Chapter 2

41 2 0
                                    

Toffer's Pov

Anong oras na ba? Ang aga ko naman yata nagising ngayon?

Oh well, mangugulit na lang muna ako!

To: Dustin, Xander
Dustin! Dustin! Dustin!
Xander! Xander! Xander!

From: Dustin
Gago ka Lim! Ang aga-aga nambubwisit ka

To: Dustin
Sinong Lim? Si Mom? Si Dad? Or si Irene?

From: Dustin
Ikaw!

To: Dustin
Ikaw! Ang pagibig na hinintay HAHAHAHHAHA

From: Dustin
Gago!

Kahit kailan talaga cussing machine 'tong si Dustin. Kami ang magkasundo ni Dustin kasi maloko din yan eh

Tapos si Xander at Prince naman ang magkavibes kasi laging seryoso. Minsan nga hindi nagsasalita iyang dalawang yan eh pero mas grabe naman si Prince

From: Xander
Tss

Ay wow lang ah! Sa tagal niyang magreply, 'yan lang sagot niya?

To: Xander
Hoy! Alexander baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa sa akin

From: Xander
Tss daldal mo para kang babae.

To: Xander
Baka gusto mong sabihin ko kay Prince ang kasalanan mo sa akin?

From: Xander
Sabihin mo. Who cares?

To: Dustin
Sasabihin ko talaga hmp!

May ginawa kasing kalokohan si Xander kahapon bago kami pumasok eh. Nainis siguro siya sa ingay ko kasi ayaw nila ni Prince ng maingay kaya ang ginawa niya ginasgasan niya gamit ng bato ang kotse ko.

Buti na lang hindi ko favorite yung kotse na iyon kasi baka di na siya nasinagan ng araw haha

To: Prince
Dude alam mo ba si Xander ginasgasan kotse ko?

From: Prince
Yeah

To: Prince
How did you know?

From: Prince
Ask him

Tsk kaya pala okay lang sa kanya na isumbong ko kay Prince kasi nauna na pala siya magreport! Naisahan na naman niya ako ah!

"Sis sabay na tayo pumasok para happy happy!" Nakita ko kasi siyang pababa na ng hagdan

"Toffer stop acting like a kid, tsk"

Umalis na siya, mukhang nagmamadali eh. Bakit ba kasi ang init init ng dugo niya sa akin? I just want to see her smile again. Ang tagal ko na kasing hindi siya nakikitang ngumingiti. Ang tagal ko ding nawala sa Pilipinas kaya parang gusto ko lagi siyang makasama pero siya na ang kusang lumalayo sa akin.

Nang makarating ako sa university, nakita ko agad ang kotse ni Dustin kaya nilapitan ko na siya at binatukan

"Aray ha!" Daing niya

"Wala pa sila?"

"Wala pa, kanina pa nga ako dito eh"

"Nga pala Dustin, kumusta kayo ng kapatid mo?" Pang-uusisa ko pa

"Wala ang cold pa rin ng treatment niya sa akin then iniiwasan niya ako, ikaw?"

"Same, kahit na ginagawa ko na lahat para makabawi parang wala lang siyang pakielam"

"Wala eh ang tagal kasi nating nawala." Natigil lang ang pagdadrama namin nang dumating si Prince at Xander na halos magkasabay lang

Kami ni Dustin ang nauuna at nagkukwentuhan kami habang si Prince naman nasa likod namin nakaearphones at nakapamulsa. Si Xander naman ay nasa gilid lang tapos parang nagtetext

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon