Chapter 19

7.1K 325 13
                                    


Chapter 19

"Awts.. ang sakit ng ulo ko!!" Narinig ko kay Sowie kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

"Gising ka na pala? Bakit ka naman naglasing Best?" Tanong ko, nang tumingin siya sa akin habang hawak ang ulo.

"E kasi.." sabi niya, "awts talaga.."

"Inom ka nang pangtanggal hang-over." Nang biglang may kumatok kaya dali-dali ko yung binuksan. Napangiti na lang ako nang makita si Xyrus. May dala siya na kung ano.

"Bakit nandi Awtsss.." sabi ni Sowie, habang hawak ang ulo niya.

"Inumin mo yan, para tanggal hang over mo." Walang kasweetang sabi ni Xyrus, agad ko siyang siniko. "Bakit?" Saka ngumuso ako paturo kay Sowie, saka ko siya hinila palayo roon.

"Ano ba? Yung medyo sweet naman, para hindi na magalit sa'yo.." bulong ko sa kanya, nakita ko ang pagsimangot niya.

"Di ba gusto niya naman ako? Bakit kailangan pa ng ganon?" Sinapok ko siya.

"T*nga! Ang sweet mo sa ibang babae tapos sa kanya hindi, sige ka!! Maglalasing ulit yan, susukahan ka ulit n'yan!" Kumunot ang noo na halatang nandidiri.

"Hays oo na.. huwag lang masukahan ulit!! Grabe ilang pabango ginamit ko sa katawan ko, isang daang beses akong naligo.."

"Woohhh?" Sabay takip ko sa bibig ko.

"Aba! Ayaw mani--"

"Ano bang pinagbubulungan niyo d'yan?" Tanong ni Sowie habang nakatingin sa amin. "Hoy lalaki, bakit ka nandito?" Sigaw niya kay Xyrus.

"For your info!! Sinukahan mo lang ako!!" Sigaw ni Xyrus saka lapit nang mabilis kay Sowie. "Tapos sinipa mo pa ako, tapos kung ano-anong sinabi mo sa akin!!!" Sigaw niya habang palapit ng palapit kay Sowie.

"Bakit pakiramdam ko hinalikan mo ako.." napatigil si Xyrus sa paglapit saka umiwas ng tingin.

"Pakiramdam mo lang yun!" Sabi niya, pero ang totoo niyan sinamantala ka niya. "Basta di ko makakalimutan ang ginawa mo!!"

"Okay, okay!! E di sorry." Sabi ni Sowie saka tumayo sa higaan, "umalis ka na nga, maliligo lang ako! Saka magtutooth brush, pakiramdam ko talaga nakipaghalikan ako sa'yo e." Sabi niya sabay pagaypay nung kamay na halatang pinapaalis ito.

"Grabe!" Padabog na tumalikod si Xyrus, "sana hindi na lang siya lasing nun, para alam kong totoo yung mga sinabi niya. Hays badtrip!" Bulong niya sa akin matapos lapitan ako, saka siya lumabas ng pinto. Bigla namang labas ni Sowie sa C.R, saka dali-daling umupo sa kama at bumuntong hininga.

"Pinipigilan ko talaga sarili ko Best!! Grabe na!!" Sigaw niya na ikinabigla ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tumili pa siya sabay tayo.

"Hindi kasi pwede.." sabi  niya saka muling humiga na nakadipa sabay hawak sa labi niya, "pero shit, ang sarap niya humalik.."

"Waaahhh.. Alam mo?" Tanong ko habang kinikilig.

"Syempre.. Lasing man ang katawan ko! Pero yung isip ko gising na gising! Gusto ko talagang iparinig sa kanya yung mga sinabi ko! Gagong yun.." ngumiti na lang ako.

"Ikaw ah." Sabi ko, "akala ko ba si Brent?." tanong ko. Tumingin siya sa akin.

"Sa iyo na yun!!" Napanganga ako sa pagkabigla at nandulat rin ang mata ko.

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" Sabi ko sabay iwas.

"Hoshooo.. Lagi ko nga kayong naririnig na nag-uusap.. Gumagala kasi yung kaluluwa ko hahahah.." sabi niya, "Oh my patay! May pupuntahan pa pala ako.." sabi niya saka dali-daling kumuha ng damit at pumunta sa banyo. Nakatulala lang ako dito, naririnig niya. Buti na lang, wala na siyang gusto kay Brent, kundi patay. Baka mapatay niya ako.  Pero hindi ah, wala akong gusto kay Brent. No way!

----

Nakaalis na si Sowie, dahil sa wala akong magawa. Lumabas ako at naggala-gala ako dito sa may open field ng academy. Maraming mga naglalakad, may mga ilang bampira at ilang tao akong nakikita. Para lang simpleng paaralan, pero kakaiba lang may bampira pero hindi masasabing bampira kasi mababait lahat.

Bigla na lang umihip nang malakas na hangin, naramdaman ko na lang na may nakahawak na sa kamay ko. Unti-unti ko siyang tinignan ng makita ko si Brent.

"Brent?" Tanong ko, nang tignan  niya lang ako. Ni walang reaksyon, "bakit?"

"Samahan mo ako." Sabi niya, bubuka pa lang ang bibig ko ng  "huwag ka ng magsalita basta samahan mo ako?" Sabi niya ulit. Nagpatangay na naman ako sa kanila, kung saan saan na lang nila ako hinihila.

Ang sama nilang lahat. Habang naglalakad kami, napapasulyap ako sa kanya. Hindi ko maiwasan pero napapangiti ako. Kinikilig ba ako o ano? Letse naman!

"Dito na tayo!!" Sabi niya nang makita ko ang maliit na kubo sa likod nung academy. Nasa may gubat na ata kami, Bakit hindi ko ba napansin? Basta nagpatangay na lang ako?

"Nasaan tayo?" Tanong ko, ngumiti siya na ngayon ko lang nakita nang sobrang malapitan. Yung ngiting para sa akin talaga, ganon.

"Dito sa secret place ko.." sabi niya pa. "Halika sa loob?"

"Huh? Ano bang gagawin natin d'yan?" Tanong ko ulit nang pumasok kami dun sa kubo. Napakaraming nakataob na picture frames sa maliit na lamesa sa tapat ng maliit na bintana. "Hatchoo!" Bahing ko, "napakadumi naman dito!!" Sabi ko.

"Kaya nga lilinisin natin, kaya pumunta tayo dito."

"Ano? Gagawin mo akong katulong?"

"Hindi katulong.. Tutulungan mo lang ako panget! Dali na.." sabi niya sabay ang pacute. Dahil sa kakyutan niya, hindi! Hindi siya cute! Erase.

"Oo na!" Singhal ko, binigyan niya kaagad ako ng tambo at basahan. May hawak na rin siyang timba, nagsimula na akong maglinis kahit pa bahing ako ng bahing. Nakita ko naman siyang nag-iigib nang napakabilis. "Dahan-dahan nga!!" Sigaw ko, natatalsikan kasi ako ng tubig sa mukha. Pinunasan ko yung mukha ko, habang nagpupunas sa kawayang sahig.

"Ah pasensya!" Saka ang pag-ikot sabay ang timba, tumama sa ulo ko.

"Aray naman!!" Sigaw ko, nang bigla siyang lumapit sa akin at hawakan yung noo ko.

"Sorry.." sabi niya, unti-unti ko siyang tiningala, nang pitikin niya yung noo ko, "ang lapad kasi ng noo mo e."

"Ang yabang mo rin! Tagalinis mo na nga ako, nilalait mo pa ako!!" Singhal ko sabay busangot ng mukha, "ako na nga ginawa mong katulong, ganyan ka pa sa akin.." sabay ang padabog na pagpahid ko ng sahig.

"Oo na sorry na.. pasensya ka na! Nagmamadali lang ako kasi padating na siya.." napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa sahig at nakatingala at halatang sobrang saya.

"Sino?" Tanong ko kahit medyo nasasaktan ako.

"Si Maureen." Napatungo na lang ako at pinagpatuloy yung ginagawa ko.

"G-ganon b-ba?" Nauutal kong sabi. Nang bigla siyang tumayo at lumanghap ng hangin.

"Hays hindi na ako makapaghintay.." sino kaya yun? Girl friend niya kaya yun? Yun kaya yung M dun sa kwintas na nahulog sa kanya. Nga pala, di ko pa naibabalik yun sa kanya. Awts lang. Bakit ako nasasaktan? Huwag naman sana!!

A/N.

Atws lang.. comments lang kayo!! Masaya na ako. T.Y.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon