Chapter 6Patapos na ang klase nang may dumating na babaeng mukhang sosyalin. Maputla rin, obvious na isa ring bampira.
"Wait lang Mr. Teacher.. Nandyan ba si Claude?" Tanong niya kaya napatingin ako sa lalaking tinutukoy niya. Nakapangalumbaba lang ito habang nagngunguya pa rin ng bubble gum. Nagbabago kaya siya ng bubble gum, o yun pa yun nung isang araw. Eeeww.. naman kung ganon.
Tinignan niya ako ng masama. Shet! Oo nga pala, nababasa niya iniisip ko. Tumingin siya sa akin sabay tayo.
"Halika?"
"Huh? Saan?" Tanong ko, pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila patayo saka hinila palabas ng room. Nakatingin lahat sa amin pero mas nakatingin sa akin yung babaeng sumundo sa kanya.
"Claude, who is she?" Tanong nung babae.
"Don't mind her.." saka kami nagtuloy maglakad. Pilit kong hinihila yung kamay ko, pero di ko talaga kaya ang mga lakas nila. Dumating kami sa auditorium. Napakalaki tapos may ilan pang mga lalaki ang nasa harap ng stage. May mga intrument tulad ng drums, at yung isa may hawak na gitara.
"Marunong ka ba kumanta?" Tanong sa akin ni Claude. Nagtataka pa rin ako pero hinila niya ako paakyat ng stage.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko, basta na lang niya binigay sa akin yung microphone at binigay sa kanya nung babae yung electrical guitar. "Bakit ko hawak 'to?" Sabi ko pa.
"Kakanta ka.." sabi niya na ikinagulat ko.
"Hindi ako marunong!!" Ani ko, di niya ako pinansin at sinimulan niyang tumugtog kasabay na ang ilang ngumingiti lang sa akin.
"Kaya mo yan!!" Sigaw pa nung nagdadrums. Para lang siyang normal kasi di naman siya kaputlain. Tapos sumenyas siya at bumulong na tao lang din siya.
Pero kahit na! Hindi ako marunong kumanta. Nasa baba ng stage yung babae na nakatingin nang masama sa akin. Nang tumugtog na ang kantang More than words.
Saying I love you, is the words I want to hear from you.
It's not that I want you not to say, but if you only knew.
How easy it would be to show me how you feel..More than words..
Sumabay na akong kumanta kahit di ko alam. Syempre echos lang yun. Paboritong kanta ko kaya ito. Pero grabe, nakakainlove yung boses niya. Haha. Ngumingiti pa siya sa akin kapag napapatingin ako sa kanya. Pilit na lang akong ngumingiti sabay tingin sa harapan.
Napapaiwas naman ako ng tingin dun sa babae kasi ang talim talaga ng tingin niya, nakakamatay. Nang matapos kami ay agad na bumaba si Claude sa stage.
"Ang galing mo pa lang kumanta e. Kahit na sabi ni Boss Brent na panget ka." Ahh.. Kailangan pa bang sabihin yun.
"Hindi naman siya panget, manang lang siya." Yung isa pang lalaking tumayo mula sa pagkakaupo sa drums set. "Maayusan ka lang, tiyak mahuhulog sa'yo si Claude." Napanganga ako.
"Huh? Anong bang sinasabi mo?" Sabay palo ko sa balikat niya. "Ay sorry, Fc lang.." sabi ko.
"Anong F.C?" Tanong niya.
"Feeling close.." sabay peace ko, nagulat na lang ako ng inakbayan niya ako.
"Ang bago talaga ng dugo ng mga normal.. Ang sarap inumin.." napahiwalay ako sa kanya dahil natakot ako. Saka siya tumawa. "Hahaha joke lang. May supply naman kami, kaya huwag ka mag-aalala." Sabi pa niya. "Ako nga pala si Mike." Nakayakap pa rin ako sa sarili ko sabay talikod sa kanya. "Hui, joke lang.."
"Joke ka d'yan." Sabi ko, sabay sulyap sa kanya. Binatukan naman siya nung lalaking sabi ay normal lang din kagaya ko.
"Hahaha natakot tuloy sa'yo.. mabait 'to, huwag ka matakot.." sabi niya kaya tinignan ko na lang siya kahit natatakot pa din ako. Nakita ko ang pag-abot niya ng kamay niya, "C.J nga pala.. Welcome to our band, Miss Lexie? Di ba?" Tumango na lang ako.
"Pero di naman ako nasali.." sabi ko.
"Wala ka nang magagawa, kasi dinala ka na dito ni Claude. Lahat ng gusto niya nasusunod."
"What? E di hindi ako susunod!!" Sigaw ko pa.
"Bahala ka, masama siyang magalit. Nagiging halimaw.." namintig ang tenga ko.
"Hindi naman siguro.." sabi ko pa. Nagulat na lang ako nang may bumagsak na kung ano sa baba nang stage. Nakita ko na lang na nabagsak pala iyon ni Claude. Nanlaki na lang din ang mata ko nang makitang sinipa niya yung bagay na nahulog na yun.
"Sabi sa'yo e. Masama siya magalit.." sabi nilang dalawa
. Bakit ako sasali sa bandang ito, hindi naman ako magaling kumanta. Nakakainis naman talaga. Saka siya palabas at iniwan na lang ako dito, matapos niya akong isama. Di niya ako isasabay palabas. Grabe.----
Nakarating na ako sa bedroom ko. Nakakita na lang ako ng isang maliit na sobre sa may kama ko. Binuksan ko kaagad yun, at nakita ang lilibohing pera. Kanino 'to? Nagulat na lang din ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Dumating na ba yung allowance mo?" Tanong ni Sowie, sabay pakita ko sa kanya nung sobre. Ngumiti siya at tumango. "Nasa iyo na pala.. Shopping tayo, tapos paparlor tayo.." sabi niya pa.
"Huh? Akin ba 'to?" Tanong ko ulit, tumango siya. "Papaaano?" Tanong ko ulit.
"Kasi ganyan talaga dito, ano shopping tayo bukas?" Sabi niya ulit. Sabado na nga pala bukas, kung ganon parang normal lang. Wala din silang pasok 'pag weekend. "Ano Best?" Tanong niya ulit.
"Sige.." sabi ko, tapos palundag siyang umupo sa kama ko.
"Tapos paayos tayo sa parlor, para mapansin na ako ni Brent.. hehehe.."
"Kaibigan mo ba yung lalaking yun?" Dumapa siya at pumangalumbaba saka umiling.
"Sana nga e pero sad to say, hindi pa.. kailan kaya?" Tumaas ang kanang kilay ko. Hindi niya kaibigan, pero sabi hinahanap siya. Tapos nandito pa sa higaan ko. Gago ata yun, niloloko ba ako nun? E bakit nandito siya? Bakit nga ba? Ano nga ba?
"Hui Best? Natulala ka na d'yan?" Sabi niya na ngayon ay nakatayo na sabay pagaspas ng kamay niya sa mukha ko.
"E kasi nandito.."
"Sino?" Tanong niya pa.
"Ah wala, nevermind.." sabi ko, sabay upo. Napakalaking pera naman nito. Pwede kayang ipadala ito kay Mama, sweldo ko kaya 'to. Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong clue kung sino yung prinsipe. Gulong-gulo na nga isip ko e.
"Basta bukas Parlor.." sabi ulit ni Sowie. Natauhan ako nung sinabi niyang Parlor.
"Ahaah.. Ayoko!.." sigaw ko, pero umiling iling lang siya sabay ang pagkumpas ng daliri.
"Basta sa parlor tayo bukas.." saka siya muling lumabas ng kwarto. Saan kaya yun pumupunta?
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampierWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...