Chapter 13

10 0 0
                                    

Princess' Pov

Pagbaba ko nakita ko agad si Mom na kausap si Tita Aileah.  Damn, ayokong humakbang! I really don't want to go home!

"Oh there she is! Vianne naman kasi, you should give more attention to your kids, hindi iyong puro business na lang, look at the outcome, hindi tuloy sila open sa inyo in Raven." Inakbayan pa ako ni Tita.

"Kaya nga Aileah, pero no choice din naman ako kasi I have to focus on our business. I need to provide their needs and this is also for their future." Tumango na lang si Tita at hindi na sinagot pa si Mom

Paglabas namin ng gate, pinasakay na ako agad ako sa kotse kaya wala na akong nagawa.

"My car, it's still there."

"Ipapakuha ko na lang 'yon sa driver o kaya balikan mo na lang bukas."

Tila naman ako nasusuffocate ngayon dahil nasa iisang sasakyan ako kasama ang kinaiinisan ko.

At talagang may gana pa siyang kausapin ako?! The nerve of this man!

"Anak kumusta ka naman dito sa Pilipinas? Kasya ba ang allowance na pinapadala ko sa bank account mo?"

Allowance! Tss, ilang taon na akong nabubuhay sa sarili kong pera.

"Princess, tinatanong ka ng daddy mo."

"I'm fine." Napailing naman si Mom sa sinagot ko.

"We're here!" Masayang sabi ni Mommy kaya nauna na nga akong bumaba pero natigilan din ako agad

What are we doing here? Oh well!

Sinalubong naman agad ako ni Krish sabay yakap. Hindi naman halatang namiss niya ako 'no?

"Hey Cess! 1 month din tayong di nagkita!"

"Yeah." Mukha namang napansin niya na tahimik ako kaya hinayaan niya na lang.

Alam niya rin kasi na ayoko kay Raven. Kahit naman kasi 5 years siyang wala sa Pilipinas, hindi pa rin nawala ang communication namin not like Black.

"Hey Princess! It's been a long time since I last saw you!"

"Good evening po Tita Hailey, Tito Jerome"

"Good evening din sayo, Princess." Close ako sa parents ng mga kaibigan ko pero hindi ako close sa mismong parents ko. Amazing, right?

"Hailey, Jerome where's Prince? Hindi ko pa siya nakikita ah?"

"Oh yeah, Krisha Bree call your brother then proceed to the dining room." Utos ni Tito kay Krish

Umupo na ako sa isang bakanteng upuan kung saan din ako umupo noon nang imbitahan ako dito ni Krish

"Good evening po."

"Good evening hijo." My parents also greeted Prince

Prince then sat beside me at mukhang nagulat siya nang makita ako pero inirapan ko lang siya.

Habang kumakain, hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Prince.

Napapailing na lang ako dahil nahuhuli ko rin siyang sumusulyap sa akin kaya napapaiwas na lang kami ng tingin.

"Hailey, anong decision niyo about sa merging?" Tanong ni Mom kay Tita

Napatigil naman ako sa pagkain at napahigpit ang hawak sa utensils ko. Napansin naman ni Krish at Prince ang reaksyon ko kaya medyo umayos ako ng upo

Prince's Pov

I saw how Princess curled her fist under the table after she put the utensils down.

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon