Chapter 79
THIRD PERSON POV
"DUG DUG DUG DUG!"
"Huwag ka nga!!" Singhal ni Lexie sa binatang katabi niya, "alam mo na ngang kinakabahan ako. Gab, totoo ba talagang may eclipse mamaya?" Tanong niya. Tumango lang si Gab habang nakahawak sa baba niya.
"Wala tayong magagawa, space ang may gusto nun. At yung kuto kasi ang nakaalam nun, kung ako sa'yo tirisin mo yung kapatid kong kuto."
"Kainis ka! Wala kang naitutulong!!" Singhal niya saka palabas na ng pinto.
"Saan ka pupunta?"
"Magsasanay pa ako, baka kasi sa oras ng labanan saka pa mawala lahat ng ito." Aniya niya saka tumango si Gab, at humabol dito.
----
Nasa malawak na gubat sila, tinitigan niyang maigi ang mga palad niya at mariing pumikit. Inisip ang mangyayaring digmaan, ang posibilidad na mangyari. Nang may maramdaman siyang humawak sa balikat niya. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata at nakita niya ang nakangiting si Brent.
"Brent?" Naguguluhan niyang tugon. Nakangiti lang ito, sabay taas na kamao.
"Kaya mo yan! Magkikita pa tayo hindi ba?"
"Yabang?" Tanong niya ulit, "paano ka nakapunta dito, bakit ka nandito?" Nang tapikin siya ulit nito at tumalikod na sa kanya.
"Magkikita pa tayo Panget, at kapag nagkita tayo magiging masaya na ulit tayo."
"Bakit ka ganyan magsalita, huwag ka nang bumalik sa academy, mamamatay kayo dun! Dito ka na lang." Sabi ni Lexie sabay hawak sa kamay ng binata pero nanlaki na lang ang mata niya ng bigla itong mawala sa paningin niya.
"Y-Yabang! Breeeennnnttt?" Naguguluhan siya dahil parang nagpapaalam na ito sa kanya. Bigla na lang pumatak ang mga luha sa mata niya. Nang may tumapik sa mukha niya.
"Lexie? Lexie gising!!" Sigaw ni Gab sa kanya habang nawalan siya ng malay. "Gising!!" Minulat niya ang mga mata habang may mga luhang hindi napipigilang pumapatak sa mata niya.
"Si B-Brent.." nanginginig niyang sabi, "Si B-Brent, h-hindi n-naman s'ya m-mawawala di ba?" Mangiyak ngiyak nitong tanong. Nayakap na lang siya ng binatang si Gab.
"Hindi, ililigtas mo naman siya e.. Hindi siya mawawala.." tumango na lang si Lexie. "Pero bakit ka ba nawalan ng malay, ang alam ko nagcoconcentrate ka lang."
"Hindi ko alam. Basta na lang pumasok si Brent sa isipan ko, hindi ko akalaing nawalan na pala ako ng malay nun."
"Huwag ka kasing mag-isip ng negatibo, kaya mo yan!" Tumango na lang si Lexie kahit sobrang kaba at bigat ng kanyang nararamdaman. "Tara, mag ensayo na tayo." Hayag ni Gab ng kamay niya. Tumayo naman si Lexie, at muling pumikit. Minulat niya ang kanyang paningin at nakita niya mula ng malapit ang paru-parong sobrang layo ng agwat sa kanila.
"Itong kapangyarihan na'to, hanggang ngayon di ko pa rin mapaniwalaan." Bulong niya sa sarili. Tinitigan niya muli ang kamay niya at itinuro ang daliri sa gitnang bahagi ng puno. Nabutas yun sa gitna ng parang matulis na hangin lang ang tumama dito.
"Ang galing!" Sigaw ni Gab, napangiti na lang si Lexie. "Maghanda na tayo, malapit na ang pagdapit hapon." Suhestyon nito nang tumango lang si Lexie.
----
"Kung ako sa'yo mamahalin mo na lang ako, baka sakaling makaligtas ka pa?" Sabay ang pagdampi ni Maureen ng palad niya sa braso ni Brent. Nang mapangiti siya ng hawakan ito ni Brent, pero napangiwi din siya ng maramdamang hinihigpitan ito ni Brent. "Ouch! Aray!! Please stop Brent, it hurts!!" Sigaw niya ng bitawan naman ito ni Brent.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...