Chapter 23

12 0 0
                                    

Prince's Pov

"Prince anak hindi ka papasok?" Nagulat siya nang makitang nakahiga pa ako sa kama ko

"Wala akong gana, Mom." Naiinis din kasi kaya ayoko pumasok. Paniguradong aartehan lang ako ng Jessica na iyon kapag umattend ako ng klase

"Are you sick?"

"No, I'm fine Mom don't worry."

"If that's the case then get up so you can join us for breakfast."

"Hmm." Tumayo na nga ako at hinintay siya malagay ang mga pasalubong niya sa akin sa table bago kami sabay na lumabas

Naamoy ko naman agad ang mabangong ulam namin ngayon kaya nang makarating sa dining area, umupo na ako.

"Where's Ate?"

"Maaga siyang umalis, hindi ko nga alam kung saan siya pupunta." Sagot naman ni Mom

"I see, baka nagshopping na naman." Iyon kasi ang pinagkakaabalahan ng kapatid ko ngayon kaya hindi na ako magtataka kung pag-uwi niya, marami siyang dalang bags.

Tahimik naman kaming kumain nina Dad and Mom, I'm so happy they're back. Kaninang madaling araw, sinundo namin sila ng mga kaibigan ko.

Well, our parents are not just friends, they are also business partners so they went home together earlier after their trip.

Isa rin iyon sa dahilan kung bakit hindi kami pumasok ngayong araw na 'to.

"By the way Prince, I heard that you and Yellie are getting along well." Napatingin naman ako kay Dad na nakangiti pa

"We're friends." Sunod ko namang tinignan si Mom na mukhang gustong humingi ng paumanhin sa akin

"You'll be engaged soon, son. You should try to see her as a woman. Don't you want to date someone you already know for a long time?"

"I like someone else, Dad." Pag-amin ko na sa kanya

"Then forget her and be with Yellie. She's the best for you."

"I want to call the engagement off, Dad. I don't want to commit to someone I don't even love."

"You can't do anything about it already Prince Grae, we already settled this with the Mendozas."

"But—"

"Enough!" Napatigil naman ako sa sigaw ni Dad kaya umalis na lang ako roon

Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili para makaalis na muna sa bahay. I need to calm down, that was just so sudden.

Bakit ba kasi napunta kami sa usapang tungkol sa amin ni Yellie? Tsk!

"Prince, ang aga pa ah? Anong ginagawa mo dito?" Inaantok na tanong pa sa akin ni Toffer nang buksan niya ang pinto ng bahay nila

"It's already 8am, Toffer."

"That's still early!" Pumasok na nga kami at sinara niya na ang pinto

Napataas naman ang kilay ko nang makita si Xander na nagkakape sa bakuran nina Toffer. Mukhang may mas maaga pa pala sa aking dumating.

"Morning." Bati sa akin ni Irene nang dumaan siya sa harap ko para lapitan ang boyfriend

Napaiwas naman ako ng tingin nang makitang halikan niya si Xander. Tsk ang aga aga ang haharot na nila.

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon