Chapter 65
Lexie POV
Ika-3 ng enero, ilang araw na lang ba ilalagi ko rito tapos sa ikasampu pa yung kaarawan ko. Pero nangako ako kay Brent, di ako aalis dito. Hays kailangan ko pa bang isulat sa diary'ng ito lahat nang mga nangyayari sa akin ngayon. Matutuloy kaya yung pag-alis ko, e siya kaya saan kaya pupunta?
Habang nakaupo ako rito sa may kama at nakaipit sa pagitan ng tenga ko yung ballpen. Bigla na lang may kumatok sa pinto ko kaya agad kong binaba yung notebook, at agad na binuksan yung pinto.
"Patawarin mo na akoooo!!" Napangiwi kaagad ako ng marinig ang boses niya.
"Tse! Hindi na kita kabati, Kurt!" Singhal ko habang may tinatago siya sa likuran niya. Sinisilip ko pero parang isang bocquet lang.
"Patawarin mo na ako! Eto oh, pinagdala pa kita ng paborito mo!!" Umalingasaw ang amoy ng sili matapos niyang ilapit sa mukha ko yung bocquet ng puno ng sili na puno ng bunga, na pulang pula pa.
"Waahhh! Ayoko nan!! Sira ulo!!" Sigaw ko, sabay tingin niya ron.
"Favorite mo naman 'to di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay nang may maisip akong kalokohan. Ewan ko ba kung anong itsura ng pagngiti ko ngayon, pero siguro mukha na akong demonyita.
"Papatawarin kita sa isang kondisyon!" Singhal ko sabay sipol pa nang lumuhod siya na ikinagulat ko.
"Oo kahit ano.." napangisi ako.
"Tumayo ka na nga dyan! Ang kondisyones ko ay..." medyo pinatagal ko pa habang siya tumayo at nakatunganga sa akin habang nag-iintay nang kondisyong sasabihin ko. Kinuha ko yung bocquet ng sili. "Itong lahat.."
"Ano?"
"Kakainin mo 'to lahat!!" Nakita ko ang paglaki ng mata niya at napanganga rin siya. Gusto kong matawa, pero pinigil ko na lang. "Ano, gagawin mo ba para mapatawad kita?" Hinawakan niya ako sa kamay.
"Huwag naman yan! Iba na lang.." pumasok na ako sa loob ng kwarto at isasarado na nang huling sumulyap pa sa kanya. Nang lihim akong mapangiti dahil hinarang niya yung kamay niya. "Oo na! Gagawin ko naaaa!!" Naghihinagpis niyang tugon.
Lumabas na ako ng kwarto at hinila na siya papasok sa classroom. Habang dala-dala niya yung sili, pft. Gusto ko sana kahit ngayon lang, bumalik ako sa dati na puro kalokohan lang ang alam.
"Ano yan?" Tanong ni Claude. Nang ipakita sa kanya ni Kurt yung sili, napatingin ako kay Brent. Ano kaya, ito na lang ang ibigay ko sa kanya tutal gusto niya ng bocquet. Haha.
"Alex, gawin mo namang hindi mahanghang 'to, bago ko kainin.." paghihinagpis ni Kurt. Napatingin si Alex.
"Wala akong magagawa dyan!" Singhal niya sabay layo.
"Lagyan mo kaya ng asukal pre." Sabi naman ni Jules.
"E ba't mo nga ba kakainin yan?" Tanong naman ni Dylan, ngumuso si Kurt paturo sa akin at nagtinginan sila sa akin. Pumamaywang lang ako sabay nagpeace.
"Kung gusto niyo, tulungan niyo na lang siyang ubusin yan!" Suhestyon ko nang nagsilayo sila.
"Mga wala kayong kwentang kaibigan! Iligtas niyo akoooo!!" Para namang ang sama ko na, pero napapangiwi na lang ako. Ako pa si Lexie, na puro kalokohan kahit nabubully. Haha. Pft.
"Habang walang teacher, sisimulan na natin ang deal. Okay ba?" Umiling-iling pa siya. "Bahala ka! Forever na akong galit sa'yo hanggang sa mamatay na ako." Sabay nguso ko.
"Huwag mo nga sasabihing mamamatay ka." Singhal nang lumapit na si Brent. "Kainin mo na yan Kurt, nang makaganti naman." Sabay ngiti niya habang ako nakatitig lang sa kanya. "O ano, may dumi ba sa gwapo kong mukha?" Natauhan ako sa kayabangan niya.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampireWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...