Chapter 14

7.7K 417 9
                                    


Chapter 14

"Kamusta naman ang anak ko?"

"Mama?" Sigaw ko sa cellphone na binigay sa akin ni Miss Head pagkatapos ng klase. Pumunta ako dito sa office, "Rumarampa pa din ba kayo?" Mangiyak- ngiyak kong sabi.

"Lol.." sabi ni Miss Head saka siya umalis. Agad akong umupo sa upuan sabay pahid sa mga mata ko.

"Miss na kita Mama."

"Ako rin naman anak, kamusta naman ang pag-aaral mo.." mahinahon niyang sabi kaya patango-tango lang ako, "Huwag kang pasaway dyan kundi masasampal kita talaga! Naku po, kapag bumagsak ka pa dyan!" Pasigaw niyang sabi.

"Mama?" Nang marinig kong tumawa siya, "Hays! Yan ang namimiss ko sanyo e."

"Miss na miss ko na din yang pagiging pasaway mo anak!" Sabi niya pa. Nang mabigla na lang ako nang pumasok sa office si Brent.

"Panget?" Bungad niya sa akin, sumimangot na lang ako at di siya pinansin.

"Anak sino yun? Ang gwapo ng boses, boyfriend mo ba?"

"Huh? Boyfriend? Ehhh hindi po ah.." bulong ko nang mabigla na lang ako nang agawin ni Brent ang cellphone sa kamay ko. "Hoy, akin yan!" Sigaw ko.

"Hello?" Seryoso niyang sabi.." ako po pala ang boyfriend niya." Napanganga ako sa sinabi niya.

"Huh? Ano ba yang sinasabi mo? Akin na yan!!!" Sigaw ko sabay pilit na kuha dun sa CP, pero di ko makuha. "Akin na nga sabi yan! Susuntukin ko yang mukha mo!!" Sigaw ko ulit.

"Sige po Ma, Bye.. Naglalambingan kami ng girl friend ko.." halos mamula na ata buong katawan ko sa mga sinasabi niya. Habang pilit ko pa ring kinukuha yung cp, pero nakita kong pinatay niya na yung tawag.

"Waaahhh.. ba't mo pinatay?" Ngumisi siya, kaya di na ko na ko nakapagpigil, tinapakan ko na siya sa paa.

"Aray.." sabi niya, "panget ka talaga.." dagdad pa niya.

"Buwiset!!" Saka ako lumabas ng office at iniwan siya, tinignan ko yung cp sakto namang nalowbat. Girl friend? Girl friend  niyang mukha niya, ano na lang sasabihin ko kay Mama nito. Argh.. buset talaga!

Bumalik na ako sa kwarto nang makita ko si Sowie na palabas na naman. Dahil sa curiousity'ng bumabalot sa katawan ko, sinundan ko siya. Di pa man nakakalayo, nakita kong kinakausap niya si Dylan.

"Magkakilala pala sila?" Sabi ko sa sarili ko, nakita ko silang pumasok sa kwarto. My gosh! Anong gagawin nila sa loob nun? Hindi kaya? Hindi kaya may something sa kanila, paano si Xyruz tapos sabi niya. Ang gulo! Ano kaya?

Hindi ko naman sila pwedeng katukin, hindi rin naman ako pwedeng makinig dahil baka malaman lang ni Dylan. Hindi ko pa nakakalimutang bampira siya. Umalis na lang ako at bumalik sa kwarto ko. Palagi kong ginagawa, ang magdive sa kama ko.

------

Kinaumagahan, hindi maganda ang pakiramdam ko. Parang magkakasakit ako, nang kung ano man. Nahiga na lang ako sa kama ko dahil di ko talaga kaya ang katawan ko. Nakita kong bumalik na si Sowie sa kwarto, pero di niya ko napansin dahil mukhang antok na antok siya.

Nasapo ko na lang ang masakit kong ulo saka tumagilid at nagtalukbong ng kumot. Bawi na lang ako sa susunod na makakasama ko, bukas na lang. Hindi ko talaga kaya, naramdaman ko na ang pagpikit ng mga mata ko nang maramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Nanlaki ang mata ko at dali-dali akong umupo.

"S-sino? Yabang?" Bigla siyang tumayo at umiwas ng tingin sa akin. "A-anong g-ginagawa mo?" Bulol kong sabi kay Brent.

"May sakit ka pala?" Nag-aalala ba siya o nangtitrip. "Nag-aalala ako, di ba halata?" Sabi niya, napangiti ako bahagya.

"Di halata kasi lagi mong sinasabing panget ako." Sabi ko, saka ako tatayo nang bigla na lang umikot ang paningin ko, magtataob na ako ng maramdaman kong sinalo niya ako.

"Ayan! May sakit na nga, panget na nga, matigas pa ulo.." papikit pikit akong tinitignan siya ng maalala kong nandito na si Sowie, baka makita siya at mapagkamalan pang inaagaw ko sa kanya si Brent.

"Nagkakasakit ba k-kayo?" Tanong ko, nang alalayan niya akong makahiga. "U-umalis k-ka n-na.." sabi ko pa.

"Ayoko!" Singhal niya, napatingin ako sa natutulog na si Sowie. "Bakit siya ba inaalala mo?" Seryoso niyang sabi. "Huwag mo siyang alalahanin, mamayang gabi pa siya magigising."

"Huh? Anong sinasabi--"

"Sa hilik pa lang niya halata na.." natawa naman ako sa sinabi niya. "Ang mga panget na katulad mo, dapat inaalagaan ng mga gwapong katulad ko." Napangiwi ako.

"Ang yabang mo rin talaga.." nakita ko siyang ngumiti habang nakatungo. Umupo siya sa may gilid ng kama ko, "m-may ibibigay pala--" di ko na naituloy dahil tinakpan niya ng daliri niya ang labi ko.

"Pssstt.. Matulog ka na." Nabigla ako dun, mabilis na dumagundong ang puso ko pero pinikit ko na lang ang mga mata ko. Bakit parang di ako makatulog, parang mas lalo pa akong nag-iinit na isiping nandyan lang siya kahit pa nakapikit ako.

Lexie, tigil-tigilan mo ang iniisip mo! Huwag kang magkakagusto sa kanya. Mahal siya ng best friend mo. Pati mayabang siya. Tigilan na, pwede ba.

-----

"Lexie!!" Sigaw na narinig ko kaya biglang napamulat ang mata ko, nakita ko na lang ang pagpasok ni Kurt sa kwarto ko. Unti-unti akong umuupo nang mabigla na lang ako nang yakapin niya ako. "May sakit ka nga! Kaya dinalhan kita nito." Sabay pakita niya sa akin nung sili.

"Errr.. anong gagawin ko dyan sa sili na naman?" Ngumiti siya.

"Kainin mo!!" Nahiga na lang ako, loko loko talaga 'to e. "Joke! Gusto ko lang pangitiin ka, kaso ang joke ko corny talaga, e eto?" Sabay pakita niya nung magazine na puro sexy ang nakapose.

"A-anong gagawin ko dyan?" Sigaw ko, tinignan niya pa yun at binuklat habang nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Kung gusto mo lang naman baka may mapili kang swimsuit.." Agad akong umupo sabay sapok sa kanya.

"Bakit ako magsuswim suit tapos.. tapos mga nakapose dyan minsan bold! A-anong tingin m-mo sa akin!!?" Di ko mapigilang salita ng marinig ko siyang tumawa.

"Hahaha.. Magaling ka na! Pasok ka na bukas ah, namiss kita.." sabi niya sabay ngiti, namula na naman yung pisngi ko saka ako napatungo.

"Oo na." Sabi ko, hinawakan niya pa ako sa buhok sabay may kinabit siya na ipit sa buhok ko. "Ano 'to?" Hipo ko sa ipit.

"Sili.." sabi niya, hugis ngang sili base sa pandama ko. "Yan ang unang bigay ko sa'yo.. pasok ka na bukas, ako na kasi.." sabi pa niya. Tumango na lang ako.

"Salamat.." sabi ko.

"Pahinga ka na, sorry kung nakulit kita." Saka siya tumayo, sinulyapan niya pa ako saglit saka lumakad papunta sa pinto. Binuksan niya ang pinto, at muling ngumiti sa akin. "Bye.." sabi pa niya.

Napahiga na lang ako nang maalalang, nasaan na si Brent. Buti na lang hindi siya nakita ni Kurt o ni Sowie, buti na lang umalis na siya. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko, nalulungkot ako. Bakit kaya?

A/N.

Vote niyo sana saka comment.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon