Chapter 63
"Mas masakit, bakit?" Tanong ni Ania saka ako hinawakan sa balikat. "Bakit anong ginawa sa'yo ni Kurt?" Ani niya.
"W-wala." Sabay ang paghikbi ko.
"Pero bakit ka umiiyak?"
"Kasi yung mahal ko babalik na yung totoong mahal niya. Etsapwera na naman ako." Nasapo niya ang ulo sabay hawak sa baba ko.
"Ano ka ba Girl, huwag kang umiyak! Huwag mo siyang sukuan, kung mahal mo talaga siya. Ipaglaban mo!" Napapatango naman ako. "Hays!" Sabay ang pag-irap niya. "Eewww ang baduy talaga ng ganito, gayahin mo ako! Hindi ako sumuko hanggang sa muli ko siyang makuha." Sabi pa niya.
"Kaya iyong-iyo na si Dylan." Nagthumbs up pa siya.
"Kaya pahirin mo na yang mga luha mo, sayang lang yan." Ani niya kaya tumango ako at pinahid ang namamasa kong mukha. "Sige, maiwan na kita.." saka siya naglakad palayo, tinitignan ko pa ang malamodel niyang paglalakad.
"Tama!" Sigaw ko, hindi ko susukuan si Brent, kahit pa isang buwan o maextend pa ako dito basta naipahayag ko sa kanyang mahal na mahal ko siya. "Go Lexie, kaya mo yan!!" Sigaw ko sabay patalon-talong naglakad. Para na akong baliw, oo. Iiyak tapos maya maya ngingiti, tapos tatawa na. Baliw na nga ako sa kanya.
---
Bumalik na ako sa kwarto, aakitin ko na lang siya para masaya. Tutal gusto niyang mga malalanding babae ah, tignan ko kung makatanggi siya sa alindog ko. Nag-ayos na ako nang sarili ko, tama naman si Ania. Ba't ako iiyak, e wala pa naman yung karibal ko. May panahon pa ako para mapasaakin siya. I am Lexie, the sexy, gorgeous one. Echos!
Naglagay na ako ng red lipstick kahit na may pandidiri sa katawan ko. Eeeww. Gagawin ko ba talaga 'to para sa kanya, Oo, Lexie, kaya mo yan! Sabi ng konsensya ko. Nakatingin ako sa salamin ngayon, at kitang kita ang hindi ako na itsura ko ngayon.
"Go Lex." Biglang bumukas ang pinto, napaamang na lang ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Waah, nakaramdam ako ng hiya kasi, nakasuot ako ng fit na fit na sando, may print pang i love you na kahit wala pa akong boobs ay sige ipush up ko pa. At saka maiksing short. Errr.
-Operation iseduce ang mayabang na bampirang nagngangalang Brent--
"Hi?" Bati ko sa malanding boses, pero parang wala lang. Snob ang beauty ko sa kanya. Nagtuloy-tuloy siya sa may cabinet niya kaya galawang hokage akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa balikat sa malanding paraan. Eeew..
"Brent, akin ka ngayong gabi." Nakita ko siyang tumingin sa akin, pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Napahawak pa siya sa baba niya sabay ngiti.
"Talaga?" Mas malandi niyang tinig, nakangisi pa siya na ikinakaba ko ng kaunti. Timulak niya ako bahagya na ikinagulat ko.
"Ano ba?" Pwe! Pwe! Kahit nasusuka na ako, at gusto ko nang magpalit ng simpleng damit na ayon sa gusto ko. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ako sa balikat, hanggang sa hawakan niya ako sa kamay at hilahin papunta sa kama. Kinakabahan na ako, napapangiwi na nga ako pero kunwari pinapapak ko pa yung daliri ko. Pwe talaga! Errr..
Nagulat na lang ako nang itulak niya ako bahagya para mapaupo ako at unti-unti siyang lumapit sa akin dahilan para mapahiga ako. Oh My Gosh, kailangan ko bang gawin talaga 'to. Napapaurong pa ako habang palapit siya ng palapit sa akin, nakatingin siya sa mga mata ko. Ang bilis naman niyang maseduce sa alindog ko. Shems! Palapit na siya ng palapit habang nasa harapan ko siya habang nakahiga ako. Unti-unti niyang nilalapit yung mukha niya sa mukha ko. Waah.. pero di ko magawang maipikit yung mga mata ko, gusto kong titigan yung mata niyang nakatitig lang sa akin at hindi sa iba.
Ewan ko pero bigla na lang pumatak ang mga luha ko. Napapikit na ako, nang umalis siya at umayos nang upo. Nasapo niya pa ang noo niya, kaya umayos na rin ako ng upo na para lang bata.
"Bakit mo 'to ginagawa?" Tanong niya.
"Kasi ang cold mo sa akin! Ang babaero mo! Masama na bang umamin, mayabang na'to." Naramdaman ko na lang na pinitik nya ako sa noo.
"Iiwan mo rin naman ako di ba?" Nagulat ako sa sinabi niya, napatingin ako sa kanya na ngayon ay malungkot na nakangiti sa akin. "Mas pipiliin mong mawala kami sa iyo, kesa sabihin ang mga nalaman mo! Bakit mo pa ako paiibigin sa'yo kung sa bandang huli. Masasaktan rin ako."
"Brent?" Lumapit yung mukha niya sa akin, at hinalikan ako sa noo saka ako niyakap.
"Magbihis ka na! Kahit di ganyan ang suot mo, nainlab na ako sa'yo." Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, "pero pakiusap, itigil mo na'to. Ang sagwa!" Nasapak ko siya at nakita ko siyang tumawa.
"Yabang! Ang hirap maglandi ah!!" Irap ko, nang tumayo siya.
"Para walang masaktan, tama na! Ibaling mo na lang sa iba ang pagtingin mo. Sa normal na taong katulad mo." Saka siya mapait na ngumiti sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita. Nasasaktan ako, sasabihin ko bang siya ang prinsipe? Para di ako mapaalis dito, at di ko sila maiwan. Ano ba? Sasabihin ko na bang siya ang prinsipe para di ko siya maiwan dito? O hahayaan ko na lang umalis ako ng tuluyan dito? Naguguluhan na naman ako, ayaw ko siyang iwan. Ayaw kong saktan silang lahat lalong lalo na si Brent.
Nakita ko siyang lumabas ng pintuan, nang dali-dali akong bumaba at hinabol siya. Tumingin ako sa kaliwa sabay tingin sa kanan nang makita ko siyang naglalakad. Huminga pa ako nang malalim.
"BRENT! HINDI KITA IIWANAN, DITO LANG AKO PANGAKO!!" sigaw ko nang lumingon siya. "MAHAL NA MAHAL KITA!" napapikit na lang ako, at pagmulat ko nasa harapan ko na siya sabay pitik sa noo ko.
"Ang ingay mo! Pagbibigyan kitang mahalin ako, huwag kang mag-alala." Sabay ngiti niya, nahampas ko lang siya sa balikat.
"Ang yabang mo talaga! Saan ka ba pinaglihi ng mama mo, siguro sa bagyo. Lakas ng hangin mo.." tumawa siya na ikinangiti ko naman.
Sana nga akin ka na lang forever, pero alam kong mawawala rin ako at maiiwan kita dito sa mundo. Isa lang akong normal, isa ka namang immortal. Pero di ko hahayaang mawala ka sa akin.
"Ligawan mo muna ako ah." Sabi niya na ikinagulat ko, napalayo ako sa'yo. Tinuro ko pa ang sarili ko.
"Ako ang manliligaw talaga?" Pinatong niya pa yung magkabila niyang kamay sa batok niya.
"Oo, ikaw umamin ah."
"Hoy! Umamin ka rin."
"Kailan?"
"Kanina lang.."
"Hindi kaya.." napakuyom na lang ako ng kamao.
"Pft. Yabang!!" Singhal ko nang tumawa siya at muling naglakad palayo.
"Magpalit ka na! Ang sagwa talaga.." sabi pa niya kaya napatingin ako sa itsura ko ngayon. Napayakap na lang ako sabay pasok sa loob ng kwarto.
----
Third person POV."Makasariling pagmamahal." Sabay ang pagngisi nya. Habang nakasandal malapit lang sa kwarto nila Brent. Nasaksihan niya pa ang pagmamahalan nang dalawa na sa isip niya ay nakakasuka.
"Bakit ako matatakot, bakit ko hahayaang umalis ako rito? Kung may alas naman ako para parehas silang mawala sa mundong ito. Takot lang nila kapag nalaman na ng lahat ang mga sikreto niya at tuluyan siyang mapaalis dito. Mga walang kwentang tao, makakaganti rin ako san'yo.
Babalik na ako sa ikahuling araw ng buwan, mawawala kayo parehas sa mundo ko. Hindi na kayo makikita at ni wala nang makakaalala sa inyo ni isa pa. Kahit sino pa sa mga nagmamahal sa inyo." Sabi niya sa isip.
"Babalik ako para sa madugong paghihiganti. Magpakasaya na kayo, parehas kayong mawawala. Masasaktan at magdudusa hahaha.."sabi niya saka siya tuluyang nagteleport para makalabas ng academy, sa huling sulyap ngumisi na lang siya at muling tumawa saka tuluyang umalis.
A/N
Comment na. Thanks sa lahat ng nagbabasa.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...