Chapter 57

4.9K 200 5
                                    

Chapter 57

Nakasulat ang salitang "I love you. Napangiti ako pero agad akong tumingin kay Claude.

"Kahit pa gawin mo yan, hindi kita mapapatawad." Nang tumingin siya sa akin.

"Hindi ko ginawa yan." Pahiya ako dun, nagkibit balikat na lang ako.

"Hindi porke't nakikita mo, nakalaan na sa'yo. Hindi mo alam pagmamay-ari pala ng iba, pinapantasya mo pa. Edi ikaw na namang aasa-asa." Narinig ko unti-unting papalapit, Si Ania pala kasama si Dylan. At magkaakbay pa sila.

"Kanino ba yan?" Tanong ko

"Para sa akin yan, asa ka namang iyo." Awts. Prangkahin mo pa ako dali, Awst basag.

"Hindi ko naman inaangkin, sa'yong sa'yo na." Nang marinig ko siyang tumawa.

"Hahaha. I'm just kidding, wala namang hilig si Dylan sa ganyang mga bagay. Wala siyang mga ganyang effort pero love ko pa rin siya." Sabi niya sabay yakap dito.

"Kayo na sweet." Singhal ko.

"Polki, nandyan naman si Claude ah." Tinaasan ko siya ng kilay sabay taas din nang kilay kay Claude.

"Hindi pa sa ngayon." Sabi ko saka nilagpasan na sila. Hindi na ako lumingon, tuloy tuloy na akong naglakad papunta sa kwarto ni Brent. Nasaan kaya yung mokong na yun? Habang tinatahak ko ang papuntang kwarto, di ko maiwasang malungkot dahil tao lang ako nagcecelebrate ng pasko. Paano na lang mga aginaldo ko.

Nakatungo ako nang mauntog ako sa isang malaking kahon. May pulang ribbon itong nakapalibot, parang regalo lang pero bakit sobrang laki.

"Ano ba 'to?" Sabay pukpok ko sa kahon, nang biglang lumakad ito mag-isa na ikinagulat ko. "Hala!" Sigaw ko nang unti-unti ko siyang sundan. Kahit creepy gusto kong malaman, malay ko ba kung si Sta Claus 'to.

Nakarating kami sa malawak na soccer field muli. Unti-unting nabuksan ang mga spot light na nakatapat dun sa kahon. Unti-unti ring nabuhay ang iba't ibang kulay ng mga ilaw. Nabigla na lang ako ng lumabas si Sowie sa likod nang isang poste. Nakangiti pa siya sobra.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang tinuro niya yung kahon, bigla na lang nasira yun at halos masubsob si Kurt sa lupa. Habang yung sila Jules, Alex, Xyrus, init na init pero mas nabigla ako nang makita ko si Brent na may headband na tenga ng rabbit. Ang cute.

"Hoy! Kailangan ko pa ba talaga isuot ito?" Sigaw niya kay Sowie. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at nakita ko si Ria at Kaye sa likod ko. Mga vampires sila pero nay ganitong get up.

"Hahaha. Gusto mo siyang isurprise di ba?" Napatingin ako kay Brent.

"Oo na lang, kahit hindi." Sabi ni Brent sabay nguso, ba't ba ang cute niya ngayon. Napapangiti ako nang bigla na lang tumugtog yung isang kanta.

Np: TULAD MO BY TJ Monterde

Kumanta na siya pero napatawa na lang ako at pilit na pinipigilan dahil nag effort siyang kumanta kahit na d*mn! Ang lakas ng loob niyang kumanta, e sobrang sintunado niya naman.

Umubo-ubo pa siya kaya lalo akong natawa habang nakaback up lang sila Xyrus. Bakit may ganitong surprise, anong nakain niya?

Pero bakit sa tuwing naririnig ko yung lyrics na "O ang isang katulad mo, ay di na dapat pang pakawalan, alam mo bang 'pag naging tayo'y hinding hindi na kita bibitawan  aalagaan, di pababayaan pagka't sa akin ikaw ay prinsesa." Waahh. Bakit parang may kahulugan yung lyrics na yun para sa akin. Di naman siguro, pero bakit kinikilig ako?

Natapos ang kanta, nang sobrang laki lang ng ngiti ko ngayon. Niyakap pa ako ni Sowie sabay bulong sa akin ng "Merry chrsitmas Best."

"Merry christmas rin." Bulong ko nang makita kong tinapon ni Brent yung headband na may tenga ng rabbit sabay pinagtatapakan ito. "Anyare?" Tanong ko kay Sowie nang umiling lang siya.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon