Chapter 49

4.7K 226 12
                                    

Chapter 49

Brent POV

"Malapit ka na bang umuwi?" Tanong niya ulit, nakailang tanong na ba siya.

"Oo malapit na, saglit na saglit na lang." Sabi ko saka humiga sa damuhan.

"Umuwi ka na kasi.. Ano pa bang pinoproblema mo? Bumalik ka na dun kundi sasapakin na talaga kita!"

"Oo na nga, sandali na lang.."

"Hay nakooo!!" Sabay ang pamaywang niya, "baka mahuli ka na kapag hindi ka pa umuwi.." bigla akong napabalikwas ng upo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Umuwi ka na.." ano kayang ibig niyang sabihin, huli na ako para kay Panget, pero sabagay huli na naman talaga ako. Hays. Napabuntong hininga na lang ako at muling nahiga.

"Sandali na lang, babalik na din ako dyan Panget.. ipaglalaban na kita." Saka ko pinikit ang aking mga mata.

-----

Lexie POV.

Kasama ako dito sa auditorium, sa practice nila Claude. Isasama niya na lang daw ako para hindi na ako masaktan ng iba, kaso pakiramdam ko naboboring ako. Busy'ng busy kasi siya sa pagpapatugtog nung gitara niya. Ni hindi siya tumitingin sa akin kahit isang saglit. Naupo na lang ako at pumangalumbaba.

Nang matapos na rin sila, nakangiti siyang tumingin sa akin. At saka siya bumaba at pumunta sa akin.

"Naiinip ka na ba sweetybabe?" Umiling na lang ako, akala ko tuluyan na siyang naging cold sa akin.

"Hindi naman.." hinayag niya yung palad niya kaya hinawakan ko yun. Tinulungan niya akong tumayo, pero di niya na binitawan yung kamay ko.

"Kumain ka na muna, baka nagugutom ka na." Tumango na lang ako at sabay kaming lumabas. Papunta na kaming canteen nang maraming mata ang nakatingin sa amin. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong ligtas ako kapag kasama ko siya.

"Salamat.." nasambit ko na lang habang nakatalikod siya sa akin. Nang makita kong papalapit sa amin si Kurt, seryoso yung mukha niya pero di siya makatingin sa akin. Miss ko na talaga ang lokong 'to, kaso mukhang ayaw na nila talaga sa akin.

"Saan ka pupunta Kurt?" Tanong ni Claude, tinignan ako ni Kurt pero saglit lang saka tumingin dito.

"Si Yana kasi bigla na lang nawalan ng malay, kaya nasa imfirmary room daw siya.."

"Bakit? Ano bang nangyari?" Nagulat ako ng bitawan ako ni Claude, tinignan ko siya na alalang alala ngayon. Napakuyom na lang ako ng kamao saka ko siya hinawakan sa braso. Tinignan niya ako pero umiling lang ako.

"Huwag ka nang umalis, hayaan mo na lang sila. Huwag mo akong iiwanan."

"Lexie?" Nagulat na naman ako sa tawag  niya sa akin, hinawakan niya yung kamay ko saka niya inalis sa braso niya.

"Swee--"

"Kailangan ko siyang puntahan, kaibigan ko pa rin siya. Sumama ka na lang !?" Umiling ako.

"Ayoko! Dito lang ako, dito ka lang!!" Selfish na kung selfish pero gusto ko sa akin lang siya. "Please, dito ka lang samahan mo ako!"

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Kung hindi ka sasama bumalik ka na lang dun sa kwarto, para sigurado akong hindi ka na ulit masasaktan."

"Pero.." nasasaktan pa rin ako, at mas masakit na piliin mo siya imbis na ako. Gusto ko mang sabihin pero wala akong laban sa tunay mong minamahal, "mahal mo pa ba siya? Sabihin mo nga sa akin?"

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon