Chapter 14

14 0 0
                                    

Toffer's Pov

Sumobra na ba ako sa pang-aasar sa kanya?

Oo, naiinis na siya sa akin dahil sa mga pang-aasar ko. Kasalanan ko ba kung hindi ko mapigilan dahil natutuwa ako sa itsura niya kapag naiinis?

She looks adorable, and lovely...

Tuwing sinasabihan niya ako ng kung ano-ano, tinitiis ko na lang kasi paniguradong kapag nagalit ako, mas magagalit siya.

Nanahimik na nga lang ako kahit na nagbibiruan na sila. Napansin naman yata ni Tita ang biglang pananahimik ko kaya sa akin natuon ang atensyon nila

"Toffer bakit ang tahimik mo yata ngayon? Are you sick?"

"Okay lang po ako, nabusog lang po." Pagsisinungaling ko.

"Anong nangyari sayo?" Umiling na lang ako at tinapik siya sa balikat kaya alam niya na agad iyon, hindi na niya kailangan pang magtanong.

Nawalan na ako ng gana ngayon, parang gusto ko na lang umuwi at magkulong sa kuwarto.

"Tara na?" Buti na lang nagyaya na si Tito Zyle kasi gustong gusto ko na talagang umuwi.

Wala akong planong tumabi kay Angel kaya pinakiusapan ko si Aisha na magpalit na lang muna kami ng puwesto.

"Hoy Toffer umayos ka nga! Mukha kang tanga diyan." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Angel sa akin

"Gel stop, mukhang wala sa mood makipagbangayan sayo si Toffer." Narinig ko pang saway ni Aisha sa kaibigan.

"Sus Aisha nagiinarte lang iyan si Toffer. Hoy Kristoffer Lim what's wrong with you? Alam mo hindi ka pwede maging artista, hindi ka marunong umacting gosh!" Napailing na lang ako at hindi pa rin siya pinatulan.

"Fuck! Nagmumukha akong tanga dito kakakausap sayo tapos di mo ako papansinin? Gago ka ba?"

Fuck it! My patience just snapped!

"Dustin pakitabi na lang, bababa na ako." Napalingon naman siya sa akin ng alanganin pero tinanguan ko lang siya

"Bakit? Malapit na tayo oh." Tanong niya pa habang nagmamaneho pa rin

"Just... just do it." Alam niyang inis na ako kaya tinabi niya na ang sasakayan.

"Salamat p're! Ingat kayo." Bumaba na ako at naglakad palayo.

Mabuti na lang din tulog na sina Tita at Tito kaya hindi ako nahiyang bumaba. Panigurado kasing magtatanong sila kung bakit.

Damn! I didn't know that she can be so insensitive. Hindi niya ba alam na nakakasakit na siya?

Tsk!

Dustin's Pov

Ngayon ko na lang ulit nakita kung paano mainis si Toffer. Hindi ko inaasahan iyon ah, mahaba kasi ang pasensya ng isang iyon eh.

"Blue what happened to him, bakit siya bumaba?" Napatingin naman ako kay Aisha

"Nainis iyon, mukha kasing wala siya sa mood simula pa noong nasa restaurant tayo eh."

To: Toffer
Dude okay ka lang ba talaga? Punta na lang ako sa inyo mamaya. Sorry kung naoffend ka ni Angel

From: Toffer
I'm fine, don't worry about me. Just spend time with your family.

To: Toffer
Sige, basta kung kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako

From: Toffer
Drama! Haha oo na!

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon