Chapter 31

12 0 0
                                    

Aisha's Pov

It's been another week ever since Princess and I had a confontation again. I don't know what to do anymore.

"Aisha? Why are you crying?" Agad ko namang pinunasan ang nga luha ko nang makita ako ni Dad

"Feel free to talk to me, my daughter." Humila siya ng upuan at tumabi na sa akin dito sa garden

"Dad how will you know if a guy really loves you?"

"Hindi naman iisa ang isip at puso ng mga lalaki anak kaya may iba-iba silang paraan kung paano nila ieexpress ang kanilang pagmamahal."

"Eh ikaw Dad, paano mo inexpress kay Mom na mahal mo siya noong teenager pa lang kayo?"

"Noong umamin ako, hindi siya naniwala kasi nga palabiro ako noon at kapag sinasabi kong mahal ko siya, binabawi ko agad kasi natatakot ako na baka layuan niya ako. Iniwasan niya nga ako nang ilang buwan, pero hinayaan ko siya kasi alam kong kailangan niya iyon. Nang medyo tumagal na ang hindi niya pagkausap sa akin, tinulungan na rin ako ng mga kaibigan ko na ipaalam sa Mom mo na totoo ang nararamdaman ko and I also showed her that by being consistent."

"Consistent?"

"Parati ko pa rin siyang dinadalaw sa bahay nila kapag walang pasok, hinahatid-sundo ko pa rin kahit na ayaw niya. Nasa tabi niya lang ako kahit ilang beses niya akong pinagtabuyan kasi ganoon ako eh, ganoon ako magmahal."

"Dad, you know Dustin right?"

"Oo naman! Alam mo bang pumunta siya dito last night?"

"Last night? Ano namang ginawa niya dito?"

"He talked to me...about you."

"What did he say?"

"I can't tell you but, all I know is that he's sincere. Anak, mabait na bata si Dustin. Siguro nasaktan ka niya oo, pero hindi naman maiiwasan iyon hindi ba?"

"Dad."

"Kapag nagmahal ka, automatic na rin na makakaramdam ka ng sakit sinadya man o hindi kasi doon mo malalaman kung gaano kahalaga sayo ang taong iyon."

"Pero..."

"Hihintayin mo pa bang mawala at sumuko ang taong mahalaga sayo dahil sa sakit na nararamdaman mo? Kung kaya mo namang maging masaya habang kasama siya?"

"Mahirap magtiwala ulit, Dad."

"Hindi ba siya karapat-dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon?" Tanong niya pa na muling nakapagpatahimik sa akin

"Kayang mapawi ng pagmamahal ang sakit na nararamdaman."

Pero kaya ko bang sumugal?

"Anak kahit anong advice ang ibigay namin sayo, ikaw pa rin ang may hawak ng buhay mo. Sana lang ay makapagdesisyon ka ng tama para wala kang pagsisihan sa huli."

"Thank you, Dad." Niyakap ko siya kaya binalik naman niya iyon sa akin.

Ginulo niya pa ang buhok ko at nagpaalam nang babalik muna siya sa kuwarto nila ni Mom para asikasuhin ang mga papeles doon.

Ngayon, naliliwanagan na ako. I'm also starting to feel bad because of what I said to Princess.

Hindi ko inisip ang impact ng mga sinabi ko sa kanya. She just wanted to help me, but I looked at it in a negative way.

I need to apologize.

Princess's Pov

Nandito ako ngayon sa rooftop dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayokong umuwi sa bahay, ayoko rin namang tumambay lang sa Mendlop at lalo namang ayokong magstress eating sa Gralet.

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon