Chapter 48

4.8K 232 9
                                    

Chapter 48

SOWIE POV

"Kung ganon, bumalik ka na sa academy. Di ba nakakaalala ka naman?"

"Kahit gusto ko, hindi na maaari. Hindi na ako makakababalik pa sa academy na iyon." Malungkot niya akong tinitigan sabay ang paghawak sa balikat ko.

"Bakit? Bakit hindi na pwede?" Umiling lang ako sabay hawak sa pisngi niya.

"Dahil isa ako sa mga kalaban niyo, hindi na ako tatanggapin sa eskwelahang dating tinatraydor ko. Buti pinagbigyan ako ni Miss Head na pansamantala lang mawala ang alaala ko. Para hindi naman masakit gayong iiwanan ko na kayo.."

"Hindi ka naman kalaban, kaibigan ka namin." Sabi niya, napabuntong hininga na lang ako.

"Bumalik ka na dun, hindi na nga ako makakabalik. Alagaan mo si Lexie para sa akin, please pero ipangako mo sanang huwag kang maiinlove sa kanya. Iba pa naman ang karisma non."

"Nagseselos ka ba?"

"Hindi ah, paano ako magseselos e ako lang ang mahal mo?" Singhal ko nang makita ko siyang tumawa.

"Oo naman.. Pero seryoso, sinong may gawa nito sa'yo.." napatungo ako. Hindi ko pwedeng sabihin, baka mapahamak buong pamilya ko sa mga Hexerions dahil kay Maureen bruha na yun. Bwiset talaga, kung pwede ko lang sabihin. "A-ano b-bang i-niniisip mo?" Tanong niya nang mapatingin ako sa kanya, Bakit di niya nababasa iniisip ko. Nakita ko na lang siyang parang nanghihina.

"Hoy Vam, anong nangyayari sa'yo?" Panic ko, pero di na siya nakapagsalita hanggang sa nawalan na siya ng malay. Nasapo ko na lang ang noo ko habang inaalalayan siya kaso ang bigat niya. "Hays! Ikaw kasi e, pumunta ka pa dito alam mo namang mabilis kayong manghina kapag wala kayo ron." Tumingin ako sa paligid nang makita kong palabas si Mama.

"Mama?" Tawag ko nang tumingin siya at agad na lumapit sa amin.

"Sino yan?"

"Asawa ko po.." nagulat pa siya sa mga nabanggit ko pero ngumisi lang ako.

"Anong asawa? Kailan pa? Paano si Jerome?"

"Ma, mamaya na ako magpapaliwanag, tulungan niyo po muna ako." Nang dali-dali siyang inalalayan rin ito pero di niya mapigil ang pagtingin ng masama sa akin.

"Sino ba tong lalaking 'to, infairness mas may dating pa siya dun sa panget mong pakakasalan. Kailan pa 'to Sowie ah, ah ang bigat naman niya.." natatawa na lang ako hanggang sa maipasok namin siya sa bahay at maihiga sa sofa. Nakapaymang na tinignan ako ni Mama sabay pa ang paglabas ni Papa sa kwarto nila.

"Sino yan?" Bossy'ng tanong ni Papa.

"Magiging asawa ko po.." parehas silang napanganga nang biglang gumalaw si Xyrus at hinawakan niya ako sa kamay sabay hila sa akin.

"Namiss kita Hum." yakap niya sa akin. Iisipin ko nagkukunwari lang ito para di ko siya pauwiin e. Napapeace sign na lang ako kila Mama, napakamot na lang sila sa batok nila. Nahalkan ko naman sa pisngi si Xyrus sa sobrang cute ahahaha.

Pero kamusta na nga kaya si Lexie sa babaeng bruhildang Maureen na yun. Gusto ko mang makabalik pero hindi na talaga pwede, ang kondisyon ni Miss Head para sa mga alaala ko. Pero natutuwa pa rin ako dahil sinundan ako dito ni Xyrus, mahal na mahal niya talaga ako kaya naman mahal na mahal ko din siya.

----

Lexie POV.

Nagising ako na pakiramdam ko nasa korea ako, ang lamig pero sobrang init ko. Sigurado akong dahil 'to sa pagkakabasa ko ng tubig palagi sa mga nambubully sa akin ngayon. Hindi naman ako makalaban dahil mga bampira sila, baka mapatay lang nila ako.

Pero kailangan kong pumasok ngayon, may examination din pala dito. At kapag bumagsak, papalayasin na sa academy'ng ito. Ayoko namang mangyari yun, nasaan na kaya si Claude. Matapos kong iikot ang paningin ko sa buong kwarto. Ngunit wala na naman siya, sigurado akong madami lang siyang ginagawa. O kaya nasa practice siya ng banda niya.

Napabuntong hininga na lang ako sabay ang pagtayo pero pagewang gewang akong naglalakad papunta sa C.R. Nahihilo ako, ang sakit ng ulo ko maging nang katawan ko. Sh*t talaga! Nakarating ako sa C.R at naghilamos ng mukha, nakita ko pa ang sarili kong namamaga ang mga mata dahil sa pag-iyak. Dahil sa namimiss ko na siya.

Matapos ay nagbihis na ako, at agad na lumabas ng pinto. Inayos ko muna ang sarili ko para hindi mag-alala sila Kurt kahit di na nila ako pinapansin kahit isang saglit. Naglalakad ako sa corridor, wala namang lumalapit sa akin kaya panatag ang loob ko. Papasok na ako sa room nang biglang may bumuhos sa aking malamig na tubig mula sa taas nito. Napatingin ako dun sabay ang malakas na tawanan ng mga kaklase ko.

Ang lamig na nga, lalo pang lumamig. Tinignan ko sila ng seryoso at mangiyak ngiyak pero di na napigilang pumatak nito sa mga mata ko nang makitang saglit lang akong tinignan ng mga itinuring kong kaibigan.

"Ang panget mo!"

"Umalis ka na dito!!"

"Chupeee.." sigawan nilang lahat sabay ang pagbato sa akin ng kung ano-ano. Pinahid ko ang mga luha ko saka ko pinilit makatakbo ng matilapid ako sa isang alambreng nakaharang sa may paa ko. Buti na lang at nasalo ako. Tiningala ko siya at nakita kong seryosong nakatingin sa kanila si Claude.

"C-Claude?"

"ANONG GINAGAWA NIYOOOO!!" sigaw niya na ikinabigla ko rin pati ng lahat. "BAKIT NIYO SINASAKTAN ANG GIRL FRIEND KO?!" Naiyak na ako sa dibdib niya, habang yakap ako ng mga kamay niya. Parang gusto ko nang umuwi sa amin pero nang dahil sa kanya, ayoko.

"Sorry.. Naglalaro lang naman kami Claude , hindi namin sinasadya." Pagsisinungaling pa nila.

"Oo nga naman!" Nanlaki ang mata ko sa narinig, nakita kong palapit si Maureen sa amin. "May pagkalampa kasi yang ipinagmamalaki mong kasintahan.  Kaya ayan ang nangyayari sa kanya, at saka tama lang yan sa malanding katulad niya."

"Ikaw ang malandi Maureen, huwag mong maidamay-damay ang babaeng kayakap ko ngayon. Dahil sa eskwelahang ito, ikaw lang ang nakikilala kong punong-puno ng kainsecuran sa katawan!!" Sigaw niya ulit nang makitang mandulat ang mata ni Maureen sabay ang bahagya niyang pagtawa.

"Ako Insecure?  Sa panget na yan? Watch your words Claude, kahit kailan di ako magiging insecure sa babaeng yan."

"Wala akong pakelam sa'yo tsk." Saka niya ako inalalayan at tumalikod na kami sa kanilang lahat. "Nasaan ba sila Kurt?" Tanong niya pero umiling lang ako. Inalalayan niya ako hanggang sa makapunta na kami muli sa kwarto.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, binubully ka ba nilang lahat.." kahit gusto kong sabihin, hindi ko magawa. Natatakot akong magsumbong dahil baka lalo pang mapasama. Hinawakan niya ako sa balikat, "Ano Lex, binubully ka ba nila?" Nagulat ako sa tawag niya, pero siguro namang nailang lang siya tawagin ako dun sa endearments namin.

"Hindi, lampa lang talaga ako." Pinunasan niya yung mga luha sa mata ko.

"Huwag kang mag-alala, pababantayan kila Kurt kapag nasa practice ako." Tumango tango na lang ako kahit gusto kong maiyak dahil hindi na nga ako magawang pansinin nung tatlo. Saka di mo ba napapansin ngayong may sakit ako, may lagnat ako. Di mo ba nararamdaman Claude?

"Thank you. Sweetybebe.." sabi ko pero ngumiti lang siya saka kiniss ako sa tip ng ilong ko.

"Walang anuman Lex.." sa tuwing naririnig kong pangalan lang ang tawag niya sa akin ngayon. Mas nasasaktan ako ng hindi ko maintindihan. Agad na akong pumunta sa may C.R dahil di na mapigilan ng mga mata ko ang mga luhang papatak sa mata ko. "I love you Sweetybabe.." napatigil ako saglit pero pumasok na rin ako at sa harap ng salamin nag-iiyak.

"Pafall ka rin e.." sabay ang pagpahid ko nang mga luha ko. "Akala ko ikaw ang prince charming ko. Sabagay maraming namamatay sa maling akala." Humikbi na lang ako at napaupo sa tiles na sahig.

A/N

Comment na..
Palike na rin

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon