Chapter 45

5.3K 220 9
                                    

Chapter 45.

"Itigil mo na yang pag-iyak. Nandito pa naman ako, hindi kita iiwanan." Sabi ni Claude sabay yakap sa akin matapos kaming makapasok sa kwarto niya.

"Sigurado ka bang hindi mo ako iiwanan? Paano kung bumalik si Yana? Hindi mo ba ako iiwan dahil sa kanya?" Dati ko pang gustong itanong ito sa kanya e. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko.

"Hindi kita ipagpapalit pangako! Ikaw na yung mahal ko, hindi na siya." Napangiti naman ako sa sinabi niya, pinahid niya gamit nang daliri niya ang mga luha sa mga mata ko sabay ang paghalik sa dulo ng ilong ko.

"Mahal kita Claude., mahal na mahal kita sweetybebe ko.." ngumiti siya sa akin.

"Mahal na mahal din kita Sweetybabe ko, Lexie.. I love you, totoo yang nararamdaman ko.." ngumiti ulit ako sabay tango sa kanya. "Magpahinga ka na, kakausapin ko lang si Xyrus ah.." sabi niya saka hinalkan ako muli sa pisngi. Naglakad na siya palabas ng pinto, nahiga na ako sa malambot niyang kama at ipinikit ang mga mata ko. Pero di ko pa ring mapigilang pumatak ang mga luha sa tuwing naiisip na hindi na ako makilala ni Sowie, na hindi ko na siya makakasama ulit nang matagal. Na para na lang akong isang estranghero sa mga mata niya ngayon.

Unti-unti na akong nakaramdam ng antok, sana maging magkaibigan muli kami ni Sowie. Mahal na mahal ko siya, siya ang dabest na kaibigan ko. Mamimiss kita Sowie.

Xyrus POV.

"ANG SAKIT!!" Sigaw ko sabay bato ng maliit na bato sa batis na malapit sa gubat. Hindi ko kayang mawala siya, pero bakit niya ako iniwan. Bakit ako iniwan muli nang babaeng yun! Nakakainis talaga siya, lagi niya na lang akong pinapaasa. At ngayon di niya na ako tuluyang nakikilala.

"Sowie, ma-mamimiss kita!" Sabay ang pagpatak ng mga luha ko, nakakainis. Hindi ko man lang alam kung bakit mo ako iniwan, kung bakit mo ako sinaktan ng ganito. "SOWIEEEEE!!" Sigaw ko nang umeko sa buong lugar.

"Ba't ba ang lungkot mo ngayon?" Narinig kong salita mula sa likod ko. Pinahid ko ang mga luha sabay tingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito Maureen?" Tanong ko, nang naaawa ang mga tingin niya sa akin. "Huwag mo nga akong tignan ng ganyan!!" Singhal ko.

"Mapride ka pa rin.." sabay iling niya, "alam mo ba kung bakit tuluyang umalis si Sowie dito?" Naguluhan ako sa mga sinabi niya.

"Huwag mo akong lansingin Maureen, kilalang kilala ko na ang kasinungalingang kaya mong ibato sa lahat." Nakita ko ang pagsimangot niya pero bigla lang siyang ngumiti, ngiting hindi kaaya-aya.

"Kung ayaw mong malaman kung bakit siya umalis, edi bahala ka! Buhay mo yan!!" Singhal niya sabay talikod. Nang bigla ko na lang hawakan ang mga kamay niya. Gustong-gusto ko rin talagang malaman kung bakit ako iniwan ni Sowie.

"Sige makikinig ako, bakit ba siya umalis?" Tanong ko nang makita kong ngumisi siya. Dapat hindi ko siya pinaniniwalaan pero gusto ko lang may malaman kahit konti, kahit pa sabihing kasinungalingan lahat nang yun.

"Umalis siya dahil kay Lexie.." nanlaki ang mata ko, at galit ang naramdaman ko.

"Sinungaling ka! Umalis ka sa harapan ko hanggang sa nakakapagpigil pa ako.." alam kong natakot siya pero nakita ko lang siyang tumawa.

"Kung ayaw mong maniwala, edi huwag! Pero si Lexie talaga ang dahilan kung bakit umalis siya. Sinungaling naman talaga yung babaeng yun, kunwari iiyak iyak kanina pero siya naman yung may kasalanan dahil nalaman niya lahat ng sikreto ng kaibigan niya. Di mo ba alam na kalaban si Sowie, isa siya sa mga Hexerions.."

"Anong?"

"Nakita ko yung marka niya sa likod, ikaw ba hindi mo pa nakikita?" Naguguluhan ako pero totoo ba talaga yung sinasabi niya. Kaya ba ayaw ipakita ni Lexie sa akin ang likod niya, kaya ba dahil itinatago niyang kalaban namin siya.

"At kaya nga, umalis na lang siya dito para hindi mabulgar ang sikreto niya. Para hindi mo siya kamuhian, at para hindi siya mamamatay."

"Hindi yan magagawa ni Lexie, sinungaling ka talaga!!" Singhal ko nang ngumiwi siya.

"Okay, maniwala ka kung anong gusto mo! Basta ang mahalaga, sinabi kong lahat sa'yo!!" Singhal niya rin saka tumalikod sa akin. Hindi naman magagawa ni Lexie lahat nang yun, dahil matalik na magkaibigan sila. Pero gusto kong  malaman lahat, susundan ko si Sowie kahit saan pa siya magpunta. Kahit pa lumabas ako sa lugar na ito. Tama! Susundan ko siya.

"Susundan mo talaga siya?" Napatingin ako sa muling nagsalita mula sa kaliwa ko.

"Claude?" saka ako tumungo nang tinapik niya ako sa balikat.

"Sundan mo siya pero huwag ka lang pahalata sa mga normal na isa kang bampira. Tapos kapag hindi ka niya nakilala, ipakita mo lang na mahal na mahal mo siya, saka mo siya ibalik dito. Ibalik mo siya dito para kay Lexie.." tumango naman ako at napangiti sa mga sinabi niya.

"Sige, gagawin ko ang lahat para muli niya tayong maalala, kahit pa gaano kahirap gagawin ko. Basta ingatan mo si Lexie, huwag mo siyang pababayaan." Tumango lang sya sabay nagfist bomb kami.

"Kaya mo yan!" Hmmm.. at nag-anyo akong isang paniki para makalipad sa himpapawid at hahanapin ko si Sowie kahit anong mangyari. Babalik ako dito Lexie, na kasama ang kaibigan mo.

THIRD PERSON POV

Napasinghal si Maureen habang nakamasid sa dalawa, naiinis siya dahil hindi niya nagawang lansingin si Xyrus pero bahagya na rin siyang napangiti nang maisip na wala na rin si Xyrus para iligtas ang dalagang si Lexie.

"Mukhang umaalis na silang lahat.." saka siya tuluyang naglakad papunta sa akademya. Samantalang, pinagmamasdan ni Claude ang repleksyon ng buwan sa batis na nasa kanyang harapan.

"Hindi ko bibitawan ang kamay ng taong minamahal ko ngayon, sana siya rin kahit kitang-kita ko sa kanya ang pag-aalangan." Sabay tungo niya at tuluyan na rin siyang tumalikod rito para umalis na at bumalik sa akademya.

-----

Hinaplos ni Claude ang mukha ni Lexie para magising ito sa pagkakatulog. Unti-unting minulat ni Lexie ang namamaga niyang mata dahil sa pag-iyak.

"Sweetybebe.." napangiti ang binata sa narinig.

"Gumising ka na, may klase pa.." sabi nito nang tuluyang umupo si Lexie. Tumingin muli ang dalaga kay Claude.

"Akala ko panaginip lang, yun pala totoo lahat.." sabay patak na naman nang mga luha nito. Niyakap naman siya ng binata.

"Hindi na nga muna tayo papasok, maggagala na muna tayo para makalimutan mo saglit yung lungkot. Pwede ba yun?" Tumango lang si Lexie, nang ihayag ni Claude ang kamay niya. "Halika na.." tumango lang ang dalaga at humawak sa binata saka tumayo.

"Huwag kang bibitaw, dahil hindi kita bibitawan.. Mahal na mahal kita Lexie." Napangiti naman ang dalaga, magkahawak kamay silang lumabas ng pintuan nang nagulat sila dahil may nakaharang sa pintuan. Nakatalikod ito at halatang isang babae.

"Excuse.." sambit niya nang bigla itong humarap na ikinagulat ng dalawa. "Ya-Yana?" Nautal niyang sabi nang bigla siyang yakapin nito.

"Claude, miss na miss na kita.." sabi ng dalagang si Yana. Hinawakan ni Claude ang magkabilang kamay nito, nakakaramdam naman ng kirot sa puso si Lexie habang nakatingin sa dalawa at nang bitawan siya ng binata.

"Pa-papaanong b-buhay ka?" Nagpout naman si Yana.

"Bakit ayaw mo bang buhay ako? Naglakbay lang naman ako tapos ngayon binabalikan na kita." Nagulat naman si Lexie sa narinig pero mas naninibago si Claude.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ng binata, hinawakan niya ang kamay ni Lexie sabay hinila niya ito. "Ikaw ba talaga si Yana, welcome pero sorry may pupuntahan pa kami ng girl friend ko.." nainis naman si Yana at tinignan niya ng masama si Lexie.

"Ako si Yana, nakakainis! Akala ko magiging masaya ka!!" Sigaw nito pero tuluyan lang naglakad sila Lexie. Nakita ni Lexie ang pagbabago ng itsura ni Claude, nararamdaman niya na masaya ito pero hindi niya alam kung para kanino. At ngayon natatakot na siya dahil bumalik na nga si Alyana. Natatakot siyang iwanan ni Claude.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon