Chapter 73
Third PERSON POV
Hanggang ngayon di pa rin maintindihan ni Lexie ang lahat, tumayo siya mula sa kama at pinagmasdan ang buong palagid nang malawak na kwarto. Nakita niya ang ilang litrato nang nakita niyang babae sa kanyang isipan, nakita niya rin ang larawan siguro nang ama ni Brent. Napangiti siya at agad kinuha yun, dahil kamukhang kamukha nito ang binatang pinakamamahal niya.
"Kamusta na kaya sila? Masaya na siguro sila dahil nandon na ang babaeng tunay na minamahal nila." Pumatak ang mga luha sa kanyang mata nang may kumatok sa pinto at pumasok sa loob ang binatang si Gab dala ang isang tray ng pagkain.
"Umiiyak ka na naman! Hwag kang mag-alala, mahal ka non." Pinahid niya ang mga luha saka umiling.
"Paano pa niya ako mamahalin, nandon na ang totoo niyang mahal."
"Pft. Naguguluhan lang yon, halika na. Kumain ka na dito?" Aniya niya ng ibaba niya ang dala niyang tray sa lamesa. "Hwag kang mag-alala, bubugbugin ko siya para matauhan siya."
"Huwag naman! Bully mo talaga." Saka siya lumapit dito, natigilan na lang si Lexie nang idampi ni Gab ang palad nito sa noo niya. "Bakit?"
"Buti nakayanan mo, isa ka pa ring tao, pero taglay mo kapangyarihan katulad namin." Nanlaki lang ang mata nang dalaga. "Kaya hanga ako sa'yo ngayon, kain na! At may sasabihin pa ako sa'yo." Tumango na lang si Lexie at sinimulan ang pagkain.
Nakatingin lamang ang binata dito habang kumakain nang may kumatok.
"Ayan na sila.." aniya niya.
"Sino?"
"Pssstt.." tapat ng daliri niya sa bibig. Agad na pumunta si Gab sa may pinto at bahagyang binuksan ito. "Anong kailangan niyo?"
"Mahal na prinsipe, pinapatawag po kayo ng King." Kumunot agad ang noo ni Gab.
"Ano na naman bang kailangan niya?"
"Hindi ko po alam." Napasinghap na lang siya sa inis, at agad niyang sinaraduhan yung pinto. Tumingin siya kay Lexie na ngayon ay tapos nang kumain.
"May sasabihin ako sa'yo mamaya, pero hintayin mo muna ako dito. Huwag na huwag kang lalabas ng kwarto ko.. Okay, Lexie?" Tumango naman ang dalaga ng mawala na sa paningin niya si Gab. Nagtataka pa rin siya pero tumayo na siya at tumingin sa salamin na nasa harapan niya.
----
Samantala sa eskwelahan, lahat nag-aalala, lahat di mapakali. Nasapo na lang ni Brent ang noo dahil sa inis.
"Nasaan na ba siya? Bakit ko ba siya iniwan sa gitna ng kaarawan niya. Ang gago ko!" Sabay sabunot niya sa sarili. Naramdaman niya na lang na may humawak sa balikat niya.
"Okay ka lang? Pasensya ka na, kasalanan ko yon. Sumulpot ako sa mismong kaarawan niya." Unti-unti siyang tinignan ni Brent saka ito umiling.
"Hindi, kasalanan ko talaga Yana. Huwag mong sisihin ang sarili mo.." umupo sa tabi niya ang dalaga at ngumiti.
"Mukhang madaming nagbago." Sabay ang pagngiti niya, tinignan naman siya ni Brent. "Nagmamahal ka na ng totoo Brent, sayang lang nahuli ako.."
"Yana?" Ngumiti lang ang dalaga, at kinuha ang singsing sa daliri saka kinuha ang kamay ni Brent at nilagay niya sa palad nito ang singsing.
"Pero buti na lang nakabalik ako, maibabalik ko ang bagay na sobrang mahalaga sa'yo na alam kong ibinibigay lang sa taong mahal na mahal mo." Aniya niya.
"Yana?"
"Hay naku! Tawag ka ng tawag, hanapin mo kaya siya. At tigilan mo yang pagmumukmok dyan."
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...