Chapter 68

4.5K 189 7
                                    

Chapter 68

Lexie Pov

"Anong nangyari? Bakit ako nandito?" Naguguluhan kong tanong matapos imulat ko ang mata ko at makitang nasa kwarto na ako.

"Gising ka na pala Best."

"Ay hindi tulog pa ako." Obvious namang gising na ako, mulat na yung mga mata ko. Nakaupo pa ako, loka din 'tong si Best. "Bakit na ba ako nandito?" Tanong ko, sumalampak siya ng upo sa gilid ng kama at nasapo ang kanyang noo.

"Wala ka bang natatandaan, nahimatay ka matapos kong sabihin sa'yo lahat ng masama kong ginawa habang nabubuhay pa ako."

"Ehhh?" Sabay ngiwi ko, sinabi niya nga lahat sa akin yon. Pero bakit di ko nagawang magalit, alam ko na. Dahil best friend ko siya, ang pinakamamahal kong best friend.

"Best, nababasa mo ba yung iniisip ko?" Napatingin ako sa kanya, "basahin mo ngayon iniisip ko dali.." ani niya. Tinitigan ko siyang maigi pero wala naman akong mabasa.

"gusto mong kumain?"

"Hala! Nababasa mo nga!" Napangiwi ako sabay tingin sa may pinto.

"Kilala na kasi kita, siguro di ka pa nalabas at di ka pa nag-aalmusal." Tumawa siya bahagya sabay tapik sa akin.

"Kilalang kilala mo talaga ako." Nang kumulo rin ang tiyan ko. "At ikaw rin gutom na!" tumango lang ako at sabay kaming tumawa.

Tumayo na ako at sabay na kaming lumabas ng biglang may dumambang kulay puti na aso sa akin.

"Waahh.. Bakit may aso dito?" Medyo nagulat ako pero ang cute lang kaya hinawakan ko siya sa ulo. "Ang cute mo naman."

"CHOKOOOO!! CHU.." sigaw na narinig namin ni Best saka nakita namin si Claude na may hawak na colar ng aso. "Nandyan ka pala Choko.."

"Choko?" Takang tanong ni Best, pati ako nagtataka rin kasi kulay puti yung aso niya e.

"Oo nga Bakit Choko?" Tanong ko rin nang hawakan ko ulit si choko sa ulo.

"Ewan ko kay Brent, siya nagpangalan sa aso ko. Sabi ko nga milko e." Napangiwi kaming parehas ni Best, ang pangit kasi pakinggan. Ano bang klaseng mga bampira 'to?

"Pero cute naman yung name na choko." Saka ko tumungo para abutin si Choko. "Ang cute mo." Maamo naman siya at sobrang bait na cute kaya di ako kinakabahan sa kanya. Dagdag pa na aso rin ako sa bahay namin na nagngangalang putim. Kasi halong itim at puti. Haha.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Claude sabay hawak dun sa aso niya at nilagay yung colar. Bumatok naman si Choko saka lumabas yung dila. Hinimas niya ang ulo ni Choko.

"Kakain lang kami sa canteen." Ani ko.

"Nahimat--" tinakpan ko yung bibig ni Best.

"Ano yun?" Umililing lang ako sabay ngisi kay Claude.

"Psstt.. Huwag ka maingay." Bulong ko habang nakatingin si Claude sa aso niya. Tumango naman si Sowie, at hinawakan ko na siya sa kamay.

"Susunod na lang ako sa inyo, hahatid ko lang si Choko sa kwarto ko." Tumango naman kami ni Sowie. Namimiss ko na tuloy si Putim, siguro malaki na rin yun.

Naglakad na kami papunta sa canteen nang masilayan ko si Brent. Nakikipag-usap siya sa mga babae, pang-inis lang sa umaga. Babaero talaga 'tong yabang na'to.

"Hoy Panget!" Sigaw niya pero di ko siya pinansin. Kinuwit pa ako ni Sowie pero umiling lang ako saka kami nagpatuloy. Nabigla na lang ako nang nasa harapan ko na si Brent. "Panget, hindi ka namamansin?"

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon