Chapter 45

13 0 0
                                        

Prince's Pov

Nang makasakay na sina Ate at Jaydee sa sasakyan nila papunta sa reception, hinanap ko na rin si Princess.

Hindi naman ako nahirapan dahil nang marinig ko ang matinis na boses ni Angel at Aisha, napatingin ako doon. Parati naman silang magkakasama kaya nilapitan ko na sila.

"Puwede ko bang mahiram muna ang fianće ko?" Nilahad ko pa ang kamay ko sa harapan ni Cess

"Hindi makapaghintay? Tsk!" Patapon pa niyang nilagay ang kamay niya sa kamay ko kaya pinagsalikop ko na iyon

"Our deal ends today, my love." At hinalikan ko pa siya sa noo

Hinarap naman namin ang mga kaibigan namin na mukhang naguguluhan pa sa nangyayari bukod kay Irene.

"Uhm, may nakaligtaan ba kami?" Panimula ni Angel

"May naskip yata tayong araw, kaya medyo naguguluhan tayo ngayon." Dagdag pa ni Toffer

"Kailan pa kayo nagkausap? Engaged? Kailan? Huh?" Natawa pa ako sa reaksyon ni Aisha dahil litong-lito talaga siya

"Scam ka p're! May painom-inom ka pa tapos okay na naman pala kayo." Ginulo pa ni Xander ang buhok ko

"Uso magsalita, hindi aalis ang mga iyan dito hangga't hindi niyo iyan kinukwento. May reception pa tayong pupuntahan." Sabi pa ni Irene

"Naaalala niyo noong nawala ako?"

"N'ong sumama ka sa isang lalaki?" Napatingin naman ako kay Aisha

"Please don't mention the guy part anymore." Pakiusap ko pa dahil nag-iinit ang ulo ko

"Pasensya! Okay so, what about it?"

"Prince came that night to get me away from Ysmael. When we were already in our room, we had the chance to talk about our relationship. Well, there were some crying and shouting parts but eventually, we fixed it."

"Pero kinabukasan noong hinatid ka niya, bakit parang hindi pa kayo okay?" Tanong naman ni Dustin

"Pinakiusapan niya akong magpanggap muna kaming hindi pa magkaayos para dahan-dahanin kayo. Ayaw niyang mabigla kayo sa bilis ng pagbabalikan namin pero mukhang hindi niyo naman napapansin ang mga inaakto namin noong mga nakaraang araw kaya ayan, nagulat pa rin kayo." Paliwanag ko pa

"Pucha! Kaya pala may paayos-ayos ka pa ng buhok ni Cess noong nagswimming tayo?"

"Tapos minsan sinusubuan mo pa ng pagkain si Cess!" Sigaw pa ni Gel

"Hindi ko binigyan ng malisya kasi akala ko pinakikisamahan lang ni Cess si Prince." Sabi pa ni Dustin

"Kapag ba nawawala ka, pinupuntahan mo sa kuwarto si Princess?" Tinanguan ko lang naman si Xander

Ayan sige, ngayon niyo naiisip ang mga inaakto namin kung kailan umamin na kami haha!

"Teka, Irene alam mo ba 'to? Bakit parang hindi ka yata nagulat?" Pagtataka naman ni Angel

"Alam ko na simula pa lang. Ang obvious naman kasi nila."

"Haha mamaya na ulit tayo magkuwentuhan, baka hinahanap na tayo ni Black!" Nagyaya na nga si Cess kaya umalis na kami

Hindi naman nagtagal ang biyahe namin kaya pagdating namin doon, halos kasabayan lang din naman ang iba nilang bisita.

"Sige na, pumunta ka na sa table niyo."

"Hatid na muna kita." Umiling naman siya at mahina pa akong tinulak.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil iniwan niya naman na ako agad para pumunta sa puwesto nila nina Angel.

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon