lang na may kumatok sa pintuan, agad ko yung binuksan at nakita ko si Claude.
"Nasaan na siya? Nandito na ba siya?" Tanong niya, tumango ako pero parang gusto kong mag-alangan. "Saan mo siya nakita? Hindi ba siya napahamak?"
"Bakit sobra kang mag-alala sa kanya?" Tanong ko.
"Kasi gusto ko siya.." sabi niya na ikinabigla ko saka siya pumasok sa kwarto ko. Nang hawakan niya ang katawan ni Panget at binuhat niya.
"Saan mo siya dadalhin?"
"Sa lugar kung saan, hindi na siya masasaktan.." nabigla ako sa sinabi niya hanggang sa lagpasan niya ako saka sumarado yung pintuan.
Nasasaktan ko na ba si Panget?
------
Lexie POV
"Waaahhhhhh!!!" Sigaw ko nang magising sa masamang bangungot. "Nasaan ako?" Matapos mapagmasdan ang kwartong puro paintings. Namamangha pa ako nang ilibot ang mata ko nang manlaki ang mata ko nang mapansin ang isang ginuhit.
"Gising ka na pala?" Nakita ko si Claude pero mas napatitig ako dun sa larawan.
"Sino siya?" Tanong ko. Ngumiti siya sabay tanggal ng apron niya na may mga pintura.
"E di ikaw.." ngiti niya ulit, nabigla pa ako at napatayo kasi humahanga talaga ako. Ang ganda ko pala talaga kahit iguhit pero saglit.
"Paano ako napunta dito? Hindi ba ako nakagat nung bampira, yung masamang bampira? Saka ba't nandito ako sa kwarto na 'to o museum dahil sa dami ng paintings, kanino ba 'to? Nasaan ba ako?" Naguguluhan kong tanong nang tumawa siya.
"Dito ka sa kwarto ko.." napanganga ako sa sinabi niya.
"Bakit nandito ako?" Tanong ko, nang unti-unti siyang lumapit sa akin.
"Kasi.." sabay hawi niya sa buhok ko, "dito ka na.." bulong niya sa tenga ko na nakakuryente sa buong katawan ko.
"Hahaha.. Paano nangyari yun?" Sabay layo ko sa kanya, "di ba dun ako sa kwarto ni Brent?"
"Hindi ka na dun.." nakita ko ang pagsimangot ng mukha niya sabay tungo, "ililigtas kita sa nananakit dyan sa puso mo, iingatan ko yan.." natuwa naman ako sa sinabi niya.
"Pero paano si Brent?" Tanong ko, makulit rin ako e.
"Ba't mo ba siya nagustuhan? Di ba sabi ko sa'yo pafall lang ang magsasabi sa'yo ng I Love You.." nilihis ko yung tingin ko.
"Hindi niya naman sinabi yun, ako lang yung umasa."
"Edi paasa siya.."
"Claude?" mahinang sabi ko.
"Ewan.." inis na sabi niya saka lumabas ng pinto ng kwarto niya. Bumalik na lang ako at sumalampak ng upo, okay lang naman na nandito ako sa kwarto niya. Dito na nga lang kaya ako, pwede kaya yun.
Bigla na lang kumulo ang tiyan ko, nasilayan ko pang muli yung larawan ko raw na iginuhit niya kaso natutulog ako. Kaguguhit niya lang sigurado ako. Ang sweet talaga ni Claude, bakit nga ba di na lang ako sa kanya magkagusto.
----
Pumasok na ako ng room nang makita ko si Brent na nakatingin sa akin. Inisnab ko lang siya at di pinansin pero sigurado akong siya yung nagligtas sa akin. Pero siya rin naman yung nanakit sa akin.
Umiwas na lang ako at tuluyang pumasok sa classroom nang masilayan ko pang nilapitan siya ni Maureen. Iniwas ko na lang yung tingin ko, pero narinig ko na lang ang isang pagsampal sa mukha.
"How dare you Brent! Iniwan mo talaga ako para sa babaeng yun!!" Sigaw niya kaya nagkagulo ang lahat, mga nakiusyoso na. Mga chismosa rin pala ang mga bampira pero may ilan ring tao.
"Sorry Babe.." sabi ni Brent na parang gusto ko na lang sana na bingi ako. Tumingin pa sa akin yung Maureen, napatungo na lang ako.
"Okay, tinatanggap ko. Pero kapag sa susunod na gawin mo yun, hindi na talaga kita tatanggapin.." sabi niya sabay tingin ulit sa akin. Pero tumalikod na lang ako.
"Hindi ako maiinggit, daming lalaking nagmamahal sa akin.." bulong ko sa sarili nang may lumapit sa akin.
"At ako yun.." nabigla ako sa sinabi niya kaya unti-unti ko siyang tinignan.
"Claude.." ngumiti siya sa akin.
"Ingat ka kay Jules ah..." sabi niya saka pumunta na sa upuan niya. Si Jules nga pala ngayon, sana hindi na ako mahirapan sa pagpili. Sana nga isa na lang sa inyo ang mahalin ko, move on na ko kay Brent. Promise.
A/N.
Comment na.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...