Chapter 36

71 0 0
                                        

Black's Pov

Nandito na ako sa Pilipinas kaya ngayon ay papunta na ako sa hospital kung nasaan si Yellie.

Pagdating ko sa ospital, diretso na ako sa room ni Yellie dahil sinabi na naman sa akin ni Cess kung nasaan ito.

Pagpasok ko sa kuwarto, napaiwas ako ng tingin nang makita si Prince na hawak ang kanay ni Yellie habang natutulog silang pareho

Hinahanap niya kaya ang kapatid ko? Naiisip niya kaya kung kumusta na ito? Kasi si Cess, walang oras na hindi niya nababanggit si Prince

"Who the hell are you?!" Muntik ko nang mabagsak ang dala kong mga prutas dahil sa babaeng sumigaw na kapapasok lang ng kwarto

"Hey! I'm asking who the hell are you?" Tanong niya ulit at narinig ko ang paglapit niya sa akin

Hinarap ko naman ang babae at halos mawalan ako ng hininga nang mapagtanto kung sino ang kaharap ko ngayon.

"J-JB?"

"Bree." Pabulong kong banggit sa pangalan niya

"W-Why are you here?" Tanong niya habang unaatras dahil palapit ako nang palapit sa kanya

"I'm here because of you but I visited Yellie first before finding you. But, looks like I don't have to look for you anymore because you're already in front of me."

"Hinahanap mo ako? Para saan pa?" Pilit niyang iniiwasan ang mata ko kaya hinawakan ko ang baba niya para matuon sa akin ang atensyon niya

"Para pabalikin ka sa piling ko."

"Tapos na tayo JB, wala ka nang babalikan." Hinampas niya pa ang kamay kong nasa pisngi niya na ngayon

"E'di magsimula tayo ulit."

"Hindi puwede! Bakit ba kasi bumalik ka pa? Iniwan na kita di ba? Sinaktan, pinaiyak, sinira at winasak! Bakit naghahabol ka pa rin sa akin?"

"Mahal kita." Natigilan naman siya sa sinabi ko at napaiyak na lang

"No...no you cannot."

"Bakit hindi?"

"I d-don't have to explain it to you anymore. Bye." Hahabulin ko na sana siya pero agad na humawak si Prince sa balikat ko na kagigising lang

"Nagulat siya bro, hayaan mo na muna."

"Baka mawala siya ulit?" Hindi ko na alam kung paano siya hahanapin kapag nawala na naman siya sa akin

"Hindi ko hahayaan iyon. Tutulong din ako, iyon ang napag-usapan namin ni Cess." Napatingin naman ako sa kanya nang mabanggit niya ang kapatid ko

Nagpalipas muna ako ng oras sa room ni Yellie pero wala na ako sa wisyo para kausapin siya. Mas gusto ko na lang nakita ang babaeng mahal ko

"Prince, tanungin mo naman si Bree kung nasaan siya." Tumango lang siya kaya naghintay ako

"Nandito pa rin siya sa building."

"Saan?"

"Rooftop garden daw."

"I gave her enough time already, right?" Nakadalawang oras na ako dito eh. Ayos na siguro iyon.

Pag-akyat ko sa rooftop, hinanap ko agad siya at agad ko naman siyang nakaupo habang nakatanaw sa mga building.

Tumabi ako sa kanya at nang malamang ako iyon, agad siyang tumayo pero napigilan ko ang braso niya

"Stay."

"I'm leaving."

"Please stay." Mahinang sabi ko

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon