Chapter 39

5.9K 282 9
                                    

Chapter 39

"Kurt?" Namatay ang mga ilaw at tanging spot light na lang ang nakatutok sa amin. Para lang ba akong prinsesa, "ano ba kasing surpresa?" Nahihiya kong tanong.

"Pssst.. maghintay ka lang.." nawala ang spot light na nakatutok sa amin at nanlaki na lang ang mata ko nang makitang tinutukan ng ilaw si Claude na may hawak na gitara at tinugtog niya na naman yung more than words.

NP "MORE THAN WORDS"

Nakangiti siyang tumutugtog habang nakatitig sa akin, grabe shit kinikilig ako. Tinapik ako sa balikat ni Kurt sabay kindat, nagsilabasan pa sila Xyrus, Jules, Alex at sumunod si Kurt sa kanila. Natatawa naman ako bahagya dahil pasayaw-sayaw pa sila ng bahagya.

Habang kumakanta si Claude, di ko maiwasang mapangiti, akala ko ba tampo 'to sa akin. Yun pala, may surpresa pang ganito. Sobrang kinikilig ako, nakita ko siyang tumayo, ang dami pang nakakakita sa pakulo nilang ito.  Nahihiya lang ako pero sige lang, gustong gusto ko.

Unti-unti siyang lumapit sa akin, nang marinig kong tumili si Sowie sa may bandang likod ko.

"Pssst.. ano ba?" Mahinang sabi ko sa kanya nang nagtuturo siya kaya humarap na ako at nakita kong nasa harapan ko na si Claude. Tinutugtog at kinakanta na lang nung apat yung kanta.

"Nagulat ka ba sa supresa ko?" Nahampas ko siya sa balikat.

"Waah. Di mo sinabing ganito pala yung pakulo mo, waahh.. kakainis ka talaga.." pero di ko mapigilan ang mga ngiti ko.

"Kinikilig ka naman?"

"Loko!"

"Sabihin mo na kasi ang totoo.."

"Oo na.." sabay takip sa mukha ko, di ko na talaga mapigilan yung sarili ko e. Sobrang kilig, na halos parang sasabog na yung puso ko. Siguradong pulang pula na ang pisngi ko, naririnig ko pang sumisigaw si Sowie.

"May I dance with you?" Sabi niya sabay hayag ng palad niya, tumango na lang ako sabay abot ng kamay ko. Nakapatong sa balikat niya yung mga kamay ko, habang siya nasa baywang ko. Nakatitig siya sa akin, pero ako hindi ko kaya. Matutunaw ako. "Tignan mo kaya ako?"

"Pinipilit ko naman yung sarili ko e, kaso ang gwapo mo di ko matagalan." Bahagya pa siyang natawa nang mabigla na lang ako dahil hinawakan niya yung magkabilang pisngi sabay iniharap sa mukha niya.

Walang ganyanan, mamamatay ako sa sobrang kilig. Claude naman. Nakatitig siya sa akin, na halos ako mahiya pero ang gwapo talaga ng mga mata niya. Shete ka!

"Lex, kapag sinabi ko bang mahal kita, mamahalin mo din ba ako?" Di ako makasagot, ang hirap naman ng tanong niya e. "Kapag naisip mo na kung sinong mahal mo, nandito lang ako. Di kita iiwanan kahit kailan, pangako." Napatitig na lang ako sa kanya dahil alam kong sobrang seryoso niya. "Pero huwag mo sana akong ilalayo sa'yo, hayaan mo lang sanang mahalin kita gaya ng pagmamahal mo sa kanya." Nabigla na lang din ako at lalong bumilis ang tibok ng puso nang ipatong niya ang noo niya sa noo ko. Magkadikit na magkadikit na kami ng mukha, malapit nang magkiss.

"Ah.. Ah.. C-Claude?" Nauutal kong sabi nang tumingin siya sa akin, "n-nakakahiya, pero naiihi na ako.. saan ba may C.r?" Nagulat siya sa sinabi ko sabay tawa, napapout na lang ako. "Huwag mo nga kong tawanan, nakakahiya.." sabi ko nang bahagya uli siyang tumawa, nahampas ko na siya sa balikat. "Saan na nga?" Tanong ko ulit nang tumuro siya.

Patakbo na ako nang hilahin niya ulit yung kamay ko. Tinaasan ko na siya ng kilay nang tumawa ulit siya.

"Sige na nga.."

"Mamaya ulit.." sabi ko na lang sabay mabilis na pagtakbo, tinuro niya pero napakalaki nito. Saan ko naman hahanapin yun? Naglakad-lakad ako, habang tinitignan bawat pasilyo, nasaan na ba kasi yung C.R. Ba't ngayon pa kasi, kinakabahan kasi ako e, ayan kumontra ang kalikasan.

Habang naglalakad ako, nakita ko si Maureen at Brent na nag-uusap. Napatigil ako nang makitang sinampal muli ni Maureen si Brent. Bakit niya sinampal, may nagawa kayang kasalanan yung lalaking yun? Hindi ko na lang pinansin nang makita ko ang pasilyong pinasukan ni Kaye.

"Lex?" Biglang tanong niya.

"Saan ba ang C.R dito, kanina pa ako nagpipigil.." tumawa siya sabay turo dun sa dulong pinto. Dali-dali akong tumakbo para makapunta roon. Pagkapasok na pagkapasok ko, namangha na kaagad ako. Parang buong bahay ko na yung Comfort room nila, Woowww! Puro ginto ang bowl, oh my gosh pati sink. Shete! Mayaman na ako may isa lang akong ganito.

"Nakakahiya namang umupo.." pero syempre umupo na ako. Sa wakas! Napabuntong hininga na lang ako at namangha pa sa paligid nang makarinig ako ng ingay mula sa may labas. Naku, ano yun? Baka bampira yun, tapos sisipsipin ang dugo ko hanggang sa maubos na at mamatay na ako. Naku po, huwag naman.

Naririnig ko na ang mga yabag ng lakad ng kung sino man yun, nang biglang mawalan ng ilaw. Napatili na lang ako ng di oras sabay takip sa bibig ko. Agad akong napatayo sa kinauupuan kong bowl sabay bukas ng pinto, nang mabigla na lang ako dahil may humawak sa kamay ko.

"Waaahhhhhh!!" Sigaw ko, nang takpan niya yung bibig ko. Hindi nang kamay niya kundi ng malambot niyang labi, first kiss ko 'to at sino 'tong humalik sa akin. Tinulak ko siya bahagya nang biglang bumukas yung ilaw ngunit hangin na lang ang naramdaman ko at ni wala akong nakita sa harapan ko.

Napahawak ako sa labi ko, habang nagtataka. Sino yung humalik sa akin, alam niya bang nasa C.r ako. Alam niya bang ako yun, o nangtitrip lang yun.

"Walang hiya ka! Kung sino ka mang humalik sa akin, panagutan mo ako.." huhu first kiss ko yun e. Sino kaya yung gag*ng yun? Buset talaga.

Bumalik na ako sa kanila, na halos di maipinta ang mukha ko. Ninakawan ako, ninakawan ako ng isang kissnaper pero mas matinding kissnaper yun. Sa labi yun ui, ibang usapan na yun.

Nakita ko silang na nakaupo sa mahabang lamesa habang masayang nagkukuwentuhan.

"Lex.." sigaw ni Kaye kaya napatingin sila sa akin.

"Nasaan si Claude?" Tanong ko dahil wala siya.

"Hindi pa nga siya nabalik, grabe ka best.. Sayang yun, moment na yun e. Saka ka pa nagC.R." Napakamot ako sa ulo at nagpout na lang ako.

"Namimiss mo kaagad si Claude, basted na talaga ako.." sabi ni Alex nang sapukin siya ni Kaye.

"Ang kay nubita ay para kay Nubita lang, Damulag." Natawa naman sila Jules at ako na rin pero nagtataka ako nasaan na kaya si Claude, tapos may humalik pa sa akin. Sino kaya yun? Nang maramdaman ko na lang may humawak sa balikat ko.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Dylan, sunod ay si Claude maging si Brent. Kompleto ang tropa pero sino?

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Ania, na kadarating lang din. Napailing na lang ako sabay tingin sa kanilang tatlo, may isa kaya sa kanila. Errr.. o baka iba?

"Nasaan si Maureen, Bro?" Tanong ni Kurt, nang umiling si Brent.

"Wala, hiwalay na kami.." ewan ko ba pero nakaramdam ako ng saya. Nakita kong umupo si Claude sa tabi ko sabay ang pagtingin sa mukha ko titig sa labi ko. Agad akong namula, at umiwas sa kanya.

"Salamat sa surprise Claude.." sabi ko nang ngumiti lang siya kahit alam kong nasasaktan ko na naman siya dahil sa sayang nararamdaman ko nang marinig ang balitang iyon kay Brent. Pero sino yung humalik sa akin?

Sana si...Aaaaahhh.. Nevermind...

#comment na palike na lang.

A/N

Lexie Rizon
Brent Symon
Claude Reis
Sowie Mendoza

Paadd sila. Salamat.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon