Chapter 46

4.9K 218 11
                                    

Chapter 46

Brent POV

"Di ka talaga uuwe?" Sigaw niya sa tenga ko, natulig naman ako dun.

"Hindi ako bingi! Tsk.. hindi pa ako uuwi hanggang di ko pa alam kung paano ko siya mababawi."

"Bahala ka!" Sabay ang pagkibit balikat niya. "Kung di lang ako isang kaluluwa, sasapakin kita hahambalusin kita sa lupa ng ilang beses."

"Bakit sino ka ba para gawin yun sa akin.."

"Ako ay siya! Basta umuwi ka na kaagad, huwag mo siyang hayaang masaktan ah." Saka siya lumipad at umalis muli sa paningin ko. Hindi ko siya kilala, ni hindi ko pa alam kung anong pangalan nun. Para siyang konsensya nang babaeng yun na sumama lang sa akin. Bakit ganon, pakiramdam ko siya yun.

Binato ko sa ilog ang maliit na batong napulot ko. Sabay tayo at langhap ng sariwang hangin. Babalik naman ako e, pero sana mabawi pa kita, pero..

"Ang nahawakan na nang kamay mo, huwag mo nang bitawan dahil baka maagaw pa siya ng iba sa'yo at yun ang pagsisihan mo. Kung pagbibigyan ako, hinding hindi ko na siya bibitawan, hindi ko na siya pakakawalan." Tumingin ako sa buong paligid sabay ang malaking pagngiti. Narealize ko lang talaga na sobrang mahal kita Panget dati pa.

Kaya di ko hinayaang makasama si Maureen sa kwarto ko at ikaw ang pinili ko. Mas gusto pa kitang makilala pero nang dahil sa katangahan ko, lumayo ka tuloy at naagaw pa nang iba. Sorry Gago ako..

----

LEXIE POV

"Kurt?" Tawag ko kay Kurt pero di niya ako pinapansin, nagtuloy lang siya ng lakad hanggang sa di ko maabutan. Nakita ko naman si Jules na kasama si Ria, agad ko silang nginitian pero ni hindi nila ako nasuklian. Anong nangyayari sa kanila.

"Alex?" Nilagpasan niya lang ako, ano bang nangyayari. Nakita kong palapit sa akin si Maureen. Nakangisi siya habang may kasama pa siya sa likod niya.

"Mukhang di ka na pinapansin ng mga kaibigan mo ah, nasaan na ba ang pinagmamalaki mong boyfriend?" Sabi niya, tinignan ko lang siya ng masama sabay talikod sa kanya nang maramdaman kong hinihila niya na yung nakapony tail kong buhok.

"Aray! Bitawan mo nga ako!!" Hinigit niya pa lalo kaya lalong sumakit nang ilapit niya yung mukha niya.

"Wala nang magtatanggol sa'yo, masasaktan na rin kita ng husto! Malandi ka kasing panget ka! Gusto mo lahat iyo na lang, napakalandi mo!!" Sabay ang malakas na pagsabunot niya, pinipigil ko naman pero hindi ko talaga kaya.

"Tama na! Aray ano ba?" Sabi ko pero narinig ko lang siyang tumawa, binitawan niya naman pero kasunod nun ang pagsampal niya ng malakas sa mukha ko. Hawak hawak ko yun habang kita ko ang pagngisi niya. "Anong problema mo?" Sigaw ko.

"Ikaw! Malandi ka! Inagaw mo si Brent!!"

"Hindi naman ako mahal ni Brent!!" Sigaw ko, nang nandulat ang mata niya sabay bahagyang pagtawa.

"Oo, tama ka naman! Hindi ka niya dapat minahal dahil panget ka! Pero ang nakakainis, bakit niya piniling makasama ka imbis na ako!! D*mn you Lexie, you ruin my life. Wala na sa akin si Brent!!" Mangiyak ngiyak na siya pero maarteng pinahid niya lang yun sabay ngisi sa akin. Dinuro niya pa ako. "Kung ako sa'yo, huwag ka nang lalayo sa boyfriend mo dahil gagawin kong impyerno ang malafairy tale mong buhay.." saka siya tumawa, "tara na nga girls.." naiwan akong nakatayo habang gulong-gulo ang buhok ko. Maraming nakatingin sa amin, pero ni isa walang tumulong sa akin. Nakita ko pa sila Kurt na nakatingin pero tumungo lang sila nang makita akong nakita sila saka sila umalis.

Anong nangyayari, bakit hindi na nila ako pinapansin? Nasaan ba si Xyrus, si Dylan, at nasaan ka na ba Claude, pati ikaw Brent, sana bumalik ka na.

Pumasok ako sa C.R at inayos ang sarili ko, nang biglang may pumasok na mga babae. Nagtatawanan sila nang tignan nila ako ng masama.

"Mag-isa lang yung malanding panget oh."

"Oo nga.." sabay ang pagngisi nila, nakita ko silang kumuha nang balde na may tubig at binuhos nila sa akin yun. Nagtawanan pa sila.

"Hahaha.. basang malansang isda na siya!!"

"A-ano bang ginawa ko sanyo?"

"Lalaban ka pa, e kung pinapatay ka namin ngayon!?" Natakot naman ako sa mga sinabi nila, saka sila nagtawanan. Kung hindi lang sila mga bampira, napagsasapak ko na sila. Halos madulas-dulas akong lumabas ng C.r nang may biglang bumato sa akin ng itlog.

"Shit!" Sabay pagpag ko ng kamay ko, narinig kong nagtatawanan yung mga babaeng nasa harapan ko.

"Anong ginagawa niyo??" Sigaw na nagpangiti sa akin, si Claude na ngayon ay nakaalalay sa akin. Nagtakbuhan naman yung mga babae, at tinignan ako ni Claude na halatang naaawa siya sa akin. "Ano bang? Sinong may gawa nito sa'yo? Sinong may pakana?" Tanong niya pero umiling lang ako.

"Nabasa lang kasi ako sa C.R, tapos natamaan lang nila ako kasi nagbabatuhan sila ng itlog." Saka ako ngumiti, hinawi niya ang buhok na humaharang sa mukha ko. Saka niya ako inalalayan.

"Magbihis ka na, baka magkasakit ka pa." Tumango na lang ako, at sabay kaming pumunta sa kwarto niya. Nang makita namin sa tapat nito si Alyana, ang babaeng mahal niya dati. Tumingin ito sa aming dalawa, nakita ko ang pagkunot ng noo ni Claude.

"Claude! Hindi pa tayo tapos mag-usap!!" Singhal nito, nanlaki naman ang mata ko. Kaya ba hindi ko siya makita kanina dahil kausap niya ang babaeng yun.

"Wala tayong dapat pag-usapan pa! Di ba sinabi ko sa'yo, may mahal akong iba! At siya yun.." sabay tingin sa akin ni Claude, ngumiti lang ako pero di ko maiwasang mag-isip nang iba. "Magtiwala ka lang, mahal kita Lexie.." tumango na lang ako habang pinipigil ang mga luhang puno ng kagalakan.

Nakita kong nagwalk out si Yana, nakita ko rin si Kurt na sinamahan niya. Si Kurt, di niya na ako pinapansin dahil ba nandyan na si Yana pero bakit sila Alex ganon rin, tapos si Jules rin at Ria. Nalulungkot naman ako, si Claude na lang ang nag-iisang kasagpi ko, sana lang di niya ako iwanan. Umaasa ako sa pangako niya.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at pumasok na kami sa loob. Agad akong pumunta sa C.R para maligo na, alam ko namang hinihintay niya lang ako sa labas. Nang matapos ako, agad akong nagpalit. Lumabas na ako nang mabangga ang mukha ko sa isang bouquet ng bulaklak.

"Para sa'yo.." napangiti ako nang makitang nakangiti sa akin si Claude, agad kong hinawakan yung bouquet.

"Salamat.. Pero nakakainis lang ah, bakit sa mukha ko talaga?" Napakamot siya sa batok sabay bigay ng malaking ngiti.

"Sorry.. Mahal na mahal kita Sweetybabe ko, kaya sana magtiwala ka lang sa akin. Di na kita iiwanan para di ka na muling masaktan."  Ngumiti na lang ako at tumango. Niyakap niya ako ng mahigpit, kinikilig pa rin talaga ako. Masyado lang talaga akong nega, alam ko namang hinding hindi niya ako iiwanan.

"Mahal na mahal din kita sweetybebe ko.." sabay ang pagsmack kiss sa kanyang labi. Magkasabay kaming lumabas sa kwarto nang mga may matang mapanghusgang nakatingin sa akin ngayon, pero di ako natatakot dahil nandito lang si Claude sa tabi ko. Magtitiwala lang ako sa kanya, alam kong hindi niya ako iiwan kahit kailan dahil alam kong mahal niya ako.

A/N

Comment na.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon