Chapter 11

16 0 0
                                    

Dustin's Pov

Isang buwan na ang nakalipas matapos ang tatlong araw na pahinga namin. Wala naman masyadong nangyari bukod sa pagiging close pa namin ni Aisha

Nandito lang ako ngayon sa bahay dahil wala kaming pasok. Naboboring na nga ako eh kaya naisipan kong magjogging kaninang umaga

Incoming call: Aisha Greene

At bakit naman napatawag 'tong si Greene?

Yeah, she allowed me to call her Greene and I allowed her to call me Blue. I'm really happy that she allowed me to enter her life.

Ang feelingero ko talaga. Alam ko naman na hindi kami aabot sa relasyong iniisip ko eh.

Incoming call: Aisha Greene

(Hey! What took you so long to answer my call?)

"Sorry naman ah! Bakit ka ba tumawag?"

(Bakit? Ayaw mo nang tinatawagan kita?)

"Hindi naman"

(Hindi naman pala eh!)

"Hay nako! Ang init na naman ng ulo mo"

(What are you doing right now? I'm hella bored in here. Wala akong magawa)

"Wala naman akong ginagawa ngayon. Let's go out?"

(Saan naman tayo pupunta?)

"Anywhere! So, I'll pick you up, be ready in 10 minutes"

(See you!)

Nagmadali na nga ako dahil alam kong bored na talaga iyon at baka sa akin pa maibaling ang inis niya, patay na ako talaga kapag nagkataon

Nakasalubong ko naman si Angel at mukhang aalis din siya

"Angel, where are you going?"

"Kina Irene lang. Nga pala, pagsabihan mo yang kaibigan mo na tigilan na ako sa pangungulit ah! I can't sleep properly at night dahil vibrate ng vibrate ang phone ko! Grr!"

"Sinong kaibigan?"

"Tsk si Toffer 'gago' Lim"

"Hey watch your mouth Angel"

"I'm leaving, bye!"

Inunahan niya na ako pababa. Inis na inis talaga siya kay Toffer. Pero to be honest, bagay sila pero kilala ko kasi iyang si Lim eh.

Minsan lang magseryoso, baka mamaya hindi niya seryosohin si Angel nako! Hindi talaga siya uubra sa akin kahit na tropa ko siya

Bumaba na rin ako at pinaandar na ang sasakyan. I'm off to Aisha's house. Malapit lang naman ang bahay nila dito, walking distance lang pero may pupuntahan kami kaya dinala ko na ang kotse ko

Saan kaya kami pwedeng pumunta?

Nang makarating ako, pinagbuksan naman agad ako ng gate kaya pumasok na ako pero mukhang hindi pa tapos si Greene

"Sir, ano po gusto niyo? Tubig, juice o kape?"

"Huwag na ho, salamat na lang."

Napatayo naman ako nang makita ko si Tita na pababa ng hagdan.

"Oh Dustin nandito ka pala. May lakad ba ulit kayo ng Aisha ko?"

"Good afternoon po Tita Trixcie, and yes po may lakad po ulit kami ngayon"

Pinaupo naman niya ako ulit kaya nagkwentuhan na kami habang naghihintay kay Aisha.

"I really didn't expect her to have a guy friend, I mean sina Princess na ang naging bestfriend niya simula noon kaya hindi ako nasanay na may iba pang malapit sa kanya."

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon