Chapter 70
Brent POV.
Malapit na, nararamdaman ko nang malapit nang magpakita ang prinsesa. Pero nasaan kaya siya, ano kayang maaaring mangyaring masama kapag bumalik na siya sa hexerions. Hindi ko na rin alam kung mapoprotektahan namin ang isa't isa at si Panget, paano ko siya mapoprotektahan?
Tama lang siguro na hindi ko muna siya pansinin ngayon dahil bukas ang kaarawan niya. Sigurado akong masosopresa siya sa gagawin ko. Pero kailan kaya babalik si Yana, naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko pero mapapatunayan ko lang yun kapag bumalik na siya.
Humiga na muna ako sa upuan dito sa may rooftop, nagbabakasakaling magpakita sana siya. Matagal akong naghintay hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko.
"Paano?" Narinig ko kaya bigla akong napatingin ngayon sa harapan ko.
"Bakit ka nandito?" Naguguluhan kong tanong matapos makita rin siyang naguguluhan. Hindi ko man lang naramdaman na nandito na siya. Nung nagsalita lang siya saka ko siya nalamang nandito na.
"H-hindi ko rin alam." Sabay ang pagpatak ng luha niya na ikinabigla ko rin. Agad ko siyang nilapitan ng tumalikod siya. "H-Huwag mo akong lapitan please." Napatigil ako, saka siya naglakad na palayo.
Nasapo ko na lang ang noo, bakit siya nagkakaganoon. Di ko siya maintindihan. Bukas na nga kaarawan niya, bakit pa siya nalulungkot ngayon?
"Bro, practice na tayo.." narinig ko si Kurt na lumabas mula sa pinto.
"Sige." Aniya ko, nang sabay na kaming bumaba. May hinahanda kasi kaming pito na sayaw para sa kanya. Kinakabahan ako, pero magaling naman akong sumayaw kaya siguradong maiinlab na naman siya.
Nakarating kami sa auditorium, kami lang naman ang nandito. Pero nag-aalala pa rin ako kay Panget, bakit kaya siya ganon?
"One two three.." sabay ang paggalaw ng katawan namin, si Jules ang nasa unahan.
"Hoy Bro, problema mo?" Di kasi ako makasunod, dahil iniisip ko siya ngayon.
"Sorry.."
"Ulit-ulit. Dalian na natin, bukas na yon oh.." aniya niya kaya umayos na kami at binuksan niya yung sound system. "Okay game, ayos na kayo!"
Sabay sabay na kaming sumayaw sa saliw ng tugtog. Nagagawa naman namin nang maayos kaya siguradong ayos na 'to. Hinihintay na lang namin ang kaarawan niya.
Natapos na at sabay sabay kaming napaupo saka nahiga.
"Galingan niyo bukas ah." Sabi ni Claude. Nagthumbs up naman kami, sigurado na akong magugustuhan niya 'to. Huwag lang siya iiyak ulit kapag nasurprise siya. Pinaghandaan namin 'to.
----
Kinabukasan, pabalik na ako sa kwarto nang makita ko siyang lumabas sa pinto.
"Saan ka pupunta?" Tumingin siya sa akin pero wala siyang reaksyon. "May problema ka ba?"
"Ah wala! Aalis na muna ako ah."
"Saan ka nga pupunta?" Tumaas ang kilay niya.
"Basta." Napatango na lang ako at tinignan siya umalis hanggang sa makalayo. Napailing na lang ako.
"Anong problema non?" Sabay pasok ko sa loob, nang isarado ko yung pinto. "Hala! Baka akala niya di ko natatandaan ang birthday niya." Kaya nga surprise e, huwag kang mag-alala panget, mamaya iiyak ka sa tuwa.
----
Lexie Pov.
Bakit ako naiinis ngayon, Birthday na birthday ko ngayon? Naiinis ako kay Brent, naiinis ako sa kanilang lahat. Umupo na lang ako sa may harap ng soccer field nang may humawak sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...