Chapter 9

21 0 0
                                    

Xander's Pov

"ANGEL BLUE!"

Napatigil kami sa pagkain nang makarinig kami ng matinis na boses sa pagsigaw.

"Continue eating guys, titignan ko lang kung sino yon"

Lumabas na nga si Dustin kaya nagpatuloy na kami sa pagkain pero napansin naman namin si Prince na kanina pa tulala.

"Prince aminin mo nga sa amin, what's happening to you? Nag-aalala na kami sayo." Panimula ni Toffer

"Yeah"

"I'm fine." He said but we can't be convinced with that.

"Dude naman, it's obvious that you aren't."

"Fine, I'm not okay, happy?"

"Why?" Tanong ko naman

"Nah, you don't have to know about it. I'll handle it myself."

Hinayaan na lang nga namin siya dahil alam naman namin na kaya niyang malagpasan iyan.

Incoming call: Dustin

Bakit tumatawag pa 'to? Nasa iisang bahay lang naman kami ah?

Incoming call: Dustin

Masyadong makulit 'tong hinayupak na 'to ah tsk! Pangalawang tawag niya na 'to eh

Tumayo ako sa inuupuan ko at pumunta sa living room pero, wala na si Dustin

"Manang, si Dustin ho?"

"Ah hijo lumabas siya kasama si Ma'am Aisha"

"Ah ganoon ho ba? Sige ho salamat."

Incoming call: Dustin

(Hoy Alexander Madrigal kanina pa kita tinatawagan ah! Bakit di mo ako sinasagot hanep ka ah!)

"Hindi mo naman kasi kami sinabihan na aalis ka ng bahay"

(Kahit na! Paano na lang kung emergency 'to?)

"Malay ko ba kung tinanan mo na si Lopez"

(Tinanan?! Haha itong amazonang 'to itatanan ko? Nagpapatawa ka ba?)

"Bakit ka ba kasi tumawag?"

(Sasabihin ko lang sana na kayo na bahala diyan sa bahay tapos bantayan niyo na rin si Angel. May pupuntahan lang kami ni Aisha)

"Okay"

(Sige tha)

Binaba ko na ang tawag dahil alam ko na namang wala nang sasabihin pa si Dustin.

"Toffer"

"Yes?"

"Sabi ni Dustin, dito ka lang daw, bantayan mo si Angel dahil baka late na makauwi ang isang 'yon"

"Ano si Angel, bata? Kaya na niya ang sarili niya!"

"Sabi ni Dustin eh"

"Teka, bakit ako?!"

"Sayo daw siya may tiwala eh." Pagpipigil ko pa ng tawa. Well, kami ang binilinan pero kaya na ni Toffer iyon.

"Bakit ba kasi biglang nawala yon?"

"Nakipagdate yata kay Lopez"

"Eh?"

"Sige ah, kaya ko na iyan Toffer!" Sabi ko at iniwan na namin siya ni Prince.

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon