Chapter 50

19 1 0
                                    

Princess' Pov

"Hatid muna natin si Prislet kina Yellie." Napalingon naman ako kay Prince habang namimili ng isusuot ko

"Daddy dito na lang ako sa house!" Narinig ko pang sigaw ng anak ko mula sa bedroom

"Anak, baka kasi hindi kami makauwi ngayon ng daddy mo. Mas makakampante kami kung kasama mo si Yellie." Paliwanag ko naman sa kanya nang makalabas na ako ng walk-in closet

Pinaupo ko rin naman siya sa kama para maayusan ko na ang buhok niya. Mahilig kasi siyang magpatirintas ng buhok.

"But Mommy, my toys are here."

"Don't you want to play with your cousins?"

"Jake Kridee is there too?"

"Yes."

"Oh, okay!" Mabilis ngang nagbago ang desisyon niya kaya napailing na lang ako.

Mas malapit kasi sa kanya si Jake Kridee kaysa kay Jack Nathan dahil ang sabi niya, masyado raw itong tahimik.

Alam ko naman na kaya niya mas gustong kasama si Jake ay dahil parati siyang sinusunod nito. Kahit anong gusto niya, binibigay ni Jake.

Ilang taon na rin ang lumipas mula nang ikinasal kami ni Prince kaya medyo nalulungkot kami dahil nakikita naming unti-unti nang lumalaki si Prislet.

Minsan nga, mas gusto niya pang kasama si Jake kaysa sa amin dahil mahilig silang maglarong dalawa.

"Mommy, I love you." Nabalik naman ang atensyon ko kay Prislet nang halikan niya ako sa pisngi

"I love you too, my baby."

"You're so pretty Mommy! Have I already told you that?"

"Hmm, what do you want?" Alam ko kasing may hihilingin na naman iyan kaya naglalambing

"I saw a new set of clothes online, it's so beautiful Mommy! Can you buy it for me?" Nangniningning pa ang mga mata niya habang magkadikit ang dalawang palad.

"Nakita mo o pinadala na naman ng Tita Angel mo?"

"Uhm, I told her that I won't tell you."

Angel Blue! Tsk! Siya kasi ang nagiimpluwensiya kay Prislet Gracess magshopping nang magshopping eh!

"I'll think about it."

"But Mommy, baka maubusan ako."

"I said I'll think about it."

"Mom, please?"

"You just had a dress yesterday."

"Daddy?" Ayan na, naghahanap na naman ng kakampi!

"Sige Prince Grae, subukan mong kampihan iyang anak mo." Mukha namang gumana ang pagbabanta ko dahil niyakap niya lang si Prislet

"Mommy, I'll be good promise! Just buy me the new set, please?"

"Prislet Gracess."

Napaupo naman siya sa sahig at mukhang alam niyang wala nang patutunguhan ang pamimilit niya sa akin.

Binuhat ko naman siya at muling inupo sa kama naming mag-asawa

"What did Mommy tell you?" Hinaplos ko pa ang pisngi niya kaya napaangat na ang tingin niya sa akin

"Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo kasi may mga mahalaga pang bagay na dapat pagtuunan ng pansin." Mahina niyang sabi

"Kabibili ko lang ng gusto mong dress kahapon, di ba?"

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon