Chapter 27

9 0 0
                                    

Toffer's Pov

Incoming call: Prince

Tumingin ako sa orasan ko, 10 am na pala! Late na akong umuwi kagabi kasi nanood pa kami ni Angel ng movie sa kanila.

Incoming call: Prince

"Morning!"

(Tss! Kunin mo sa Meraezim iyong kotse ni Dustin)

"Bakit di na lang siya ang kumuha?"

(He can't and for sure, magkukulong lang yon sa kwarto niya kaya ikaw na bahala)

"Pero Prince bak--"

(Matutulog na ulit ako bye!)

Wala na akong choice kaya nag-handa na ako. Gusto ko pang matulog pero sige, kukunin ko na ang auto niya para makapunta rin ako kina Angel

Pagbaba ko naabutan ko agad sina Irene at Xander sa living room at kung magyakapan, akala mo isang taon silang hindi nagkita.

"Irene where's Mom and Dad?"

"Jogging, but they'll be back for lunch." Sabi naman ni Irene habang pinaglalaruan ang kamay nila ni Xander na magkaholding hands.

Takte iyan! Makaalis na nga dito, napakasweet nila eh, naiinggit ako.

Kapag ako sinagot na ni Angel, ha! Malalaos na kayo!

Nagcommute na lang ako papunta sa university kasi ayoko namang iwanan doon ang sasakyan ko para lang mahatid kay Dustin iyong sa kanya

Pagdating ko, nakita ko agad ang sasakyan ni Dustin nakaparada kaya lumapit na ako doon.

Teka! Nasaan ang susi? Tsk! Wala nga pala akong susi paano ko 'to bubuksan?

To: Prince
Iyong susi, nasaan?

From: Prince
Inabot ko sa guard kagabi.

Nang makita ako ng guard, mukhang alam niya na ang pinunta ko dahil pumasok siya sa loob at paglabas, may hawak nang susi

"Sir, ito po ang iniwan ni Sir Prince."

"Salamat po."

Nang makuha ang susi, umalis na nga ako dala ang auto ni Dustin at tumungo na sa bahay nila.

From: Angel (AB)
Hey Psycho! Where are you?

To: Angel (AB)
I'm driving.

From: Angel (AB)
Okay! But can you go here? I'm bored!

To: Angel (AB)
On my way!

Pagdating ko sa kanila pinarada ko na ang sasakyan at pumasok dala ang susi ni Dustin. Ano ba kasi ang nangyari doon?

"Psycho!"

"Makapsycho ka naman diyan AB! Nasaan kapatid mo?"

"Di pa siya lumalabas sa kuwarto niya eh." Hinila niya ako papunta sa kitchen at binigyan ng sandwich na ginawa niya raw.

"Naboboring talaga ako ngayon Toffer ano bang pwedeng gawin?"

"Movie marathon tayo ulit?" Pumayag naman siya kaya pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami sa theatre room nila

Namimili siya ng papanoodin namin kaya nagkaroon ako ng oras para isipin pa siya lalo. Luh ang landi ko! HAHAHAHAHA

"Ayos ka lang?" Tumango na lang ako at umakbay sa kanya.

Nang patapos na ang movie, naalala kong kailangan ko nga palang ibigay ang susi kay Dustin

"AB puntahan ko lang saglit si Dustin." Umokay lang siya sa akin kaya iniwan ko na siya sa theatre room.

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon