Chapter 55
Nakabusangot ang mukha ko hanggang sa makapasok kami sa kwarto niya. Minsan lang ako magtampo, pagbigyan niyo na. Naiinis lang ako dahil lagi na lang ako may katulad, simula na naman sila. Hahawakan niya sana ako sa kamay ng lumayo habang nakatingin sa kanya ng masama.
"Problema mo panget?" Siya naman ngayon nagtatanong kung anong problema ko.
"Wala!" Singhal ko sabay talikod.
"Ah alam ko na!!" Parang natatawa niyang sabi kaya agad akong napaharap.
"Anong alam mo na?"
"Nagseselos ka ano??" Sabay mapang-asar niyang ngiti ah.
"Hi-Hindi ah!" Singhal ko ulit nang tunawa siya at umupo sa kama niya.
"Kunwari ka pa! Tsk tsk tsk.." pag-iling niya.
"Hindi nga! Bakit ako magseselos? Pft." Sigaw ko nang tumingin ulit siya sa akin. Mapang-asar na tingin o ako lang talaga yung naaasar?
"Huwag kang mag-aalala, sasabihin ko sa'yo.. Katulad mo si.." pagputol niya kaya agad napalapit ako.
"Sino?"
"Hahaha.. sabi na nga ba e, nagseselos ka?"
"Hindi kay--"
"Si Mama, kagayang-kagaya mo siya pero hindi sa mukha kasi maganda yun, ikaw ang panget mo!"
"Pft.. Ang yabang talaga nito."
"Hahahaha.." pagtawa niya pero kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya.
"Nasaan na ang Mama mo?" Seryosong naitanong ko nang tumingin siya. Napabuntong hininga siya, saka tumingin sa akin sabay ngiti.
"Wala na siya."
"Paano? Di ba may wala namang expiration ang mga bampira kesa sa aming mga tao na naeexpired."
"Hindi na hinintay maexpired, natunaw na lang hanggang sumama sa hangin at mapunta sa lupa."
"Huh? Ang lalim."
"Turo kasi yan sa akin ng papa ko, Basta ang alam ko wala na sila sa madaling salita." Medyo nalungkot naman ako sa sinabi niya habang kita ko rin ang lungkot sa mga mata niya.
"Kailangan mo ba ng magandang masasandalan?" Sabay iwas at sipol ko. Nang marinig ko siyang humalakhak. "Hoy! Walang nakakatawa ano ba?" Inis ko.
"Bakit kasi.maganda, dapat panget."
"Tse!!" Nang mabigla na lang ako ng hawakan niya yung kamay ko sabay hila payakap sa kanya. Lagi niya na lang akong niyayakap pero okay lang, kailangan niya ako ngayon. Malungkot sya yun ang ramdam ko.
----
Nakangiti akong gumising, disperas na pala ng christmas. Paano ako bibili nang gift para bukas ng 12 am para sa kanilang lahat, wala na si Sowie dito. Uminat muna ako bago lumabas ng kwarto, palinga-linga at hinahanap ng isip ko si Brent.
"Nasaan na kaya yun?" Mahinang sambit ko.
"Nandito lang ako, ano ba?" Nanlaki ang mata ko sa boses na narinig ko. Napalingon ako agad at nakita kong nakangiting si Sowie ang nasa harapan ko.
"Best?" Mangiyak-ngiyak kong sabi ng tumango-tango siya at mangiyak-ngiyak na rin. Walang ano-ano'y nayakap ko siya ng mahigpit. "Waahhh.. Best.. bumalik ka, naaalala mo pa ako.." ramdam ko ang pagtango niya. Naiyak na akong tinignan siya sa mukha nang makita ko rin siyang lumuluha.
"N-Namiss kita best.." sambit niya, napatango naman din ako sabay pahid ng luha ko.
"Namiss din kitaaa.." matagal kaming magkayakap, sobra-sobra naming namiss ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
I Am With The Seven Vampires✅
VampiroWhat if you'll going to the place where vampires are real? Tatanggapin mo ba silang makasama, gayong gumugulo sa isipan mo na mapanganib sila? Would you take the risk and accept the challenge to know who is the real prince of all the vampires? Laha...