Chapter 72
Lexie POV
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, pakurap-kurap pa akong tinignan ang buong paligid. Nakahiga ako sa isang master bedroom sized na kama. Madilim ang paligid pero may lampshade naman na nagbibigay ng liwanag.
"Nasaan ako?" Ani ko. Nang may lalaking pumasok sa may pintuan ko.
"Buti naman nagising ka na." Sabi niya, habang inaaninag ko pa sa dilim ang mukha niya.
"Sino ka?"
"Di mo ba nakikila ang boses ko?"
"Gab?" Gulat na sabi ko nang unti-unti na siyang nakalapit sa akin. "Paano? Bakit ako nandito?" Umupo siya sa tabi ng kama, nasapo niya ang kanyang noo.
"Dahil ikaw ang.."
"Anong oras na? Tapos na ba yung party? Yung party'ng?" Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Pinagpalit lang nila ako sa tunay na kaibigan nila. Bakit ako nasasaktan, dapat tanggap ko.
"Itigil mo na nga yang pag-iyak! Ikaw ang prinsesa namin at hindi ka dapat nasasaktan ng ganyan!" Nagtataka ako sa sinasabi niya.
"Anong sinasabi mo?" Singhal ko.
"Malapit nang bumalik ang lahat ng alaala mo, hindi ko na sasagutin yang mga tanong mo." Aniya niya.
Di ko talaga maintindihan ng biglang tumunog ang malaking orasan sa may tabihan ko. Napatingin ako at nakitang nakatapat na ang mga kamay ng orasan saktong alas dose ng hating gabi.
Bigla na lang pumapasok ngayon sa isipan ko ang mga alaalang hindi ko maintindihan.
---Flashback---
"Mahal na prinsesa, may ipapatapos po ba kayo sa amin!" Nakangisi ko silang pinagmasdan habang nakaupo ako sa trono ko.
"Kung pwede ko lang siyang ipapatay sa inyo, kung kaya ko lang.."
"Sino ba yan? Siya na naman ba?" Ngumiwi ako sabay tingin sa lalaking nakatayo ngayon sa tabihan ko.
"Wala kang pakialam!"
"Ginawa mo akong stalker nung gagong bampirang yon tapos wala pa rin akong pakialam!"
"Shet! Tumahimik ka Gabriel!"
"Tsk.." singhal niya saka lumabas, pumangalumbaba na lang ako habang pinagmamasdan ang mga asul na rosas sa base. Kailan kaya kayo magiging pula, kailan kaya siya magiging akin.
----
Bakit pa kasi ako lumaki sa piling ng mga kalaban, di sin sana'y nakilala ko siya at nahulog ang loob niya sa akin. Hindi naman ako masama pero yun ang tingin nang ilan sa akin. Dahil ba lagi akong nakasimangot at palaging nakasigaw.
Namana ko lang ito sa aking ina, letse talaga. Gusto ko siyang makausap, kailangan kong pumunta sa lugar kung nasaan siya.
Sa Royal palace .Mabilis akong nakapagtransport sa lugar na yon, hindi nila ako magawang harangin ng kung anong shield nila dito. Habang nagmamasid masid ako sa lugar, tyempong nakita ko siyang nakapangalumbaba sa may veranda. Malungkot ang kanyang mga mata.
"Geron!" Ani nang lumapit sa kanyang babae, medyo nakaramdam ako ng inis.
"Mariya.." nakakainis talaga 'tong bampirang babaeng 'to, inagaw niya ang pinakamamahal kong tao.
"Geron, may good news ako." Nakita ko ang kislap sa mga mata nila.
"Magiging ama na ba ako?" Parang may sumaksak na patalim sa puso ko kasabay ang ilang karayom na unting-unting tumutusok matapos tumango ni Mariya. Nagyakapan pa sila, tumulo ang mga luha ko na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi ako marunong umiyak, pero dahil sa kanya nagawa ko.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...