Prince's Pov
Pagdating namin sa office ni Yellie, nakalock iyon kaya alam na agad namin ang sagot.
She's not here
"Ano ba ang nangyari? Hindi ba nagrereply sayo?" Tanong ko na
"No, I think she has a problem. She won't do this if she's fine."
"Why don't you just wait for her to tell you what's bothering her?"
"Prince, kung gusto mo nang umuwi at magpanhinga, okay lang. I've troubled you a lot already."
"What? No! I'm okay, ikaw nga ang inaalala ko. You've been emotionally tired since yesterday."
"I can handle myself now."
"Sasamahan na kita." Desididong sabi ko at hinila siya pabalik sa parking lot.
Nagpahila naman siya sa akin at tahimik na sumama. Napansin ko sa mukha niya ang pag-aalala kaya hindi ko siya hahayaang mag-isa.
"So we're are we going next?"
"Subukan natin sa Mendlop." Sabi niya at sumakay na sa sasakyan niya na sinundan ko naman agad
Nakita nga namin ang sasakyan ni Yellie sa parking kaya nagmadali na kaming pumasok ni Princess.
Ang aga pa para mag-inom ah?
"Yellow fix yourself, I'll bring you home. Nag-aalala na sayo sina Tita." Panimula ni Princess.
"W-What? They're here?" Muling tanong niya habang inaangat ang mukha para maharap si Princess
"Hey Yellie are you okay?" Natumba kasi siya nang tumayo. Mabuti na lang at nasalo ko agad
"Can you carry her to my car?" Tinanguan ko na lang si Princess at binuhat na nga si Yellie
"Bakit kayo magkasama ng fiancé ko?" Tanong niya kay Princess na nagpatigil sa amin sa paglalakad
Napakunot ang noo ni Princess sa sinabi ni Yellie. Kahit ako nagtataka sa lumabas sa bibig niya.
Ano bang pinagsasasabi nitong si Yellie?
"Yellow, lasing ka na." Sabi ni Princess, hindi na pinansin ang sinabi ng babaeng buhat ko ngayon
"Hihi!"
Halos mabitawan ko naman siya nang bigla niya akong hinalikan sa labi.
Fuck! Nakita ni Princess iyon! What am I going to do?
Nagulat ako nang biglang hinila ni Cess si Yellie kaya nawala siya sa pagkakabuhat ko. Madapa-dapa naman si Yellie habang hawak siya sa kamay ni Princess na seryoso na ngayon.
"Hey slow down!"
"Umayos ka Yellow, tatamaan ka sa akin." Nanindig naman ang balahibo ko sa paraan ng pagsasalita ni Cess
Nang mapasok niya sa sasakyan niya si Yellie, hinarap niya na ako. She's angry, I can see that on her face.
Is it because of me? Is she mad at me?
"Thank you for accompanying me, Prince."
"Hindi ka naman galit sa akin di ba?"
"No."
"That's good to know."
Tinalikuran niya na naman ako at sumakay na sa sasakyan niya kaya tumalikod na rin ako.
Hindi pa ako nakakalayo nang biglang may yumakap mula sa likuran ko. Muntik na nga kaming matumba dahil sa lakas ng pagkakayakap niya, parang galing sa takbo.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...