Chapter 37

241 0 0
                                    

Princess' Pov

"See you tomorrow?" Nagbabaka-sakaling tanong niya at tila nahihiya pa

"Yeah, see you." Napangiti naman siya kaya napailing na lang ako sa inasta niya. Para kasi siyang bata eh haha

Nagpaalam na nga ako at pumasok na sa loob ng bahay kaya umalis na rin siya. I think we'll be friends, medyo nagkakahiyaan lang ngayon pero he's fine to be with.

Kinaumagahan, bumaba na ako para makakain ng breakfast at inabutan ko naman doon si Ken.

"Good morning." Bati ko sa kanya at mukhang nagulat naman siya dahil lumabas ako ng kuwarto

"Himala yata at hindi ka nagmumukmok ngayon sa kuwarto?"

"Kakapagod eh."

"Bakit ngayon mo lang narealize iyan? O siya halika na rito at sabayan mo ako."

Habang kumakain, may biglang nagdoorbell kaya tumayo si Ken para pagbuksan ang bisita namin.

"Good morning, Princess."

"Junwei? You're early."

"Yeah, I have nothing to do so I went here."

"Join us." Pagyaya ko sa kanya kaya umupo na siya sa upuan na kaharap ng sa akin

"May lakad kayo?" Tanong naman ni Ken nang mapansin na nakapang-alis ang kaibigan niya

"Central park?" Tinignan pa ako ni Junwei kung okay lang sa akin kaya tumango ako

"Magdidate kayo?" Nabulunan naman ako sa sinabi ni Ken

"Gagala lang!" Sagot ko naman sa kanya

Pagkatapos kong kumain, naligo na nga ako at nagbihis ng kumportableng damit.

Pagkababa ko, tumayo agad si Junwei at nagpaalam na kay Ken kaya umalis na rin kami agad.

"I'm just curious, why does Ken wants us to be comfortable with each other?"

"He thinks that if we get to know each other, we'll be able to move on from our heartbreaks."

"You're broken too?"

"Yeah."

"Can I ask why?" Nag-iingat niya pang tanong kaya kwinento ko nga sa kanya ang storya namin ni Prince

Noon pa man, kilala ko na si Prince. Naging magkapit-bahay kami at minsan, nagkikita kami kapag may gatherings.

We became close eventually even if we were still young that time. Siya ang naging takbuhan ko noon tuwing sinasaktan ako ni Raven

Iyong mga kwinento ko kay Prince noon, lahat nang iyon nandoon siya para gamutin ako pero gaya nga ng sitwasyon namin, hindi niya maalala iyon.

Siya ang naging sandalan ko noon kaya sobra akong nasaktan at nangulila nang malaman kong umalis na pala siya papunta sa ibang bansa.

Wala akong kaalam-alam na aalis siya noon, pakiramdam ko nawalan ako ng pag-asa kasi siya na nga lang iyong pinagkukuhanan ko ng lakas, umalis pa siya.

Pero hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa Canada nang dalawin ko si Ken. Hindi ko pa siya nakilala masyado dahil malaki ang pinagbago niya.

Kahit na nasaktan ako sa ginawa niyang pag-iwan sa akin noon, tinanggap ko pa rin siya at muli kaming nagsimula.

Kaya kalaunan, naging kami rin. Kahit nagtataka na sina Mommy kung bakit pabalik-balik ako sa Canada. Long-distance relationship, you can say that.

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon