Chapter 31Magtatlong buwan na pala kaming magkakilala ni Ria, hindi naman ako dapat matakot dahil alam ko naman, sigurado akong wala siyang gagawing masama.
"Magkita tayo mamaya sa may hallway, iintayin kita dun paglabas mo sa room niyo ah." Sabi niya sa akin, tumango na lang ako saka pumasok sa room namin.
Habang nakatingin ako sa harapan ng teacher namin na nagleleksyon. May bigla na lang pumasok sa loob na humahangos sa pagkahingal.
"Jules? Sino ba si Jules dito?" Tanong niya nang tinaas ko yung kamay ko. Agad siyang nagbuntong hininga sabay ang pagturo sa labas.
"Si Ria, yung girl friend mo daw.. Inaaway yung kaibigan ko, kung hindi mo siya mapagsabihan, ipapatanggal namin siya dito sa school.." sigaw niya na ikinagulat ko, nagtinginan din sa akin lahat ng kaibigan ko.
Sumama ako dun sa babaeng nagsabi sa akin, nakita kong sinasabunutan ni Ria yung babaeng nakausap ko lang kahapon. Agad akong lumapit para awatin sila, pero di ko magawang makapagsalita dahil mas natatakot ako na may masamang mangyari.
"Bampi, umalis ka dyan!! Malandi yang babaeng yan! Di dapat yan nalapit sa'yo, boyfriend kita!!" Sigaw niya, nang tignan ko siya ng masama sabay hinawakan ko siya sa kamay at hinila paalis dun.
Tumungo-tungo na lang ako dun sa babae at sa mga kaibigan niyang inaalalayan siya. Lahat sila galit sa amin ni Ria, pero di ko man lang masabing pasensya na. Hinila ko si Ria habang hinihigit niya yung kamay niya.
"Bitawan mo akoooo.. Di pa ako tapos sa babaeng yun! Papatayin ko siya.." yun ang ikinabigla ko sa nasabi niya, makakamatay siya dahil lang sa selos na yan na wala naman talaga.
"Tumigil ka na!!" Galit na sabi ko matapos ko siyang hilahin sa likod ng building ng school. Sinandal ko siya sa pader, habang nakakulong siya sa pagpatong ng kamay ko."Hindi ko na kaya!!" Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya.
"Jules?" Mahinang sambit niya, "sorry.. Sorry.. sorry, hindi ko talaga alam yung ginagawa ko, kapag may lumalapit sa'yo parang napupuno ng galit ang puso ko.."
"Hindi ko na kaya yung nangyayari sa'yo, ibang-iba ka na! Di ka na katulad dati.." ipinatong ko yung noo ko sa noo niya, "naiinis ako dahil kasalanan ko 'to, Pasensya ka na talaga.." pumatak na ang mga luha sa mata ko.
"Julessss.. Huwag kang umiyak, sorry na talaga.." sabi niya saka ko pinahid ang mga luha ko, nasuntok ko na lang yung pader dahil sa inis ko.
"Hindi ko alam, kung totoong mahal mo ba ako? O nahipnotismo ka lang nang boses ko. Kaya ayaw na ayaw kong magsasalita.." tinalikuran ko siya, naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.
"Sorry.." pero tinanggal ko ang kamay niya na nakayapos sa akin saka ko siya iniwan. Di ko alam kung kaya ko pa bang ipagpatuloy ito, o kailangan ko na talagang burahin lahat pero masakit lang.
----
Kinagabihan, di ako lumalabas ng kwarto. Ni hindi na rin ako pumasok sa klase kahit na sinabi niyang hihintayin niya ako pagkatapos nito. Hinanda ko na lang ang sarili ko sa posibilidad na mangyari, kahit masakit kailangan ko nang gawin.
Narinig ko na lang na may kumatok sa pintuan ko matapos kong makapagshower. Nagtapis na lang ako ng tuwalya sa bandang ibaba, sabay binuksan ko yung pinto.
"Jules, may sasabihin lang ako.." sabi ni Yana na nasa tapat ko ngayon, "makakau--"
"Kaya pala!!" Sigaw na narinig namin sa bandang unahan namin, "kaya pala! Hindi ka pumunta, kaya pala hindi mo na kaya dahil may mahal ka nang iba!!" Galit na galit na sigaw niya.
"Hindi, nagkakamali ka Ria, may sasabihin lang ako.." pagpapaliwanag ni Yana pero nabigla na lang ako nang mabilis na sunggaban niya si Yana sabay pagsabunot niya rito.
Binuhat ko si Ria para ialis sa pagkakasabunot niya kay Yana, gulo-gulo ang buhok ni Yana matapos niyang bitawan ang buhok nito.
"Bitiwan mo ako! Papatayin ko lang 'tong babaeng 'to!!" Nainis na ako kaya ipinasok ko siya sa kwarto.
"Tumigil ka na! Nakakasawa na! Di ko na talaga kaya!! Ayoko nang nagkakaganito ka kaya kailangan ko nang gawin ito, kahit sobrang sakit.. Mahal na mahal kita pero kailangan ko nang gawin ito, sorry pero paalam na.." sa isang kumpas ko, nahimatay siya at di na nakapagsalita pa. Ni hindi ko na siya pinagsalita ni isang salita, nakatulog siya ng mahimbing sa aking bisig.
Lumabas na ako ng pinto nang makita ko si Yana na inaayos pa ang buhok niya. Nakangiti lang siya, ngumiti lang din ako.
"Sorry ah.." tumango siya.
"Anong ginawa mo?"
"Wala na siyang maaalala, pagkagising niya.."
"Pero bakit mo ginawa iyon? Kaya mong pigilan ang kapangyarihan mo, totoo lang talagang mahal ka niya.." sabi ni Yana pero umiling ako.
"Pero hindi ganitong klase nang pagmamahal ang gusto ko.." tinalikuran ko na siya, hinatid ko na rin si Ria sa kwarto niya. Kinuha ko na rin lahat ng mga stuff toy na pwedeng magpaalala sa kanya sa akin. Kailangan niya nang bumalik sa dati, hindi yung nagmamahal siya pero alam kong kasinungalingan lang.
Matapos ko siyang ihatid, malungkot na bumalik ako sa kwarto ko dala-dala ang mga stufftoys. Hindi na rin ako makikipag-usap sa kanya at hindi niya na rin ako mapapansin. Masakit pero kailangan kong tiisin.
-----end----
"At yun na nga, bumalik na ako sa dati kong gawi. Di na rin naman niya ako napapansin." Nagulat na lang ako nang makita kong umiiyak si Lexie. Napangiti na lang ako sabay pahid ng mga luha niya.
"Waah.. Kawawa ka naman Perv.. Ang sakit nun.." ngawa pa niya na lalo akong natawa.
"Wala na sa akin yun.." nang pahirin niya rin ang kanyang mga luha sabay singhot ng sipon niya.
"Akin na yang kamay mo.." sabi niya ng seryoso, nagtataka ako pero binigay ko na lang nang bigla siyang tumayo at ilapit ang mukha sa may tenga ko.
"Makakausap mo na siya, huwag kang mag-alala.." nabigla ako sa sinabi niya, tumingin na lang ako sa kanya na ngayon ay nakangiti. "Testing mo bukas, huwag kang matakot magtiwala ka lang sa kanya, mahal ka nun.." sabi pa niya.
"Niloloko mo ako.." sabi ko nang mabigla na lang ako nang idikit niya sa akin si Hamtaro.
"Promise ko kay Hamtaro yan kaya kausapin mo na siya. Huwag nang patagalin pa.. Okay.." sabay bigay niya sa akin nun, naglakad na siya palabas ng kwarto. "Maraming salamat sa kwento mo Jules the Perv.." napangiti na lang ako sabay higa nang makalabas siya.
"Kakaiba ka talaga Flat.." napatagilid na lang ako sabay tingin dun sa stufftoy. "Sana nga kayanin ko.."
----
Kinaumagahan, may kumakatok sa pintuan ko kaya agad akong napabalikwas ng bangon.
"Flat bak--" natigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Ria sa harapan ko, napatakip ako ng bibig.
"Ah, ikaw ba si Jules? Sabi kasi ni Lexie na sa'yo daw yung panyo. Sa'yo ko na lang daw kunin kapag kinulit ko siya na labhan ko na lang.."
"Ahh.." di ako makapagsalita.
"Bakit ayaw mong magsalita?" Tanong niya, nang walang ano-ano, nayakap ko na lang siya.
"Ria.."
"Nagsasalita ka naman pala e. Namiss kita Bampi ko.." pumatak na lang ang mga luha ko. "Sorry, sorry kasi naging masama akong kasintahan sa'yo, na akala mo kasalanan mo lahat. Natakot kang magsalita sa lahat ng tao, pero wala kang dapat ikatakot. Mahal talaga kita una pa lang kitang makita.."
"Ria, salamat.." sabi ko nang magtaka na lang ako dahil bakit nakakaalala na siya. "Paanong naalala mo lahat.."
"Ibinigay sa akin ito ni Lexie.." nanlaki na lang ang mata ko nang makita ko yung underwear ko.
"Ba't nasa iyo 'to?" Sigaw ko nang may magtinginan saka siya tumawa.
"Kasi promising daw yan, makakaalala daw ako.."
"Baliw talaga yang Flat the perv na yan.." pero napangiti na lang ako sabay tapon nung brief ko sa kama. Shit. Bastos na flat yun.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...