Chapter 22

6.3K 283 11
                                    


Chapter 22

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko habang ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko. Bakit ba ako nakatulog, nakita ko lang naman yung pagtingin nung lalaking yun, bigla na lang akong nakaramdam ng sobrang pagkahilo at antok.

"Okay ka lang Lexie?" Tanong ni Sowie sabay hawak sa kamay ko, "pinag-alala mo kami, nakita ka na lang namin sa backstage na walang malay.." Unti-unti akong umupo nang inalalayan niya ako.

"Nasaan ba ako?" Tanong ko, nang tumingin ako sa buong paligid.

"Nasa kwarto ka ni Brent.." nanlaki ang mata ko at dali-dali akong bumaba.

"Bakit nandito ako?" Tanong ko, tumungo siya at tila nalungkot. "Nandyan na yung may ari ng kwarto mo. Nandyan na si Maureen.."

"Si Maureen? Ilang oras ba akong tulog?" Nanlaki ang mata niya.

"Anong ilang oras, isang araw ka nang walang malay. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa'yo?" Napakagat ako sa kuko.

"Pero, si Fionna, nasaan na siya?" Tanong ko, nang muli siyang tumango.

"Hindi na siya nakita. Walang nakakapagsabi kung nasaan siya, ang tagal na siyang hinahanap ni Claude." Sabi niya na ikinagulat ko, saka ako dali-daling tumayo.

"Dalian natin.." sabi ko saka dali-daling tumayo, medyo nakaramdam pa ako ng hilo. Pero pinilit ko na lang hanggang sa alalayan ako ni Sowie.

"Saan ka ba pupunta?" Tanong niya, hinawakan ko siya sa kamay.

"Kung saan nawala si Fionna, kung saan ko siya nakitang sinakal nung lalaki ngunit alam kong bampira dahil sa mga pula niyang mata at mga pangil.."

"Bampira? Mga masasamang bampira?" Tanong niya ulit, tumango lang ako saka kami tumakbo papunta dun sa auditorium. Pero di pa kami nakakapasok, nanghina na ang mga tuhod ko sa nakita ko. Ilang pagitan rin sa amin dalawa ni Sowie, si Brent kasama niya yung babae. Napakaganda nga naman talaga nung Maureen, wala naman akong panama sa kanya dahil panget ako.

Mabagal lang kaming lumakad habang nakatungo ako. Ayokong mapansin, huwag niyo akong pansinin dahil baka maiyak lang ako.

"Panget, gising ka na?"

"Sabing huwag mo akong pansinin!!" Sigaw ko na iknagulat ko rin. Sabi na kasing huwag akong pansinin e. Nakita ko namang tumawa yung babae pero ang hinhin naman. Parang sobrang sosyal ng pagkakatawa niya.

"Brent, kaibigan mo ba siya? She's so funny.. mukhang may nakatapat ka  nung nawala ako." Sabi nito saka tumingin kay Brent.

"Hindi ano? Kailan ba may nakatalo sa akin." Pagyayabang niya kaya nainis ako.

"Hoy! Mayabang na ito.. Makaalis na nga.." sabay ang paghila ko kay Sowie. Napatungo na lang ako habang ramdam ko pa rin ang sakit dito sa puso ko. Muli ko pa silang sinulyapan na ngayon ay nakangiti sa isa't isa. Napakuyom na lang ako ng kamao hanggang sa maramdaman ko ang kirot sa may bandang leeg ko.

"Lexie?" Nakasalubong namin si Claude, mukhang balisa siya at siguradong hindi pa ito nagpapahinga sa paghahanap kay Fionna.

"Nakita ko si Fionna.." sabi ko nang lumapit siya sa akin. "Pinatay siya nung bampira, sa pagkakaalam ko masamang bampira yun. Kitang-kita ko ang unti-unting paglaho ng katawan niya." Sabi ko nang nagpagulat sa kanilang dalawa, si Sowie at si Claude.

"Ang mga gagong yun! Hindi ko sila mapapatawad." Tinignan ako ni Claude, "wala bang nangyari sa'yo, okay ka lang ba?" Tanong  niya.

"Oo, okay lang ako.." pero di ko maipaliwanag ang pagsakit ng katawan ko pagkagising ko at saka yung kirot sa may leeg ko.

"Mabuti naman! Mapusok sila, kailangan layuan mo sila dahil baka kontrolin ka nila." Sabi niya na nagpanginig sa buong katawan ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Once na nakagat ka nila, magiging bampira ka na rin na hayok sa dugo ng tao. Iingatan ka namin Lexie, huwag ka mag-alala."

