Chapter 11
Gabing gabi na, wala pa rin talaga yung babaeng yun. Dami na ngang tanong sa utak ko, dumadagdag pa siya. Saan kaya nagsusuot yun kapag gabi.
Habang nakatalukbong ako ng kumot, ay nagulat na lang ako nang may kumatok. Hindi naman kasi ugali ni Sowie ang kumatok, palagi lang siyang si pasok.
"Sino yan?" Sigaw ko. Saka tumayo mula sa kama, naglalakad na ako papunta sa pinto ng tumigil na ang pagkatok. Sino kaya 'to, gabing gabi na kaya. Pagkabukas ko pa lang laking bigla ko ng biglang pumasok si Brent.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko, habang papikit-pikit ang mata niya at pasuray-suray. "Lasing ka ba? May nakakalasing ba na dugo?" Ahh.. tanga! Ba't ko ba natanong yun?
"Anong ginagawa hik mo rito panget?" Sabi niya sabay sin-ok.
"Kwarto ko 'to, anong sinasabi mo d'yan? Ikaw! Ikaw ang bakit nandito?" Tumawa siya na bahagya na parang nang-iinis.
"Haha. Paano mang hik yayari yun?" Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya nang bigla na lang siyang sumandal sa akin.
"Hoy ang bigat mo!!" Reklamo ko nang marinig ko na lang na humihikbi na siya. Naiiyak ba siya o ano? Napaluhod siya sabay ang paghawak sa short ko. "Mahuhubuan mo ako, ano ba?" Habang hila ko pataas ang short ko. Nakita ko siyang umiiyak habang nakaluhod at nakahawak sa akin. "Problema mo?"
Pahikbi-hikbi pa siya na parang bata, saka siya dagliang nawalan ng malay.
"Hoy Yabang!" Sigaw ko sabay tapik sa mukha niya. Pero wala, ni hindi siya nagising tapos napakabigat pa niya para hilahin. "Bahala ka dyan!" Talikod ko, pero nakakakonsensya naman kaya, "AAAAHHH.. PASAWAY!" hinila ko siya papunta sa kama. Nakita ko ang mga luha sa mata niya. Anong problema ng bampira na'to.
Tinititigan ko lang ang gwapo niyang mukha, oo gwapo siya pero mayabang pa rin. Sino kaya yung babaeng humalik sa kanya kanina? Kukuha sana ako ng bimpo at tubig nang bigla niya na lang hawakan ang kamay ko.
"Ui.." sabi ko. Nang hilahin niya ako, at malapit nang dumampi ang mukha ko sa mukha niya. "Waahh.. ano ba?" Pagpupumiglas ko pero niyakap niya lang ako at dinantayan pa. "Aray.." nakita ko ang maamo niyang mukha nang malapitan. Ang gwapo! Ang sarap halikan ng namumula niyang labi.
"Tigil Lexie, tigil.." saka hinayaan ko na lang ang sarili ko sa ganitong posisyon.
"Mahal kita, mahal na mahal.." sabi niya na nagpabilis nang tibok ng puso ko. Tinignan ko siya na ngayon ay tulog naman. Sino kaya ang sinasabihan niya ng ganon, grabe! Bakit ako kinikilig, sigurado namang hindi ako yun.
-----
Kinaumagahan.
"Aray!" Sabay ang pag-unat ko, wala na pala siya sa tabi ko. Nasaan na kaya yun? Waahh. Anong feeling mo Lexie, asawa mo siya? gaga!
Papatayo na sana ako ng biglang pasok naman ni Sowie. Dali-dali ko siyang hinarap.
"At saan ka galing kagabi?" Tanong ko, ngumiti siya sabay kamot sa ulo.
"May ginawa lang kasi ako, gabi gabi ko ginagawa kaya lagi akong wala sa gabi.."
"Baka naman bampira ka na rin?"
"Huh? Hindi ah.. Saan mo nakuha yun? Tignan mo pa?" Saka siya ngumanga. Wala namang pangil kaya alam kong tao pa rin siya, pero nakakapagtaka pa rin e.
"Kung ganon.."
"Kanino 'to?" Sabay ang pagpulot niya sa isang kwintas. Hindi naman akin yun, kaya sigurado akong kay Brent yun.
"Sa akin yan!!" Sabay kuha ko, ayaw kong malaman ni Sowie na pumunta rito yung lalaking yun. Baka magalit pa siya sa akin, baka isipin niya pang may gusto ako sa mayabang na yun. Mahirap na.
"Ganoon ba, o siya sige tulog na ako." Sabi niya saka padive na humiga sa kama. Narinig ko na lang siyang humilik, kabilis naman niyang makatulog. Tinignan ko sa palad ang kwintas at may pendant na letter M.
----
Nakapag-ayos na ako, papasok na naman sa classroom na puro bampira ang kaklase. Ilang buwan na lang ba bago makagraduate, gagraduate kaya ako? Naramdaman ko na lang na may bumunggo sa akin mula sa likod.
"Hoy.." sabi kong mahina nang makitang si Brent pala yun, pero hindi na ako nakapagsalita nang may biglang umakbay sa akin.
"Kamusta polki?"
"Eerr.. Dylan?" Naiinis ako sa tuwing niloloko niya ako ng ganon.
"Kamusta naman ang weekend mo?" Tinanggal ko ang kamay niya.
"Masaya naman, ikaw? Hindi kita nakita ah." Bahagya siyang tumawa sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Bakit namiss mo ba ako?"
"Huh? Hindi ah.." sabay ang pagblush ko siguro. Narinig ko pa siyang tumawa. "Huwag mo nga ako tawanan." Singhal ko.
"Ang ganda mo ngayon." Sabi niya ulit, saka ako umiwas nang tingin.
"Huwag mo akong bolahin, mabilis akong naniniwala dyan." Narinig ko ulit siyang tumawa.
"Hahaha. Nakakatuwa ka talaga, pasok na nga tayo." Sabi niya kaya sabay kaming pumasok.
"Lexie, nagbreakfast ka na ba?" Tanong agad ni Kurt sa akin, sabay pakita niya nung siling katulad ng pinakain niya sa akin kahapon.
"Oo, huwag ka na mag-abala." Mataray na sabi ko, letse! Papakainin na naman ako ng sili.
"Aba, mukhang close ka na sa kanila ah." Sabi ng kapapasok lang na si Alex. May ibinigay siya sa akin isang bento box. "Pinagluto kita, sana di na kumulo yang tiyan mo, nakakaturn off sa isang babae."
"Waahhh.. Kailangan pa ba sabihin yun?" Sigaw ko, nang nagtawanan silang lahat. Ngayon katatawanan na ako sa mga loko-lokong ito.
Hinanap ng mata ko si Brent, ngunit wala siya sa loob. Akala ko ba nauna na siya sa akin dito, ibibigay ko sana yung kwintas e.
"Hinahanap mo si Brent?" Nagulat ako sa nagsalita sa harapan ko.
"Claude?" Nababasa nga pala nila iniisip ko.
"Bakit mo hinahanap si Brent?" Seryosong tanong ni Dylan. "Huwag mong sabihin may gusto ka sa kanya?" Sabi niya.
"Huh? Wala ah.." sabay ang pag-iling ko, pero seryoso pa rin nila akong tinitignan.
"Ayos lang yan, magkacrush ka sa lalaking yun." Sabi ni Xyrus. Umiling naman akong tinignan siya.
"Sa akin Hindi.." sabay-sabay nilang sabi maliban kay Xyrus na ikinagulat ko.
"Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ko. Nagkatinginan silang lahat. Pare-parehas kasi sila ng sagot e.
"Basta.." sabay sabay ulit nilang sagot. Napa" woooh" naman si Xyrus saka tumawa.
"Intense 'to hahaha." Sabi niya habang nagtataka pa rin ako. Anong sinasabi nila, anong ibig sabihin nun? Waaahh.. hindi kaya? Oh my Gosh, ang haba ng hair ko.
Ang gusto ko lang mahanap ang prince, wala akong balak na magkaroon ng boyfriend na bampira. Echos! Ang kapal ng fes. Hahaha.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...