Chapter 5
Di ako maniniwala! Di ako makikinig! Sa mga pinagsasabi nung mga lalaking yun. Pinagtitripan lang nila ako, yun lang ang alam ko. Hinding hindi ako maniniwalang type nila ako.
"Waaahhhh.. DiyosKopo!" Sabay hilamos ng palad ko sa mukha ko. "Iligtas mo po ako sa tukso.." sigaw ko pa habang nakaupo sa may bench dito sa may labas katapat ang mayabong at malaking puno ng ewan ko.
Biglang umihip ang malakas na hangin, na halos tangayin ang mahaba kong buhok sa kaliwang direksyon. Hinawi ko na lang saka umihip ng hangin sabay ang malayang pagtayo.
"Panget?" Narinig ko mula sa likuran ko. "Umupo ka ba sa paborito kong upuan?" Napangiwi ako sabay tingin kay Brent.
"Okay! Okay I'm sorry sa pag-upo ko sa mahal mong upuan." Sabi ko sabay taas nang magkabilang kamay na para lang akong sumusuko.
"Nagtatanong lang naman ako, panget na'to." Sabay ngiwi niya din at upo sabay higa sa upuang inupuan ko. "Umalis ka na nga, pumapanget ang view.." sinimangutan ko siya at padabog na tinalikuran.
"Panget ka din.. Ang kapal ng mukha." Saka ako umalis, nasulyapan ko pa siyang naglagay ng notebook sa mukha niya. Ano kayang paborito ng mga bampira, saan sila kumukuha ng dugo?
"Gusto mo ba talagang malaman?" Nabigla na lang ako sa nagsalita sabay ang pagkabunggo ko sa kanya, Kay Dylan.
"I-ikaw?" Ngumiti siya sabay ang paghila sa kamay ko, papasok muli sa may malamansyong building. "Saan mo ko dadalhin?" Tanong ko.
"Gusto mong malaman di ba?" Sabi niya pa, umiling-iling ako.
"Waaahhh.. Hindi na lang! Hindi na lang pakiusap!!" Sabi ko, nakita ko na lang ang sarili ko na nasa kwarto na niya. Sinarado niya ang pinto niya ng malakas sabay isinandal niya ako sa pinto.
"Kung gusto mong malaman, ipaparamdam ko sa'yo.." sabi niya. Hinihigit ko ang kamay ko pero napakalakas niya. Nanghina na lang ang mga tuhod ko nang maramdaman ang paghinga niya sa may bandang leeg ko.
"Huwag na pls.." pangingiusap ko nang may biglang kumatok na alam kong kinainis niya. Napaupo na lang ako dahil sa panghihina. Tumulo na lang ang mga luha sa mata ko. Naiiyak na nga kasi ako.
"Sorry Polki.." sinimagutan ko siya sabay ang pagsinghot ng uhog at pagpahid sa mga luha ko.
"Buset ka! T-tinakot m-mo a-ako dun!!" Sigaw ko sabay iyak. Naramdaman ko na lang na yakap niya ako.
"Tahan na.. I'm sorry talaga.." sabi niya pa. Paayaw-ayaw pa ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. "Sorry na nga.." sabi niya ulit. Nag-iiyak na lang ako habang yakap niya ako. Kinabahan talaga ako dun, mabilis na tumibok ang puso ko dun. Dahil ba sa kaba o dahil ba sa hindi ko maipaliwanag.
Pinahid ko na ang mga luha ko, saka niya ako inalalayang tumayo.
"Punta na ako sa kwarto ko." Sabi ko nang buksan ko yung pinto, hinawakan niya muli ang kamay ko kasabay ang paghalik sa noo ko.
Kakaibang pintig ng puso ang nararamdaman ko ngayon. Parang di ako makahinga at parang gustong sumabog na lang ng puso ko. Letse! Ano 'to?
"Good night Polki.." pero di ko pa rin maiwasang mainis kapag tinatawag niya ako nun. Lumabas na ako ng kwarto niya ng padabog na naglalakad nang makasalubong ko si Brent Yabang. Nakasimangot siya sa akin, sabay ang pagbundol sa braso ko.
"Problema mo?" Sigaw ko, nang bigla na lang maglaho siya sa paningin ko. Nasaan na yung mayabang na yun? Basta naramdaman ko na lang malakas na hangin sabay ang waahhh.. may naramdaman nga ba ako sa labi ko. Ano yun?
Hindi ko na lang pinansin at tinungo ko na ang kwarto namin ni Sowie. Nakita ko siyang palabas ng kwarto.
"Sowie.." sabay ang pagkaway sa kanya. Ngumiti siya at nilapitan ako.
"Nakita mo ba si Brent?"
"Huh? Bakit mo tinatanong yung kumag na yun?" Tumawa siya sabay ang pagbulong sa akin.
"Siya yung crush ko, huwag mong ipagkalat ah." Nabigla lang ako sa sinabi niya.
"Bakit siya, e mayabang yun?" Tumawa lang siya sabay kindat sa akin.
"Basta gusto ko siya, o siya sige. Alis na ako! Hahanapin ko muna siya." Sabi niya ulit saka ako tinapik sa balikat. Hindi pa rin ako makapaniwalang may gusto si Sowie sa lalaking yun. E ang yabang nun, napakayabang.
Pumasok na lang ako sa kwarto ko at patakbong nagdive sa malaki at malambot kong kama. Nang bigla na lang may sumigaw.
"Waaahhhh.." sigaw nung isang boses nang lalaki, agad kong tinanggal ang nakatalukbong niyang kumot.
"A-anong ginagawa mo rito?" Naguguluhan kong tanong matapos siyang makitang nagtatago sa kama ko. Gulo-gulo ang buhok niya na para bang nakyutan ako sa kanya. Pero mayabang pa rin siya. Kumuha ako ng unan, at pinaghahampas siya. "B-bakit ka nandito? Umalis ka dito!! Layas! Layas!" Sigaw ko sabay hampas kay Brent na ngayon ay todo ilag.
"Tama na! Oo na, aalis na ako! Hindi ko naman akalaing kwarto mo na rin ang kwarto niya." Sabi niya pa, pero todo pa rin ako hampas. "Panget ka! Tumigil ka na!!" Sigaw niya kaya napatigil ako.
"Si Sowie ba, dun ang higaan niya.." sabi ko saka siya tumayo at ginulo muli ang buhok niya. Bumilis muli at parang may kuryenteng bumalot sa katawan ko sa simpleng gawi niyang yun. Tumingin siya muli sa akin, na kahit hindi nakangiti ang mga labi pero nakangiti yung mga mata.
"Di bale na lang.. Maliligo na ako kaagad! Mahawa pa ako ng virus mo." Saka siya tumalikod, dahil sa inis ko. Binato ko siya ng unang hawak ko.
"Buset! Kaw na nakikihiga, ako pa may Virus. Che!!" Sigaw ko sabay talukbong nung nagamit niyang kumot. Ang bango! Ang bilis nang pintig nang puso ko, napahawak na lang ako sa dibdib ko sabay ang pagyakap sa kumot.
"Waaahhh!! Hindi Maaari!!" Napasigaw ako! Ano bang iniisip ko, Bakit ko ba iniisip na mabango, e ang panget nun. Ang baho nun kasi ang yabang nun. Ahhh. Bakit kasi dito pa siya nahiga tapos iniwan niya pa yung amoy niya sa kama ko. Paano ako makakatulog nito. Mayabang na yun..
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...