Chapter 77

5.1K 225 23
                                    

Chapter 77

Lexie POV

"Ano?" Takang tanong ko, nang kumamot siya sa ulo. At tila di mapakali. "Ano nga sabihin mo na?"

"Yung isa sa mga lalaking kadate mo dati, kaibigan ba ni Brent. Nasa school.."

"Yun lang pala e.." nang mapaisip ako, "ANO? SI CLAUDE?" sigaw ko kasi di ako makapaniwala. Nagtatago pa nga ako kasi nagpapractice pa ako tapos nasa school na din siya. "PAANO?"

"Aba, hindi ko alam! Nakakainis nga dahil nakita kong kasama niya si my future housewife." Sabay simangot niya.

"Sira ulo! Takot nga sa iyo e, tsss.. playboy ka kasi."

"Magbabago na ako!"

"Tse!! Papasok ba ako?" Pag isip ko.

"Pumasok ka!"

"Huwag mong basahin ang iniisip ko!" Nagpasya na lang akong magtuloy, pumara na ako ng sasakyan. Parehas na kaming sumakay, di pa rin mapakali ang mga daliri ko dahil di ko alam kung anong magiging reaksyon ko o anong magiging reaskyon niya kapag makita ako. Ano ba kasi? Bakit ka pa pumunta sa school, Yana. Ayan nasundan tuloy ako ni Claude. Tsss..

Dumating na kami sa school, yung kabog ng dibdib ko parang yung puso ko gusto nang lumabas. Unti-unti kaming naglalakad papunta sa room, napapatago lang ako sa likuran ni Gab.

"Itigil mo nga yan Lexie.." singhal ni Gab, nakurot ko siya sa tagiliran. "Aray! Grabe ka sa akin!"

"Pssst.. Hwag ka maingay! Ang kulit mo naman e." Ani ko, nang kumamot siya.

"Bakit ka ba kasi nagtatago?" Malapit na kami sa pinto ng classroom ng hinila ko siya palapit sa akin. Pasilip silip ako sa umpukang mga kaklase ko. Habang parang mga nauubusan ng hininga. Ganyan din naramdaman ko ng una ko silang makita.

"Anong pangalan mo?"
"Ang gwapo mo naman!"
"Shit! Akin ka na lang!!"
"Waaahhh.. ang gwapo!!"

Mga sinasabi nila sa lalaking snob sa akin nung una kong makita.

"Haha, pasensya na kayo pero nadalaw lang ako kay Yana saka.." nalungkot ako doon habang nakatago pa rin kay Gab, ng biglang tumahimik habang ako nakatungo. "Saka kay Lexie.." napatingin ako sa kanya, nakita kong humahawa ang mga kaklase ko at binibigyan siya ng daan.

Shit! Anong pakiramdam 'to habang nakatitig na naman siya sa akin. Natutunaw na naman ba ako. Ngumiti siya na makalaglag panty sa ilan pero sa akin hindi na. Minsan na siyang naging akin pero wala na.

"Kamusta?" Bati niya. Napatungo ako, di ko alam kung anong isasagot ko, nasaktan talaga ako sa ginawa nilang pagtalikod sa akin nung kaarawan ko matapos bumalik ni Yana.

"Sorry Lex.." napatingin ako sa kanya habang inggit na inggit yung mga kaklase ko. Nabigla na lang ako ng niyakap niya ako ng mahigpit, pinigil ko ang mga luha na gusto ngayong pumatak sa mga mata ko. "Sorry talaga, totoo niyan miss na miss ka na namin e."

"Huwag mong sasabihin nakita mo ako d-dito!" Masungit na pagkakasabi ko saka humiwalay sa kanya na siguradong ikinabigla niya. "Huwag mong sasabihin lalo na sa kanya."

"Kay Brent ba?" Tumungo siya saka ngumiwi, "sige! Hindi ko sasabihin, namiss kita sobra." Aniya niya. Ngumiti na lang ako, totoo naman talagang namiss ko siya.

"Lexie, pasensya ka na talaga sa akin non." Singit ni Yana, tumango na lang ako ng humarang sa akin si Gab at ngumiting manyak siya kay Yana.

"Ayos lang yun Yana, pinapatawad ka na niya." Sabay ang paghayag ulit ng kamay niya, pinalo ko yun kaya tinanggal niya. "Grabe ka talaga sa akin."

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon