Chapter 12
"ANO?" sigaw ko, nag-usap-usap kasi sila, kada-isang araw para lang ang akong bagay na paghahati-hatian nila. Nabulag na ata mga mata ng mga bampira na'to.
"Hindi bulag ang mga mata namin, basta kada araw, isa sa amin makakasama mo.." sabi pa ni Dylan. Natawa naman si Xyrus sabay tapik sa balikat ako.
"Kapag ako, nahulog rin sa'yo, baka makipag-agawan rin ako. Kaso siya lang yung gusto ko.." sabay kindat pa sa akin, lumabas na rin siya ng classroom dahil hindi naman nila classroom ito.
May ilan pang mga lumapit na babae sa kanya, magugustuhan ba siya ni Sowie niyan. Babaero siya, may past kaya yung dalawa at galit si Sowie sa kanya. Gusto kong malaman ahaha.
"Akin ka ngayon!" Tipid niyang sagot ngunit makahulugan ang dating sa akin. Hinawakan ako ni Claude sabay hila sa akin don sa may upuan. Medyo iba ang mga tingin ng ilan dahil, grabe pinag-aagawan daw ba ako ng mga gwapong bampirang ito.
"Huwag mo siyang iiwanan Claude lalo na ngayon." Sabi ni Dylan na ikinakaba ko, lalo't nakikita ko pa ang mga ilang babaeng nakatingin sa akin ng masama.
"Syempre." Tipid muli niyang sagot, saka sila nag-upuan na sa kanilang mga upuan. Sakto namang dating ng teacher namin. Tumingin na lang ako sa labas ng binata dahil di ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Feeling ko, tinititigan niya ako.
"Baka naman matunaw ako niyan." Biro ko, pero di pa rin makatingin sa kanya.
"I love you.." halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang salita ng yun. Narinig ko pa siyang bahagyang tumawa. "I love you, huwag ka maniniwala sa mga salitang yan, kung hindi mo pa nararamdaman." Makahulugan niyang sabi kaya natawa ako.
"Binibigla mo kasi ako." Sabi ko saka tumingin sa kanya na ngayon ay nakapangalumbaba at nakatingin sa harapan, "Syempre di ako maniniwala sa ganon."
"Sabi niyo lang yun, pero mga kababaihan mabilis mabulag sa salitang matatamis. Hindi ako naniniwala sa salitang I Love you, kaya hindi ko yun sasabihin sa'yo."
"Huh?" Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Kasi hindi sapat ang I Love you, sa magandang katulad mo.." napanganga na naman ako sa sinabi niya. "Tulo na laway mo." Sabay pahid ko.
"Bolero talaga mga lalaki.. tsk.."
"Hahaha.. ang mga bolerong lalaki pafall lang yan, pero ako hindi kasi sa'yo ako nafall."
"Isa pa, bolahin mo pa ako." Narinig ko na lang siyang tumawa, nakikinig naman kami sa teacher pero mas lamang ang bolahin niya ako. Eto naman ako, letse! Kinikilig.
"Ma'am, si Claude po?" Napatingin ako dun sa babaeng nasa may tapat ng pinto. Ang babaeng sumundo nung isang beses kay Claude. Napabuntong hininga lang si Claude saka tumayo at hinawakan ako sa kamay.
"Ayoko!" Sabi ko.
"Hindi pwede, hindi kita maaaring iwan." Sabi niya pa, kaya tumayo na lang ako habang nararamdaman ang intense sa mga tingin nung mga babae. Nilagpasan niya yung babae paglabas namin ng pinto, nakatingin siya sa kamay ni Claude na nakahawak sa kamay ko.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, saka siya pahuling naglakad sa amin."Claude, pwede ka matanong?" Nang tignan niya ako ng walang reaksyon. Tumango lang siya kaya bumuntong hininga ako, "sino siya?" Tanong ko.
"Si Fionna." Tipid niya uling sagot.
"Kaano-ano mo siya?" Seryoso siyang tumingin sa akin.
"Wala.." tipid niya uling sagot, kapag nakanta lang ata siya maraming nasasabi at kapag nasa mood siyang magsalita. Hinila ko na yung kamay ko.
"Claude?" Tawag nung babae, tinignan niya ako at nginitian. Isang beses lang, nakasimangot siya sa akin. "Ah Claude?" Tawag niya ulit, pero di siya nilingon o pinansin nito. Kinuhit ko si Claude.
"Hui tawag ka?" Sabi ko, nang tumingin siya ng seryoso sa akin, saka tumingin kay Fionna ngunit saglit lang. Kinuha niya na ang gitara saka pumunta na sa mga kabanda niya.
"Hi Lexie?" Sigaw nung C.J, ngumiti lang ako at kumaway. "Fionna, pakuha naman ng tubig." Sabi nito, na agad naman sinunod nung babae. Akala ko matapang siya pero utusan lang ba siya dito.
Umupo siya sa upuan pagkatapos niyang ibigay yung tubig. May mga kinukutinting pa siyang mga ilang bagay. Habang nag-aaral sila Claude nang kanta ay sa dahil nacurious ako sa ginagawa ni Fionna. Lumapit na lang ang mga paa ko sa kanya, saka nakiupo.
"Ah hello?" Bati ko, nakita kong tinignan niya ako ng masama. Naging pula rin ang kulay ng kanyang mga mata na ikinabigla ko. Hinawakan niya ako sa kamay na agad namang ikinakaba ko. "Ahh.. Fionna, anong nangyayari?" Lumabas ang mga pangil niya na animo'y kakagatin ako. Sobrang galit ang kanyang mga mata. Nang mabigla na lang ako ng isang malakas na sampal ang tumama sa kanya.
"Stupid!! Fionna!!" Sigaw ni Claude na ikinatakot ko, nakita kong natauhan si Fionna, nakita ko ang mga luha sa mata niya. Tinignan naman ni Claude ang mga palad niya sabay ang pag-iwas ng tingin dito.
"S-sorry.." saka siya tumakbo, tinignan ako ni Claude na puro pag-aalala. Hinawakan niya ako sa braso na ngayon ay may mga galos, gawa ng kuko ni Fionna. Nakakatakot siya pero mas naawa ako nung sinampal siya ni Claude.
"Sorry, nasaktan ka ba?" Tanong niya sa akin saka ako umiling. "Sorry.." sabi niya ulit.
"Hindi ako nasaktan, ayos lang ako. Mas nasaktan pa nga siguro si Fionna sa sampal mo e.. Bakit mo ginawa yun, sundan mo siya. Humingi ka ng sorry."
"Pero?" Tinignan ko siya ng masama sabay turo sa direksyon kung saan tumakbo si Fionna. "Tsss.. sige dyan ka lang, hoy, bantayan niyo siya!!" Sigaw nito kila C.j. Napatingin na lang ako sa kanya habang tumatakbo.
"Hays, nagagawa nga naman ng pag-ibig." Sabi ni Mike kaya napatingin ako sa kanila na iiling-iling pa siya.
"Bakit niya ginawa yun?" Tanong ko, yung pagsampal ni Claude kay Fionna, masakit yun ah.
"Ginawa niya yun para matauhan si Fionna, ang best friend ni Claude. Alam mo bang tao rin si Fionna dati, pero umibig siya sa isang bampira at kay Claude yun." Sabi ni C.J.
"At dahil sa isa siyang bampira, hindi matanggap ni Fionna na mamamatay siya ng hindi nakakasama ang kaibigan niya. Fionna was about to death, may sakit siya sa puso ngunit di namin alam, isang mapusok na bampira ang pumunta sa ospital kung saan nandon siya. At kung ano-anong matatamis na salita ang sinabi kay Fionna." Dugtong pa ni Mike.
"At yung gabing yun, nalaman na lang naming kinagat siya ng bampirang yun, hindi siya namatay pero kapalit ang naging marahas at walang kontrol siyang bampira kapag nakakaramdam siya ng galit."
"At Siguradong nagseselos siya sa closeness niyo ng best friend niya. Si Claude lang nakakapagpakalma sa kanya, kasi nga mahal niya si Claude." Kinabahan naman ako sa mga sinabi nila. Kung ganoon, baka masakmal na lang ako ni Fionna dahil palagi kong kasama ang best friend niya. Naku Patay!!"
Nakita ko nang pabalik si Claude, nasa likod niya na si Fionna. Nangatog na lang bigla ang mga tuhod ko. Nang lumapit sa akin si Fionna at inihayag ang kamay niya.
"Sorry.. Hindi ko talaga alam ang ginagawa ko." Nakita kong sumimangot si Claude, nakipagkamay na lang ako kahit nanginiginig ako. "I'm sorry talaga, dapat hindi ako nagagalit.." waaahh.. sana nga, huwag na lang.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampirgeschichtenWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...