"Pero?"

"Pero ano?" Tanong ni Sowie, "huwag mong sabihing?" Umiling-iling ako.

"Hindi ah.. Hindi!!" Sabi ko, sabay pilit na wala lang 'tong nararamdaman ko. Malakas ako, di ako papayag na makontrol kung sakali mang kinagat ako nung bampirang yun. Ayokong maging bampira, natatakot ako na masaktan ko ang mga tao.

"Ipagbibigay alam ko lang 'to kay Miss Head.." sabi ni Claude saka mabilis na nawala sa paningin namin na para lang isang hangin.

-----

"Ayoko!" Sabay hila sa akin ni Sowie papasok sa kwarto ni Brent. "Ayoko nga sabi!!" Sigaw ko ulit nang bigla ko na lang maramdaman na may humawak sa akin. Unti-unti akong napatingin sa kanya.

"Pumasok ka na.." sabi ni Brent pero umiling ako.  "Panget, pumasok ka na!!" Sigaw niya kaya ayun pumasok na ako.

"Bakit ba ako nandito?" Sigaw ko habang nagpupumadyak.

"Huwag ka ngang isip bata!" Singhal niya.

"Alis na muna ako.." sabi ni Sowie saka papalabas ng pupuntahan ko sana pero hinarangan ako ni Brent kaya nakalabas si Sowie.

"Ano ba?" Sabi ko nang bigla niya akong hilahin saka mapayakap sa kanya. Sabay ang paghawi niya ng buhok ko sa may leeg ko. "Anong? A-anong?" Sabi ko.

"You're a Vampire.." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya sabay tulak sa kanya na hindi ko alam na napalakas. Napatingin na lang ako sa palad ko sabay ang paghipo sa leeg ko. Nanlaki na lang din ang mata ko ng maramdaman ang dalawang maliit na sugat na magkalapit.

"H-hindi! Hindi ako pwedeng, hindi ako pwedeng maging bampira.." sigaw ko sabay unti-unting napaluhod. "Ayoko!" Sabay patak ng mga luha ko.

"Ayaw mong maging bampira, pero bakit mo piniling pumunta sa lugar na ito?" Tanong niya na nakakainis, kaya tinignan ko siya ng masama. Ang feeling ko may nagbago sa paningin ko.

"Hindi ko gusto pero ginusto ko na rin kasi mababait kayo. Mas naramdaman kong tao ako dito dahil sa pagtanggap niyo sa akin." Unti-unti siyang lumapit sa akin, sabay naramdaman ko ang pagyakap niya.

"Hindi ka bampira, joke lang yun." Sabi niya, na nagpagulo sa utak ko.

"E ano to?" Sabay hipo ko dun sa dalawang tuldok na sugat sa leeg ko. Nang makita ko na lang na unti-unting napupunta sa kamay ko yung kadiring ewan na nasa leeg ko. "E kung hindi ako bampira, bakit ang lakas ko?"

"Ang galing ko lang umarte, pasensya na.." sabi niya kaya nasapok ko siya.

"Kung ganon, acting lang lahat?"

"Hindi! Sinundan kita nung umalis ka tapos nakita ko na lang na yakap-yakap ka niya. At malapit ka na niyang kagatin.."

"Tapos?"

"Wala ka na dun.." sabi niya na nagpainit sa ulo ko.

"E bakit ang sakit ng katawan ko?"

"Hindi kita mabuhat, hinila kita.."

"Whaaaatt?" Sigaw ko. Nang tumawa siya, kala mo nakikipagtawanan ako. Gago nito.

"Joke lang. Siguro dahil sa paghypnotize sa'yo nung masamang bampirang yun.. Kaya di kinaya ng normal mong katawan panget."

"Bakit nakirot din ang leeg ko?" Tanong ko.

"Stiffneck lang yan.."

"Ewan! Bakit ako nandito sa kwarto mo?" Tanong ko, nang ngumisi siya.

"Kasi roommate na tayo.."

"Anoooooo????" Hindi ko kaya, paano na lang kung matukso ako, e hindi siya pala. Sakmalin na lang ako.

"Bawal ka na dun sa kwarto mo, nandon na si Maureen. Kung gusto mo palitan kayo?" Lumihis ako ng tingin, huwag niyong isiping makasarili ako pero...

"Sige, huwag na lang.." nasabi ko ba talaga yun.

A/N

Comments kayo. T.Y

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon