Chapter 69

4.6K 184 12
                                    

Chapter 69

"Bakit ka pa lilipat?" Naguguluhang tanong ni Sowie, napatungo lang ako.

"Dahil gusto ko siyang makasama." Napatili siya kaya nabigla ako. "Ano bakit?"

"Kinikilig ako ayieeeehhhhh..." sinapok ko siya.

"Sira! Sige balik na ako sa kwarto niya." Tumango-tango naman siya habang tinutulungan niya ako magdala. Sabay na kami naglakad pabalik sa kwarto ni Brent. Nagkekwentuhan lang kami at nagtatawanan hanggang sa di na namin napansin na nasa tapat na pala kami.

"Kumatok ka na!" Habang kinikilig, napangiwi ako sa kanya. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas yung pinto.

"Waaahhhhh.." sigaw ko sabay takip mata.

"Bakit?" Titingin sana si Sowie pero naitulak ko siya. At nanlaki na lang ang mata ko nang napalakas pala yon, napaupo siya sa sahig. "A-aray naman Best."  Tinignan ko ang kamay ko kasi di pa rin ako makapaniwala.

"Paano?" Aniya ko. Agad ko siyang tinulungan at halatang nananakit ang kanyang balakang.

"Ano bang nangyari?" Paglabas ni Brent sa pinto, tinakpan ko ang mata ni Sowie.

"Hoy! Magbihis ka na nga!!" Sigaw ko, nang itulak ko siya bahagya.

"Haha.." tawa pa niya, nasapo ko na lang ang noo ko. Letseng mga bampira talaga 'to, ayaw muna magbihis. Gusto pa ipakita ang katawan.

"Sorry Best ah." Tingin ko muli kay Sowie, tumango naman siya sabay ang paghimas sa may puwitan niya. "Sorry talaga.."

"Oo naman Best, alam ko namang nabigla ka lang."

"Ihatid kaya kita sa clinic?"

"Huh? Grabe ka naman, hindi na! Sige balik na ako sa kwarto natin dati." Tumango na lang ako sabay tinignan siyang paika-ikang naglalakad. Tinignan ko muli ang kamay ko dahil di pa rin ako makapaniwala. Ano bang nangyayari sa akin?

"Ano? Halika na sa loob!!" Sabay hila sa akin ni Brent na ikinabigla ko sabay sarado niya ng pinto.

"Gago!" Singhal ko, ngumisi lang siya sabay nag pogi sign pa. "Oh di ikaw na, hiyang hiya naman sila sa'yo." Mataray na pagkakasabi ko nang tumawa siya.

"Bilis mo kasi akong mamiss." Napangiwi na naman ako, nang marinig ko na lang na bumukas yung pinto. "Sige alis na muna ako."

"Aalis ka na agad?"  Ngumisi pa siya na ikinainis ko. "Pft. Sige umalis ka na, kung anong kayabangan na naman ang iisipin mo!" Singhal ko. Saka siya tuluyang lumabas, saan na naman kaya siya pupunta. E kung masundan kaya?

Lihim akong napangiti sabay ang pagbukas ng pintuan, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan nang makita ko siya. Agad akong patakbo pero dahan-dahan para di niya mapansin. Nakasunod lang ako at patago-tago nang lumilingon siya minsan pero nakakapagtago naman ako kaagad. Hanggang sa makalabas kami.

Naglakad-lakad pa siya hanggang sa papunta na siya sa may gubat. At mapunta kami sa isang lawa, kitang-kita ang bilog na buwan sa tubig nito. Nakita ko siyang tumingala, habang ako nakatago sa may puno na bigla na lang naglipidan ang mga alitaptap na nagbibigay ilaw sa puno.

"Wow." Mahinang sabi ko, nang maramdaman kong nasa likod ko na si Brent.

"Bakit ka nandito?" Waahh.. Patay! Pero ang ganda talaga ng nakikita ko ngayon.

"So-Sorry.." bahagya akong tumawa saka tumingin sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang nakangiti sa akin.

"Panget! Aaminin ko na." Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon